Tuesday, April 24, 2012

Soup and Water

Dear insansapinas,


Iimplement ang K12 ng walang mga additional classrooms, walang additional na mga Teachers (?) at walang malinaw na curriculum para sa additional years? Para daw  employable ang mga graduates, kailangan ng music, ng arts at ng iba pang subjects na hindi naman magtuturo ng critical thinking sa mga bata.  Kahit high school graduate lang daw makakakuha ng trabaho. Susme , paano yan marami rin ang hindi makakapag-aral at makakahanap ng trabaho dahil nagtaasan na naman ang tuition fees ng mga private universities. Eight to 15 per cent? Wha? Bakit? Di ba nga may problema ng low quality education, eh bakit papayagan ang mga unibersidad na ito na magtaas ng tuition fees. Kailangan linisin muna nila ang bakod nila.


Tapos ang sisihin ang public schools na naggagraduate ng mga elementary at high school na kulang na kulang sa budget. Tingnan nga nila kung may private universities na nalulugi? Kahit sa probinsiya, malaki ang kita ng mga eskuwela na ito dahil pati lupain sinasanla ng mga magulang. I should know. Nag-aaudit ako noon ng mga schools.


Pero kumustahin mo kung sino ang mga nagdadala ng remittance sa Pilipinas; ang siya na lang dahilan kaya may pambayad tayo sa utang na hindi na tayo kailangang maghirap mamili ng dollars.  Yon bang magagaling mag-English na graduate sa mga sikat na universities?Yon bang ang gauge nila sa kanilang IQ ay ang magaling magsalita at magsulat sa English? Haah.  HINDI. Ang mga OFWs  na kahit carabao English ay nakakakuha sila ng trabaho sa abroad.




 Hindi sila nahihiya eh. Hindi kagaya ng mga taong takot napintasan ang grammar nila kaya hindi na lang nagsasalita. If they only know, kahit ang Puti, nagkakamali rin ang grammar at sa spelling. Yong ngang aking doctor, isinulat, wash with soup and water. Inisip ko, anong soup kaya? Chicken Soup, Beef soup, etc. ANG MGA GRADUATE sa exclusive universities halos nagtatrabaho sa sarili nilang kumpaniya.  Ang kanilang qualifications lang ay ang birth right na galing sa mayamang pamilya kahit walang alam sa management. Nakita naman ninyo sa CRISIS MANAGEMENT, kaniya-kaniyang taguan. TSEH.


Yong iba, nag-aaral sa abroad. Pagdating sa Pilipinas, magiging corrupt din dahil mababa lang ang sweldong makukuha nila. TSEH.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment