Monday, March 03, 2008

Tuyo, Tinapa, Tilapia at Tulingan


Salawikain for the day

Ang isda nahuhuli sa sariling bunganga.

Salawikain tagpi-tagpi.

Ang isda nahuhuli sa sariling bunganga.HUWAG LANG GAGAMITAN NG DINAMITA.
*heh*



Dear insansapinas,

Laking isda nito pero, ang aabot lang nito sa store ay ang laman. ang ulo, buntot at palikpik ay tinatapon. Takot silang tinitigan sila ng isda.

pinaysaamerika

Naalala ko pa ang mga isdang binibili namin noon sa palengke. Nandiyan yong matang baka na tinawag siguro dahil sa laki ng mata pero hindi naman kasing laki ng baka. Ba't di na lang tinawag ng malaking mata. Nandiyan ang dalagang bukid, na hindi naman nahuhuli sa bukid kung hindi sa dagat. Hindi rin naman nakasaya pero siya ay mamumula-mula. Madali nga lang lumambot at masira pag walang yelo. Kaya hindi sila nagagawang tinapa para tumagal. Kagaya ng ibang isda.

Nandiyan ang GG o galunggong na pag kumain ka ay sinasabihan kang mahirap. Pero sa totoo lang mas masarap ito kaysa sa dalagang bukid pag pinirito o pinaksiw. Nabibili namin dito ang tinapang galunggong. Sarap pag prinito.

pinaysaamerika

Yong pinsan ng galunggong na ginagawa ring tinapa o kaya tuyo ay ang tunsoy.
pinaysaamerika

May mabibili rin dito na tuyo. Kaya lang pag prinito mo, dapat sarado ang bahay kasi pag naamoy ng kapitbahay na Puti baka bigla kang lusubin at itanong saiyo kung What's that stinks like hell?

Ito naman ag banak. Huwag ninyo akong tanungin bakit siya tinawag ng banak. Ang alam ko lang para siyang maliit na bangus. Kaya siguro banak. Bangus anak na pinagsama.
mwehehe.



Ito ang bangus--ang national fish ng Pilipinas. Meron ding nahuhuling bangus dito kaya nga may English siyang pangalan--milkfish. Iniimporta sa Pilipinas ang tinapang bangus, daing na bangus at bangus na pinalangoy sa sukang may bawang.

Noong nasa Pilipinas ako, pagkatapos ng bagyo, purga kami ng bangus. Mura kasi dahil mga nakawala sa fishpen. Pritong bangus sa umaga, sinigang na bangus sa tanghali at inihaw na bangus sa gabi.

pinaysaamerika

Isa sa mga paborito ko ay ang tulingan. Yong bang nilalaga sa apoy nang magdamag.
hindi kasi ito masarap pag fresh. nakakalason pa.




Masarap din ang espada.Lalo pag pinirito tapos hiwa-hiwain. Minsan ginagamit namin sa espadahan. hohoho.

pinaysaamerika



,,,

No comments:

Post a Comment