Monday, April 23, 2012

Down

Dear insansapinas,

NYaaaaaahhh. Sipa sa aso. Awg (wala pala akong aso). Sipa sa pusa, (meow) wala pala akong pusa. Mainit ang ulo ko kahit na ang weather namin ay bumalik na naman na para bang Pasko pa ba? Kaya ang suot ko ngayon ay parang isang maleta sa bigat. May dalawang pares na ng thermal undies, may sweater at may outerwear. Kulang na lang ang hanger para isang parte na ng aking closet ang suot ko.


Maaga ako sa aking primary care doctor pero hindi nila ako ininform na down pala ang system. So hindi rin makita kung may dugo pa ako o kaya ay may asukal pa ako sa dugo, in short, wala silang computer. Pag kinunan daw ako ng lab, magbabayad ako ng $ 300 to 400. Tseh. If I know, ipaparocess nila yon sa malapit na lab.


Takbo ako (ooops di pala pwedeng tumakbo) sa malapit na ospital para sa aking bloodworks. Okay naman. Maraming pasyente pag weekdays. Ngayon lang ako kinunan ng dugo na may mga kasabay kaya sinigurado ko na papel ko yong hawak ng blood techie. Memya magkapalit-palit pala, biglang buntis ang findings nila sa akin, acheche.  May MRI ako sa Huwebes at requirement yon.


Kahapon, mahina talaga ako. Eh huwag ka ba namang kumaing maghapon. (ooops kumain pala ako ng fried egg) tapos may gamot ako sa diabetes na nagpapagutom. Parang ayaw kong tumayo kahapon pero may nagdibdib sa akin. Kinabog ang aking chest.






Salbahe. Natutulog ako eh. Hindi ko na tinatanong bakit ayaw pa aking pabayaan. Total nabigyan ko na ang pakpak ang aking mga tsikiting gubats. Binigyan ko pa ng mga sapatos para kung mapagod sila paglipad at lumakad na lang ay di sila maputikan. Wala na naman akong balak pakasalan si Brad Pitt. Nagpropose na kay Angeline eh. Wala na rin akong pangarap na maging sikat na artista, Away-awayin pa ako sa twitter. Okay na sa akin ang ikalat ako sa tubig, total di naman ako marunong lumangoy.


Bakit ako madrama ngayon. Walang tubig eh. Paano ako magluluto?  TUBIGGGGGGG.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment