Saturday, January 02, 2010

12 Angry Men and Democracy


Dear insansapinas,


Kagabi pinanood ko yong 1997 Movie for TV na version ng 12 Angry Men. Siyempre nandoon si William Petersen. Blond pa siya. Mukha pa siyang tanga. At bata pa. Ang bida doon ay si Jack Lemmon. Ang foreman ng 12-men jury ay si Courtney Vance, naging ADA sa Law and Order.


Bakit kamo ako naintersado? Isa dahil napanood ko yong 1957 version teleplay    na ang bida ay si Henry Fonda. Kaya nagustuhan ko si Henry Fonda.


Ang istorya ay tungkol sa jury na kailangang ibigay ang verdict nila kung guilty o not guilty yong batang itim na akusadong pumatay sa kaniyang ama.


Lahat ng evidencia nagtuturo na guilty ang akusado, pero dahil nga may democracy sa US, kahit na ang mga akusadong criminal ay mayroon ding rights na ipagtanggol ang kanilang sarili. Sa isang bansa na walang demokrasya, papatayin na lang ang akusado.


Precisely kaya yong mga blogger na maka Aquino dahil ipaglalaban daw ang demokrasiya ay sila pa ang critical sa pag-apply ng due process of law. Hindi pa man tapos sinasabi na nila na mapapawalangsala ang mga Ampatuan.


Yan ang democracy. Di ba it stinks? Alangan naman na dahil lang sa akusasyon, ipabibitay mo na ang tao. Kahit na ba may eyewitness. Eh kung kapitbahay mo sa inis lang siya, akusahan ka na ang ikaw ang pumatay kay Rizal...


Sabi nga ng aking paboritong author, the not guilty verdict does not mean that the accused is innocent. Either the prosecution and the police did not do their best to present an iron-clad reason  free from reasonable doubt or the defense team is a dream team to hire with a hundred per cent acquittal track record. Di ba kaya maraming galit kay Cochran sa OJ case.


Kahit na siguro, hawak pa ang knife na ipinatay pwede pa nilang palabasin na gagamitin lang sa palaman sa tinapay yaon. Anong masasabi ng aking kaibigan kong talk-to-my-lawyer-friend biyay. Huwag mo akong padalhan ng bill.

In the 12 Angry Men, nandoon lahat ang mga kailangan para maconvict ang akusado pero isang juror ang bumuto ng not guilty. Pag hindi ANONYMOUS ehek UNanimous pala ang resulta ay hung jury. Kaya ulit na naman ang trial.


1. Dalawang eyewtinesses na nagsabi na nakita nila ang batang lalaki na pinatay ang ama.- ang mga sinabi ng mga eyewitnesses pala ay imposible kasi yong isa hindi nakasuot ng salamin noong nakita niya ang krimen. yong isa naman, imposibleng marinig niya yong isgaw noong batang, I will kill you dahil dumaraan ang tren noong oras na iyon.



2. Nandoon ang knife na ginamit pagpatay. -ang klase pala ang knife ay hindi pababa ang atake kung hindi pataas.



3. Mahina ang alibi ng bata kung nasaan siya nang oras na pinatay ang kaniyang ama. -Sabi ng police hindi masabi ng bata kong sino ang mga actor sa pelikulang pinanood niya. Aba ay lalo kung lumang picture yon talagang hindi mo makikilala. 




Ang gusto ko doon ay si William Petersen aka Gil Grissom na isang advertsing executive. Mayroon siyang sinabi na sa advertising world or promotion stategies whether produkto o taong pinapackage para sa public relations, any idea, kahit crazy idea will be adopted...at titingnan nila kung tatanggapin ng tao.


Pag tinaggap ng consumers or target market, ipagpapatuloy nila regardless kung may katotohanan o hindi. Kaya nga may mga slogan o catch words ang mga kandidato.


1. Gibo teodoro - Galing at talino.


2. Manny Villar- Sipag at Tiyaga


3. Erap - Erap sa MaHERAp _ sabay irap.


4. noynoy - cory at Ninoy - ay ano ba? Tuloy ba ang Laban. Laban saan?


Pinaysaamerika

14 comments:

  1. sasagutin ko sana cath kaya lang umpisa pa lang, mahaba na ang sagot ko. will post about it soon na lang.

    ReplyDelete
  2. hahaha tuloy ang laban...
    laban ng mahjong sa times st.
    anu beeeeh, sinu pa ba ang kalaban nya?
    biyay, pagalitan mo nga yung sikyo sa post mo, ayaw akong bigyan ng confirmation letters last week pa, diko tuloy matikman si angko,mukha pa namang masarap.

    ReplyDelete
  3. Gibo- delikado yang galing at talinong yan, my kalalagyan tayo kay Gibo...sa poso negro,yay!

    Villar- mas nakakatakot to, sipag at tiyaga daw,alam na alam nating walang yayaman sa sipag at tiyaga(wais/tuso/switik kamo)

    Erap- nakakataas pa ba ng paa ang isang to?

    Noynoy- panindigan mo nalang ang pananahimik mo,si kris nalang gawin mong speaker,baka my makinig pa.

    ReplyDelete
  4. alam mo rin pala yon ha.

    mas matindi nga ang sikyo ni biyay kaysa sa sikyo ko. pero yon nga palang aking ay hindi tumatanggap ng walang Google account. salbahe ko.

    ReplyDelete
  5. lee,
    nakita mo bang tumakbo pa si erap doon sa makati? tumakbo papunta doon sa photographer. baka ilang dipa lang yon.

    galingan mo ang pambubuska lee, para offeran tayo ng hermes o kaya burkin.

    highest bidder. hahahaha

    ReplyDelete
  6. ganyan gawa ng ibang bloggers.

    panay sila banat, tapos pag napatawag o "nabigyan" biglang kumakanta at sumasayaw para sa kandidato.

    Naimbita lang sa kampo ng kandidato at nakadaupang-palad biglang maganda na ang tingin sa kandidato.

    malaking wallet na maswerti.

    ReplyDelete
  7. sus, para bang yung isang blogger na naka pakodak lang sa kandidato e biglang magaling na sa kanya yung kandidato, nakapakodak palang yun ha?
    nung officer pako ng fil association sa south asia,
    inisnab ko si ramos dahil galit ako sa kanya,diko
    sinipot yung meeting at diko pinagbigyan yung
    ambasador namin dun na magperform para kay ramos(sya pa presidente nun).
    aba aba yung ibang galit na galit din sa kanya nakapakodak lang,ang bait bait daw ni ramos,
    Pweh!

    ReplyDelete
  8. tapos nung si erap ang presidente,dumating ang magasawang de venicia, wala nakong reason para tumanggi,at ako pa ang itinabi nya sa kanya sa VIP table,dahil nilalakad nila nun na mapatalsik si erap,kaya
    nililigawan yung mga opisyales abroad,kasi nga sweet sya sakin nung una e kasi usap kami ilokano,tinanong nya ko kung anu daw masasabi ko,ang sagot ko...

    "Gloria?yes i know her, she was the incharge in GTEB before and i know how she bahave"

    di ako ngumingiti,bigla nagtinginan sakin lahat,
    esmyuski,di ako marunong makipag plastikan, alam na nila kung anung ibig kong sabihin,at
    talagang hinintay ko ang pagkakataong makakontra sa kanila,pangarap kong maging kontrabida e nyahahaha.

    kala nila diko alam na masama ang ugali ni glo nyahaha.

    ReplyDelete
  9. si ramos pa naman kodak friendly yan. pag sinabi mong puwede bang magpakodak, game siya.

    ReplyDelete
  10. gapangan talaga anoh. ang target ng mga opisyales na yan ay ang mga asosasyon.

    tapos magkakaroon ng press release na suportado sila ng mga asosasyon samantalang officers o isa o dalawa lang ang nakausap.

    ReplyDelete
  11. sa SF noon msy mga dinner with blah blah blah...magbabayad ka para lang mameet mo ang mga pulitikong ito, picture taking. pagdating diyan sa pinas iba ang balita.

    meron pa nga (namatay na) at hindi na dapat banggitin. May dinner with the couple. May bayad ang per plate. akala ko concert eh nalaman ko naman hindi naman kumakanta ang mag-asawang yon.

    sabi ko eh bakit magbabayad ka makila lang sila?

    tapos makita mo sa sala nila ang mga retrato. pagtinanong mo bakit may retrato ka kasama si...sasabihin saiyo, ah kaibigan ng family.

    mwehehe

    ReplyDelete
  12. nyahahahaha.
    ako lang yata ang walang picture kahit isa na kasama artista o politiko,esmyuski,diko
    sila kelangan,mga plastik!

    ReplyDelete
  13. ang nakakatawa nga e,yung pinaka presidente namin ng asosasyon,
    ang daming kodak,tapos sabi nya dun sa magasawang de venecia,
    paguwi nya ng pinas e dadalawin nya
    sila at bibigyan ng copy ng pitchur,syempre oo lang yung magasawa at paakbay akbay pa...
    paguwi sa pinas nung mokong hinarang ng sikyu,tapos naghintay lumabas si joe maggo golf yata,ang tanga nagtyaga nagintay at
    buddy buddy daw sila ni joe,
    nung lumabas si joe di sya pinansin tinabig pa sya ng bodyguard bwahahaha
    sama ng loob ng tanga hahahaha.

    ReplyDelete
  14. may mga ganiyan pa palang tao na naniniwala sa kaplastikan ng mga pulitiko anoh.

    syempre pag may kailangan yan, ngiting buwaya.

    ReplyDelete