Tuesday, April 24, 2012

Ang Alimangong nagkukunwaring Filipino

 Dear insansapinas,


Kakain ko lang ng crab. Frozen ko na binili. Baka ilang buwan nang naglakbay yon galing sa Alaska. Bakit ako nagsusulat tungkol sa crab?


Sino man ang sumulat ng speech ng pangulo (ows, alam naman nating may speechwriters siya) kailangang manood siya ng rerun ng The Deadliest Catch. Isa itong reality show tungkol sa competition paghuli ng king crab sa Alaska. Makikita niya talagang naghihilahan ang mga alimango sa loob ng ginawa ng mga crew na panghuli. O kaya naman ay pumunta siya sa Oriental Store dito sa US kung saan nagbebenta ng live blue crabs. Naghihilahan din sila. Kaya kung sasabihing mga Filipino crabs lang ang gumagawa niyan, kailangan naman gamitin nila ang internet para mapasubalian ang sinabing ito sa speech ng pangulo. Talangka pa siguro pwede dahil walang talangka dito. 



Tiningnan lang po ng Pilipino. Ang sagot ng Pilipino, “Don’t bother and don’t fret; they’re Filipino crabs. Before they get out, they’ll be pulled back in.” Walang raw pong makakaangat, kasi lahat sila naghahatakan pababa.Habang pinipilit ng ilang kababayan nating makaahon, siya namang sipag ng ilan na hilain siyang pababa.”
Isa pa, karaniwan sa mga itinitindang mga alimango dito ay patay na. Dedbol na. Frozen delights na lang sila kaya wala na silang kapasidad na maghilahan.


Ano bang gusto ng Palasyo, yong balita na mga projections lang. Halos yon lang naman ang lumalabas sa diyaryo, lately.   Nagkaroon nga ng magandang balita pero bago pa ang administrasyon na kasalukuyan.


http://business.inquirer.net/55603/philippines-to-flaunt-gains-at-adb-meeting
The Philippines, host to this year’s annual meetings of the Asian Development Bank, will flaunt the reforms it instituted over the past decade and the resulting macroeconomic achievements when delegates from various countries meet for the high-profile event.
 The Philippines, although still confronted with problems on poverty and low foreign investments, is cited for having continually posted economic growth even at the height of the last global economic crisis in 2009. While most advanced economies and some emerging markets fell into recession that year, the Philippine managed to post a modest growth rate.
Palagay ko hindi mababanggit yong between 2010 at 2012 kung saan mga projections lang ang ipinapublish.


Pinaysaamerika 

No comments:

Post a Comment