Monday, October 12, 2009

David Letterman and Sex in the Workplace Part 5

 Dear insansapinas,




Karugtong ng Part 1, 2, 3, 4.









Hindi ko masyadong apektado sa pagkaby-pass sa akin. Ayoko ring umalis para mag-aral noon sa ibang bansa. Marami akong sideline bilang CPA dahil hindi naman ako mabubuhay ng pagtuturo lang. Ayaw kong mawala ang mga iyon at magdildil ako ng hamon.


Ang kaibigan ko ang masyadong apektado. Hindi ko na nakita ang “iskolar” ng Presidente mula nang bumalik sa Estados Unidos. Oh well. Yan ang mga usapang, mamili ka, kuwarta o kahon.

Pero dahil nabuking na close ako sa kaniyang girl friend na nagtatapon ng pera sa bawa’t daanan niya, naging maingat sa akin ang Presidente. Para bang nababasa niya may alam ako. Oink.

Isa-isang nawala ang mga babaeng natsitsismis na  mga kulaladidang niya. Ang pera talaga pagnagsalita, walamg boses pero matindi. Kawawang mga babae.


Hindi nagtagal, pinalitan din siya ng isang Presidente na mas masahol pala. Haynaku. Nasabi pang relihiyoso. Tseh. Panibagong kasalanan ko ang pakikialam. Tantanan nga nila ako.


Nanggaling siya sa isang unibersidad kung saan ang aking kaklase sa MBA ay Finance Director. Kagrupo ko siya pero masyado siyang conservative. Conservative daw oh. Tuwing may tinatapos kaming papel, hindi raw pwede siya kasi magagalit ang asawa niya. Di bale na ako dahil trato nila sa akin isa na sa mga boys. Pero palaisipan sa kanila kung may asawa ako o wala kasi hindi ako palakuwento ng aking buhay. Ano sila si Ate Charo.

Isang araw bigla na lang nalipat si Mr. VP sa aming Universidad. VP siya sa inalisan niya, VP rin muna siya bago ipinalit sa dating Presidente.

Biglang nagring ang phone ko sa aking opis. Aha ang kaibigan kong si Tweety. Kung uso na ang twitter, siya ang human twitter ko. Para siyang satellite disc, hagip ang lahat ng twits.

Tweety: Nandiyan na pala sainyo si VP namin.
Me: OO nga. Ang lakas talaga. Walang abiso man lang.

Twerty: Tanungin mo ako kung bakit.
Me: Bakit?
Tweety: may utang kang Jolibee sa akin niyan.
Me: Okay kahit MC Do at Jolibee pa.
Tweety: Promise yan ha.
Me: Oo na. sige na kuwento na. (kung katabi ko lang siya nasakal ko na).
Tweety: Nahuli siya ng Chairman of the Board na may kaulayaw?
Me: Ha? (Laki mata). Sino ang kasama? Bakit naman kasi painstallment ka pa eh.

Tweety: Si VP at si FD nahuli ni COB sa opisina na VP.

Me: Anong ginagawa? Opis lang pala eh. Pwede naman yon. 
Baka may meeting silang dalawa.
Tweety: Kung  si FD ay nakaupo sa upuan. Eh hindi, nakaupo sila sa isang upuan lang. ahahay.
Me: Ganoon? Di laking iskandlo yan. Hindi ko akalaing magawa ni FD yan.
Tweety: Naku matagal nang may hinala ang mga nasa itaas kasi nga tuwing lunchtime, nasa opisina ni VP si FD.
Me: Paano yong secretary niya?
Tweety: Syempre lunch time din niya. Kaya nga nahuli sila ni COB kasi naiwang nakabukas yong pinto.

Me: Nasaan na si FD?
Tweety: Hindi na pumasok. Galit siya dahil iniwanan ni VP.
Me: Palagay mo kailangang kung tawagan? Kaibigan ko pa rin naman siya. Baka kailangan niyang shoulder to cry on.
Tweety: Wala rin daw sa bahay nila. Buking na rin ni mister.

Me: Kawawa naman. If I know, naseduced lang yan. Naïve pa. 
Tweety: Ang balita ko madaling naaprobahan ang mga projects ni VP at overpriced yata.
Me: Yan ang sinasabing USER.

Tweety: Pag nakita mo ang VP. Iwasan mo. Alam niya na alam mo ang sikreto niya.
Me: Hayaan mo ngingiti ko nang nakakainis na para bang sinasabing, bistado kita.
Nagring ang isang phone. Pinatatawag daw kami sa Office of the president. Oy.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment