Saturday, January 08, 2011

Careful what you wish for-Careful with your clueless nurse

Dear insansapinas,


Read part 1 and 2 here and here
Hindi ako nagmamamalaki, makulit lang. Dalawang pinaaral ko nurse. Dalawang kapatid ko nurse. At kung hindi lang ako takot sa dugo at sa patay at hindi nag-asawa ng maaga, baka nurse din ako. Kasalamuha ko noon sa registry, mga nurses at pag sila ay inorient bago sila i-assign sa mga hospitals, pinapakinggan ko ang mga bilin sa kanila para maiwasan silang ma DNS. (Do not send). Ibig sabihin di na sila maassign sa facility na yon. 


Saan pupunta ang aking pagtatalumpating ito? 


Nang dalhin ako sa aking room from the OR,  yong day nurse ang nag-asikaso sa akin. Asikaso, ibig sabihin, alamin ang mga gamot na i-aadminister sa akin, mainom ko ang aking mga prescribed meds at mamanage ang pain ko. Kung nakakapanood kayo ng series about hospital, merong pinipindot ang pasyente na under pain management, pag kailangan niya ang morpina o anumang pain killer na pinadadadaan sa IV.Pagkatapos ng shift ng day nurse (12 hours a day) may night nurse. Nagpakilala sa akin. Di ko maintindihan. Foreigner siya na hindi mo mapronounce ang kaniyang pangalan. 


Ang aking IV ay nakakabit sa isang multi-channel na machine. Sabay-sabay kasi ang pagtulo. Pag time na para palitan ang isang klaseng gamot (halimbawa antibiotics) magbebeep ang machine. Kulit. Malakas para marinig ng nurse. Naubos nga ang antibiotics ko. 24 hours yon. Pumasok siya. Pinatay niya ang channel para doon sa antibiotics, pero di niya pinalitan. Hindi ako nagtanong dahil yong isang clinic tech naman ay hawak ang aking braso para sa vital signs. 80/60. Oke, pero sa akin mababa yon. Hindi pa ako nagtatataray.


Tinanong ko yong aking meds para sa diabetes. Sabi niya walang order ang doctor. Sabi di puwede kasi iniinom ko yon twice a day, isa sa gabi. Umalis, hindi bumalik. Dating yong tech, kinunan ako ng blood sugar. Hanep. 379. Kataas naman. Sabi ko na nga ba. Takbo siya. Kuha siya ng pantusok na insulin.


After a few hours, naging 105. Oke. Pero ang aking bp , bumagsak ng 80/40. Mababa ang diastolic. Ang mga tech naman, wala silang pakialam, basta lang maisulat nila yon sa report. Ang nurse ang nag-aasses noon kung may substantial change.


Morning. Tinanong ko na naman yong mga gamot ko sa aking diabetes, hypertension at iba pa. Sabi niya inilagay na raw niya sa IV kasama ng antibiotics ko. Ngayon lang niya ulit pinalitan ang aking antibiotic drops. 


Thank you pa ako pero nag-iisip na ako bakit kailangan ilagay sa IV wala namang order na NPO. Ibig sabihin nothing by mouth. Lahat ng gamot ko, iniinom ko ng may tubig. 


Dumating yong karelyebo, dala-dala ang mga meds ko. Sabi ko naibigay na sa akin yan thru IV DAW. 
Pinatingnan ko ang chart ko. Wala namang mga meds na naibigay pa sa akin. Ang buweset. Ni pangalan ng meds ko hindi masabi. NIFEDIPINE. Ang hirap i-melt yon. Sinabi ko sa day nurse kung regular staff yong RN. Sabi niya oo raw. Tinanong ako kung gusto ko raw. Reklamo ko yong aking BP ay may substantial change. Wala siyang ginawa. Bumabagsak. Pag kako, bumagsak pa yan ng less than 30 baka coma ang abutin ko o heart attack? Napataas siya ng kilay, bakit ako nagsasalita na para akong expert? Bah experience ko ba naman sa aking BP na tumataas as high as 250/110 nakatayo pa ako pero kinakawayan na ako ng anghel ko. First time kako na ganito kababa ang aking bp. I should be alarmed. Kumuha siya ng manual sphygmomanometer. 39 nga ang aking diastolic. Tinawagan ang aking doctor. Hold ang aking blood pressure na meds, dagdag ang plasma something something. Dehydrated daw ako. Bigyan ako ng maraming liquid. Sabi ng kapatid ko eh biruin mo namang 20 hours akong di pinatake ng liquid. Yong aking throat ay kasing dry na Sahara Desert. Toinkk.


Gusto ko nang umuwi, bandage and all. Mas lalo akong naiistress.


Pagdating ng second night, iba ng RN  ang dumating. Puti. Hindi ko alam ang clinic tech niya Pinay. After dinner, hiningi ko na naman yong meds ko sa diabetes ko. Sabi niya naibigay na raw ng morning. Gusto kong i-playback yong sinabi ko doon sa isang nurse. Sabi niya sa akin, tatawagin daw niya ang doctor ko para ipabago ang aking prescription. Bakit niya ipababago sa aking doctor, dapat yong doctor doon sa ospital ang tawagan nila at padagdagan ang aking meds para dalawa. Umalis siya. Hindi bumalik. Nanonood ako ng Law and Order. 


Napansin ko dumadaloy yong dugo ko sa IV tube. Mas mababa kasi yong tube kaysa level ng aking kamay. Pinaayos ko doon sa RN kasi ang dami ng dugong lumabas sa akin. Aba, pinutol niya ang IV tube mula doon sa isang dugtungan nito habang nakapatong ito sa trash can malapit sa akin. Sabi ko sa kaniya. Lalo akong magdudugo dahil lumalalabas na sa tubing yong dugo kahit inilevate ko na yong aking braso. 
Pilit niyang idinudugtong ang IV tube ulit sa aking tube. Eh nagtouch na sa trash can yon. Baka ilang germs na ang napick-up noon tapos icoconnect niya sa aking tube na nakakabit sa aking ugat. Eh kung pumuslit yong germs doon. Sus. Panic na ako. Panic din siya. Nagkasalasalabid tuloy siya sa tube. 


Sabi sa akin noong clinic tech. Filipina po kayo. Sagot ko, bakit ano ba ang mukha ko? Sabi niya mukha raw kasi akong bombay. Paano mo nalamang Pinay ako. Sagot niya, nagsabi kasi kayo ng hanep. hehehe


Kinalma niya ako at sabi niya, papalitan niya lahat pati ang butterfly needle na nakakabit sa akin. Oke. Kinuha niya rin ang bp ko. Naging 115 pero 60 pa rin ang diastolic. Sabi niya kailangan ko lang pala ang nurse na yon para tumaas ang aking bp. Sabi ko ang aking concern ay ang aking diastolic kasi sabi ng aking tiskiting gubat na nurse yon. Kinunan din niya ako ng blood sugar. Close to three hundred na naman. Wala pa rin yong meds ko. Sabi ko sa Pinay, hingan ako ng insulin injection at ako ay magtuturok. Sus.


Sa pagod siguro nakatulog ako. Di ako nagising para sa mga vital signs at blood sugar monitoring. Hindi rin ako ginising. Dati-rati kahit nananaginip akong kadate ko si Brad Pitt, napuputol dahil yinuyugyog nga ako. Wala na yong Pinay na clinic tech. Umuwi na dahil 20 hours na pala siyang nagtatrabaho.


Tinawag ko yong isa.Pinakuha ko ang aking blood sugar kasi nararamdaman kong nagchichill ako. 85. okay pa pero ang experience ko habang tumatagal yon, babagsak, kaya nagpapakuha ako ng something sweet para madagdagan ang asukal sa katawan. Orange juice. Yong aking hyperacidity naman ang natamaan. Pumasok ako sa ospital dahil sa aking cancer, papatayin naman nila ako sa aking dating mga sakit. Ploink 


Kinabukasan sabi ng doctor ko hindi pa raw niya ako maidischarge dahil may blood daw ang aking urine sample. Ha? Eh kasi naman kako, pagkaalis ng aking catheter, kinuha kaagad yong unag bugso ng aking urine doon sa mat (inilalagay yon sa toilet para pangsalo ng ihi) . Dapat kako yong ikalawa kasi siyempre may irritation sa loob ko pag-lagay ng catheter at baka nagkasugat ako ng kaunti,



Sabi ng doctor, pakukunan din ulit ako ng blood specimen para sigurado, Hoke. BP ko tumaas na ng 137 over 71. Normal na. Mataas.


May bagong nurse. Mukhang takot. Kinunan ako ng blood pressure, baligtad yong cuff. hahahaha. 


It is time for me to be discharged. Wala pang immediate result ang procedure na inapply sa akin. Hindi rin naman curative yon. Pambawas lang sa sakit at sa mga mahihirap na gamutan. 


Binigyan ako ng regulated substance para pain killer. Hanep, walang supply sa pharmacy. Balita ko binablack market yon ng mga may prescription. At ang iba, nagiging dependent o abuser na. Mga evil talaga for a measly sum of dollars. Magkano kaya kung ako magbebenta?erase erase erase. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment