The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Tuesday, March 11, 2008
Ang Diktador at ang History-Nang Ako ay maging Pinay Amerikano
Salawikain for the day
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
Salawikain tagpi-tagpi.
. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. KAHIT TANUNGIN PA NINYO ANG SARILI NINYO.
*heh*
Dear insansapinas,
May pinuntahan kami ng kapatid ko. Malayo. Hindi rin niya alam ang patungo doon kahit na kami ay may google maaaaap.
Kaya may isinabit siya sa harapan namin. Tawag ko diktador kasi dikta ng dikta. Make a left... turn right... Ang tawag yata doon ay GPS. Tapos ipinakita yong lugar na pupuntahan namin, kung ilang milya, yard at feet. OOOOPS Lampas. hehehe
Park kami, sakay sa elevator. May kasabay kaming na babae na siyang pumindot ng buton doon sa elevator. Oooops lampas ulit. Sa lower lobby kami pumatak. Sakay ulit ng elevator.
Pagkatapos kaming hubaran ng aming mga jacket, (yong mga lalaki, pati sinturon) at mga bag, nakapasok din kami sa loob ng building. Hinabol pa akong security para padaanan ng metal detector. May tumunog. OOOps, nakalimutan kong iwan ang tinidor.... hehehe.
Dami ng mga naghihintay doon sa waiting room. Iba-ibang lahi. Ako lang ang Pinay. May Intsik, may BOmbay, may European, may African at anu-ano pa. Lahat may bitbit ng papel.
Hihingiin kaagad saiyo ang dokumento. Birth certificate. Noong nag-apply ako ng berde, hindi ako kaagad nabigyan dahil ang ibinigay sa aking birth certificate ng Census ay yong nagsasabing, due to ...blah blah, the record birth of pinay showed that...Hindi yon tinanggap. Kung tatanggapin nila ay kailangang may dalawang affidavit ng mga taong nakakita nang mismo raw akong ipinanganak. Susmaryones, saan ko sila hahanapin.
Kaya pinakiusapan ko ang aking kapatid na pumunta doon sa liblib na lugar sa Bicol kung saan ako ipinanganak. Mula noon, hindi ko na ibinigay kahit kanino. Kopya lang ang ibinibigay ko. Pagkatapos ay ang aking marriage certificate. Sabi ko pero divorced na ako. Hindi nakatagal sa akin si James Bond. hehehe.
Hiningi pareho. Buti na lang nakuha ko yong original ng aking marriage certificate na malaki rin ang istorya.
May dala akong may kopya kaya paghingi niya, pinakita ko ang original at ang copies. Hindi na siya tumayo para magXEROX. (pinay pa rin).
Tapos tinanong na ako tungkol sa history.
1. Ilan ang bituin sa langit oooops sa bandila pala.
Kung hindi natatakpan yong iba, fifty. (O diva eh kong nakatupi).
2. Saan nakatira si Bush ehste Presidente ng US of A.
Isip, isip. hmmm pink house, greenhouse .... ahhh WHITE HOUSE.
3. Ano ang barkong sinakyan ng mga unang lumanding dito sa States mula sa England.
Ahh alam ko yon, kasi noon sa aming History, minimemorize ko yhon sa pamamagitan ng pag-alala ng gamot ko sahilo, yong White Flower. kaya sagot ko Mayflower.
Matami pang itinanong. Ilang araw ko ring binalik-balikan ang reviewer pati yong labintatlong unang colonies na kahit natutulog ako at bigla mong gisingin ay kakantahin ko saiyo.
Pagkatapos akong papirmahin sa mga maraming papel, binigyan ako ng berdeng kapirasong papel. Ako raw ay manunumpa kinabukasan. Ha? Wala bang tawad? Siguro kung narinig niya ang utak ko ay binawi niya ang papel.
Samantalang ang iba ay naghihintay ng mahigit sa isang buwan bago makapanumpa, ako naman tatawad pa. Siguro kung katabi ko kaibigan ko, nabatukan ako.
O Hige.
Pinaysaamerika
salawikain,Pinay,birth certificate,Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment