Wednesday, March 12, 2008

Si Pinay ay Sumumpa -Simula ng Pinay Am

Dear insansapinas,

OO, insan kagaya nang naisulat ko dito, pinabalik ako kinabukasan para manumpa. HIndi kagaya sa SF na pinanggalingan ko na hintay muna sila nang maraming tao, mahigit libo bago magschedule ng oath-taking.Ako lang ang Pinay sa grupo na nagtaas ng kanang kamay at nagsabi ng I pledge..

Hindi yong sinanla, insan kung hindi, pangako. Pangako saiyo... may kantang ganoon, di va.

May nagtanong sa akin bakit ngayon lang. Kasi alam mo naman insan, naging OFW muna ako. Hindi naman ako kagaya sa iba na pinitetion ng magulang. Nakapetition nga ako sa kapatid ko pero hanggang ngayon ayun, siguro inagiw na yong mga papel sa tagal.

Yong ngang mga kakilala ko, noong pinitetion, binata pa. Ngayong nakarating dito, may binata na. mwehehe.

Kaunti lang kami kaya parang graduation ang nangyari. Tinawag ang mga pangalan tapos nakiposing pa yong Director. sey.

Para feeling ko tuloy noong gumagraduate ako at kinukunan ng picture sa stage. *heh*
Buti na lang kakambal ng kapatid ko yong digital niya.

YOng iba walang dalang camera. May phone cam naman pero may problema pa rin. Walang kukuha. Nyek.

YOng isa ngang babae, dala ang anak. Kaya habang nagsasalita yong i-charge sa programa, siya ay pagapang-gapang doon sa carpet. hehehe. Cute na bata. Malakas lang pumalahaw ng iyan. Akala ko may sirena.

Kami ay nagcelebrate. Hanap kami ng kainan. Hindi American, kung hindi Japanese. Sarado na ang restaurant. Palagay ko lugi. Italian, pero ayoko. Ang laki ng mga serving doon. Kaya yong pinakamalapit, Vietnamese. Sarap noong noodles.

Pag uwi ko, pagod. Panay ang catnap ko. Hinintay ang American Idol. Bago nadeklara kung sino ang naalis, zzzzzz.

Pinay-amerikano na ako.

Pinaysaamerika

Tuesday, March 11, 2008

Ang Diktador at ang History-Nang Ako ay maging Pinay Amerikano


Salawikain for the day

Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.

Salawikain tagpi-tagpi.

. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. KAHIT TANUNGIN PA NINYO ANG SARILI NINYO.
*heh*



Dear insansapinas,
May pinuntahan kami ng kapatid ko. Malayo. Hindi rin niya alam ang patungo doon kahit na kami ay may google maaaaap.

Kaya may isinabit siya sa harapan namin. Tawag ko diktador kasi dikta ng dikta. Make a left... turn right... Ang tawag yata doon ay GPS. Tapos ipinakita yong lugar na pupuntahan namin, kung ilang milya, yard at feet. OOOOPS Lampas. hehehe

Park kami, sakay sa elevator. May kasabay kaming na babae na siyang pumindot ng buton doon sa elevator. Oooops lampas ulit. Sa lower lobby kami pumatak. Sakay ulit ng elevator.

Pagkatapos kaming hubaran ng aming mga jacket, (yong mga lalaki, pati sinturon) at mga bag, nakapasok din kami sa loob ng building. Hinabol pa akong security para padaanan ng metal detector. May tumunog. OOOps, nakalimutan kong iwan ang tinidor.... hehehe.

Dami ng mga naghihintay doon sa waiting room. Iba-ibang lahi. Ako lang ang Pinay. May Intsik, may BOmbay, may European, may African at anu-ano pa. Lahat may bitbit ng papel.

Hihingiin kaagad saiyo ang dokumento. Birth certificate. Noong nag-apply ako ng berde, hindi ako kaagad nabigyan dahil ang ibinigay sa aking birth certificate ng Census ay yong nagsasabing, due to ...blah blah, the record birth of pinay showed that...Hindi yon tinanggap. Kung tatanggapin nila ay kailangang may dalawang affidavit ng mga taong nakakita nang mismo raw akong ipinanganak. Susmaryones, saan ko sila hahanapin.

Kaya pinakiusapan ko ang aking kapatid na pumunta doon sa liblib na lugar sa Bicol kung saan ako ipinanganak. Mula noon, hindi ko na ibinigay kahit kanino. Kopya lang ang ibinibigay ko. Pagkatapos ay ang aking marriage certificate. Sabi ko pero divorced na ako. Hindi nakatagal sa akin si James Bond. hehehe.

Hiningi pareho. Buti na lang nakuha ko yong original ng aking marriage certificate na malaki rin ang istorya.

May dala akong may kopya kaya paghingi niya, pinakita ko ang original at ang copies. Hindi na siya tumayo para magXEROX. (pinay pa rin).

Tapos tinanong na ako tungkol sa history.

1. Ilan ang bituin sa langit oooops sa bandila pala.
Kung hindi natatakpan yong iba, fifty. (O diva eh kong nakatupi).

2. Saan nakatira si Bush ehste Presidente ng US of A.

Isip, isip. hmmm pink house, greenhouse .... ahhh WHITE HOUSE.

3. Ano ang barkong sinakyan ng mga unang lumanding dito sa States mula sa England.

Ahh alam ko yon, kasi noon sa aming History, minimemorize ko yhon sa pamamagitan ng pag-alala ng gamot ko sahilo, yong White Flower. kaya sagot ko Mayflower.

Matami pang itinanong. Ilang araw ko ring binalik-balikan ang reviewer pati yong labintatlong unang colonies na kahit natutulog ako at bigla mong gisingin ay kakantahin ko saiyo.

Pagkatapos akong papirmahin sa mga maraming papel, binigyan ako ng berdeng kapirasong papel. Ako raw ay manunumpa kinabukasan. Ha? Wala bang tawad? Siguro kung narinig niya ang utak ko ay binawi niya ang papel.

Samantalang ang iba ay naghihintay ng mahigit sa isang buwan bago makapanumpa, ako naman tatawad pa. Siguro kung katabi ko kaibigan ko, nabatukan ako.

O Hige.

Pinaysaamerika

,,,

Sunday, March 09, 2008

ATRAS ABANTE


Salawikain for the day

A. Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.

Salawikain tagpi-tagpi.

. Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala. BATIIN MO MUNA NG HELLO?
*heh*



Dear insansapinas,


salawikain sa pinaysaamerika
Naloko ako ngayon. Akala ko maaga pa. Yon pala ang tanghali na. Umabante kasi ang relos ng isang oras.

Kanina kasing madaling-araw umepekto ang Daylight Savings Time kung kailan, sinususian ang mga relos ng isang oras na abante. Inatras kasi ito noong Octubre. Gulo noh?

Kaya sa mga susunod na buwan, alas otso na ng gabi, mataas pa ang araw. Puwede pang maggantsilyo.

pinaysaamerika



,,,

Saturday, March 08, 2008

Pamaypay ng Maynila


Salawikain for the day

Ang bagoong takpan man, pag dating ng takdang araw, sadyang umaalingasaw.

Salawikain tagpi-tagpi.

Ang bagoong takpan man, pag dating ng takdang araw, sadyang umaalingasaw.KAHIT GUMAMIT NG MARAMING AIR FRESHENER.
*heh*




Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Umiinit na rin dito sa aming lugar pero bigla kaagad lamig kaya 24/7 pa rin kaming nakaheater.

Nag-iisip na akong bumili ng electric fan kasi yong binili ko last year na Made in China, bigla na lang nagtampo. Ayaw ng umikot. Pero wala pa lang pinagbibili dahil sino namang tanga bibili noon eh winter pa naman dito. Meron ngang tanga. ako.

Wala rin namang mabiling pamaypay. Buti pa sa SF, may nabibili akong malaki kaya lang sa kalakihan, ngawit naman ang aking kamay. Kaya ginagamit ko na lang pang dekorasyon.


pinaysaamerika



,,,

Wednesday, March 05, 2008

KULAMBO KAYO DIYAN


Salawikain for the day

Nakakaawang patayin, nakakainis buhayin.

Salawikain tagpi-tagpi.

Nakakaawang patayin, nakakainis buhayin.KAYA YONG IBA BINUGBOG A LANG.
*heh*


Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Nakuha ko itong retrato kay Watson. hindi ko alam kung ito ay para sa labas o para sa loob at kung ang kulambo ay para huwag pumasok ang mga langaw at lamok.


Naalala ko tuloy ang aking bed noon sa dati kong bahay. halos pareho.





Paek-ek ko lang yang mga kurtina lasi wala namang langaw at lamok doon. Sabi ng iba, siguro raw sa previous life ko ay prinsesa ako dahil mahilig ako sa ganitong ayos kahit na sa Pilipinas na mainit ang klima.

Sa totoo lang, noong bata ako, ayaw ko ng kulambo noon sa probins. yong bang habi sa abaka yata yon tapos inaalmirol ng aking mga tiya kaya pag natuyo, kahit hindi mo na itali ang mga dulo.

Tapos pag luma na ginagawa nila noong pasador. kung hindi ninyo alam ang pasador, yon ang gamit ng mga matatanda pag sila ay may dalaw at ayaw nilang gamitin ang sanitary napkin.

Dahil sa chiquiting gubat pa ako noon, pag tumayo ako sa loob ng kulambo, hindi ko pa abot ang pinakataas nito kahit ako ay magtatalon.

Sa siyudad naman uso na ang katol at ang bahay namin ay palibot na nag kulambo.Pinascreen na namin ang bintana at ang pinto.

Pag may nakakalusot na lamok hinuhuli namin at pinaiinom ng lason. Ang langaw naman at nahuhuli sa fly paper.

Minsan may naging househelper akong matanda. Sanay pa rin siyang magkulambo kaya pinabayaan ko. pero husme naman nanigarilyo sa loob. Masunog pa kami.

alsa balutan siya.

pinaysaamerika



,,,

Tuesday, March 04, 2008

IKOT, IKOT, IKOT


Salawikain for the day

Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.

Salawikain tagpi-tagpi.

Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.HABANG NANANALO AT MAUBOS ANG PERA.
*heh*



Dear insansapinas,

Kailangang isulat ko ito kahit nakakatakot. Ngiii.

Kagabi pagkatapos kong mahiga at maidlip nang kaunti, nagbago ako ng posisyon. Sa kaliwa ko ako bumaling para naman pantay ang sakit sa kamay na nadadaganan pagtulog. Hindi kasi ako malikot matulog eh.

Hindi ko pinatay ang ilaw sa aking desk. Nakita ko na lang yong aking swivel chair ay umikot paharap sa akin mula sa pagkakaharap nito sa aking lamesa. Ngggiii. Wala namang gumagalaw. At bakit naman nakatulog na ako, ngayon lang gumalaw nang ako ay magising?

pinaysaamerika

Madalas akong makarinig ng yabag sa labas ng kuwarto ko kahit ako nag-iisa. Tinanong ko naman ang kapatisd kung may naririnig siya. Wala naman daw.

Saka bakit ka magkakayabag ay wall to wall carpeting ang aming sahig? Ngggi .


pinaysaamerika



,,,

Monday, March 03, 2008

Tuyo, Tinapa, Tilapia at Tulingan


Salawikain for the day

Ang isda nahuhuli sa sariling bunganga.

Salawikain tagpi-tagpi.

Ang isda nahuhuli sa sariling bunganga.HUWAG LANG GAGAMITAN NG DINAMITA.
*heh*



Dear insansapinas,

Laking isda nito pero, ang aabot lang nito sa store ay ang laman. ang ulo, buntot at palikpik ay tinatapon. Takot silang tinitigan sila ng isda.

pinaysaamerika

Naalala ko pa ang mga isdang binibili namin noon sa palengke. Nandiyan yong matang baka na tinawag siguro dahil sa laki ng mata pero hindi naman kasing laki ng baka. Ba't di na lang tinawag ng malaking mata. Nandiyan ang dalagang bukid, na hindi naman nahuhuli sa bukid kung hindi sa dagat. Hindi rin naman nakasaya pero siya ay mamumula-mula. Madali nga lang lumambot at masira pag walang yelo. Kaya hindi sila nagagawang tinapa para tumagal. Kagaya ng ibang isda.

Nandiyan ang GG o galunggong na pag kumain ka ay sinasabihan kang mahirap. Pero sa totoo lang mas masarap ito kaysa sa dalagang bukid pag pinirito o pinaksiw. Nabibili namin dito ang tinapang galunggong. Sarap pag prinito.

pinaysaamerika

Yong pinsan ng galunggong na ginagawa ring tinapa o kaya tuyo ay ang tunsoy.
pinaysaamerika

May mabibili rin dito na tuyo. Kaya lang pag prinito mo, dapat sarado ang bahay kasi pag naamoy ng kapitbahay na Puti baka bigla kang lusubin at itanong saiyo kung What's that stinks like hell?

Ito naman ag banak. Huwag ninyo akong tanungin bakit siya tinawag ng banak. Ang alam ko lang para siyang maliit na bangus. Kaya siguro banak. Bangus anak na pinagsama.
mwehehe.



Ito ang bangus--ang national fish ng Pilipinas. Meron ding nahuhuling bangus dito kaya nga may English siyang pangalan--milkfish. Iniimporta sa Pilipinas ang tinapang bangus, daing na bangus at bangus na pinalangoy sa sukang may bawang.

Noong nasa Pilipinas ako, pagkatapos ng bagyo, purga kami ng bangus. Mura kasi dahil mga nakawala sa fishpen. Pritong bangus sa umaga, sinigang na bangus sa tanghali at inihaw na bangus sa gabi.

pinaysaamerika

Isa sa mga paborito ko ay ang tulingan. Yong bang nilalaga sa apoy nang magdamag.
hindi kasi ito masarap pag fresh. nakakalason pa.




Masarap din ang espada.Lalo pag pinirito tapos hiwa-hiwain. Minsan ginagamit namin sa espadahan. hohoho.

pinaysaamerika



,,,

Sunday, March 02, 2008

Bagyo, Baha, Banka


Salawikain for the day

Ang masamang wika, pagtama sa tao’y nagsisilbing pasa.

Salawikain tagpi-tagpi.

Ang masamang wika, pagtama sa tao’y nagsisilbing pasa.MAy KAsama PANG TUNOG NA *PAK*
*heh*


Dear insansapinas,
Bumabagyo dito sa iba't ibang sulok ng US of Ey. Yong iba talagang tambak na tambak na yelo. Maraming halo-halong magagawa. Tingnan ninyo ang retrato sa New England.

pinaysaamerika
(kopya sa MSNBC)

Di ba katakot na ang bahay ninyo may sunong na daan daang snow cone?

pinaysaamerika

Dito sa amin awa ng Diyos, pasulpot-sulpot ang snow. Minsan isang araw mag-iisnow, tapos mangangapitbahay siguro sa ibang States saka babalik.

Yan ang aking view from my window. ahem.


pinaysaamerikaIto naman ang bagyo sa Manila. Baha naman ang kalaban. Asensado na rin sila. Hindi na banca ang ginagamit o tulay. Tingnan ninyo ang retrato. Pag nakauwi ka naman ay safe na ang feeling mo. Kakain ng pritong tuyo at umuusok na kanin. Sarap ang tulog sa lakas ng tunog ng ulan.

Hindi kagaya sa ibang States ng US of Ey, takot mong bumagsak ang bubong.


Ito ang balita o.

People can't keep up with the snow. They think it's going to stop, but it's just not stopping," said Shawn Greenwood, owner of Greenwood Construction, in St. Johnsbury, Vt.

"I've been roofing for 20 years and this is the worst I've ever seen," he said. "I was shoveling a roof off one day two weeks ago and the house next door caved in."


pinaysaamerika



,,,

Saturday, March 01, 2008

ISTATWA


Salawikain for the day

86. Ang taong marunong magtanong, mahirap mabalatong.

Salawikain tagpi-tagpi.

86. Ang taong marunong magtanong, mahirap mabalatong.ANG TINATAWAG NA MAKULIT.
*heh*


Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Noong bata pa ako, (bata pa rin ako hanggang ngayon, batang isip), may laro kaming istatwa. Yong pag na tag ka, huwag kang gagalaw. Pag gumalaw ka, taya kang bata ka. mwehehe.

Meron ding sayaw na istatwa. Sayaw-sayaw bata, pag hinto ng mooosik, hinto, kahit paghinga, paghatsing at pagkamot ng makating bahagi ng katawan.

Oras gumalaw, tanggal.

Itong istatwa sa San Francisco at sa ibang tourist destinations insan ay napakagaling talaga. Walang galaw, walang kurap at iba-ibang pintura ang ginagamit sa kanilang costume. Minsan silver, minsan gold, depende kung ano ang gusto nilang palabasin.
Kumikita sila ha. Dollar ang ibinabagsak sa kanilang lata o shoebox ng mga turista. YOng mga local, di na sila pansin syempre. Pag may photo-op, 5 dollars din yon.

Malaki kita nila pag maganda ang weather. Saka teritoryo, teritoryo din yan. MAgkamali kang magpose sa teritoryo ng iba, magiging istatwa kang permanente. Ngii.

pinaysaamerika



,,,