Friday, January 07, 2011

Careful what you wish for pART 2-Roommate from hell, Multo sa aking Bed

Dear insansapinas,
Basahin ang part 1 dito.


Pagkatapos ng procedure, dinala ako sa kuwarto, Magkakatabi yon sa malapit sa ICU. Puno ang hospital. Kasi pag winter, maraming nagkakasakit. Kahit gusto kong ako lang sa kuwarto, hindi pwede. Kasi pag may kasama ako, kailangan ko pang magdala ng earphone. hindi dahil sa magiisnore siya, kung hindi dahil ibibigay ko yong earphone para makatulog siya habang nagtatalumpati ako habang nananaginip at kung minsan, may song ang dance pa.

Okay naman ang kuwarto. May dalawang high definition TV at high tech ang bed. Yong tinatawag na sensitivity bed dahil nadedetect niya kung ikaw ay gagalaw (mag-aadjust yong kutson sa contour ng iyong katawan) kung ikaw ay bababa. Pwede ring gawing upuan, see saw blah blah blah.

Ang hindi okay ay yong pasyente sa kabila. Suplada. Tseh.  Ayaw daw niya ng may ilaw. Eh ilaw ko naman yon, hindi abot sa kaniya dahil may divider naman kami . Ayaw daw niya na nakabukas ang TV. Eh nakamute naman yong TV ko. Pag tumawag ako ng nurse, tatawagin din niya. Bugbugin ko kaya? Isip ko.  Pero ako pa ang bugbugin niya kasi ako groggy. 

Kinabukasan, uuwi na sana siya. Naku, nagthrow up, muntik magchoke ng vomit niya. Hindi makatawag sa nurse so akong nakakabit sa IV post ang nagtatawag ng Code Blue ba yon?


Hindi siya nakauwi kaya balik na naman siya sa pasaway.


Multo sa Bed


High tech ang bed ko pero hindi automatic itong tataas ang bandang itaas. May mga push buttons. Order sa akin from the OR ay straight supine position. Straight na nakahiga ka. 


Nang dumating ang dinner, inadjust ng kapatid ko ng 30 degrees para makita ko ang pagkain na nasa bed tray. Lumamon ako. Aba eh 20 hours na akong walang intake kahit liquid. 

Hanggang umalis siya, nasa ganoong position ang bed.


Nagising ako, bumababa ang bed. Gumagalaw.  Naging 20 degrees na lang. Wala namang tao. Naghihilik naman ang nasa kabilang pasyente. Pagdating noong nurse, tinanong ko kung may remote siya sa bed. Sabi niya wala. Espplain niya, sa bigat ko raw baka nag-aadjust yong bed. Kalahati? Ininsulto pa ako. Upakan ko kaya?


Tulog ako ulit. Nagiging ako, tumataas naman. Tiningnan ko ang mga sides. SNORE ACTIVATED ba ang bed? Pag malakas ang snore mo, tumataas, pag mahina ang snore mo bumababa? Ngiiii. 
Tapos may naramdaman akong humaplos ng aking buhok. Yeeeeek.


Abangan, Clueless na nurses. Matutulog na muna ako. Bukas na ang editing. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment