Friday, December 17, 2010

Divine Justice 3- Forensic Accounting- Check the Check

Dear insansapinas,


Pasensiya na kayo, Law and Order brat ako kaya may stories ako (take note, stories, ibig sabihin mataas ang building, yuk yuk yuk) tungkol sa mga check. Nainterest kasi ako sa dissenting opinion na ito.
The alleged check payments of Webb’s salary are also unreliable.  The check dated June 13, 1991 was made payable to “Cash”, while the other check which appeared to be payable to “Hubert Webb” was however dated only July 10, 1991.  Neither of the said checks squarely placed accused-appellant Webb in the United States at the time of the Vizconde killings.  Simply put, neither check is therefore clear proof to support Webb’s alibi.
Story 1 
Noong kararating ko lang sa US of A, hindi pa ako maisama ng aking employer sa payroll, kasi wala pa nga akong SSN at State ID. Bago ka kasi makakuha ng State ID noon (circa 1990's) kailangan may Social Security ka. So ang aking suweldo ay nasa check. Ang problema dahil wala pa akong SSN, hindi ako makapag-open ng bank account. Kaya nga noon, nagbibigay ng Social Security card for banking purposes lang at hindi pa kailangan ang mga legal documents. Ngayon sa mga legal immigrants lang yon ibinibigay. Tapos pag nagencash ka ng check, hihingan ka ng picture ID card, state ID o kaya driver's license.


So para maeencash ko ang check, sinasamahan ako ng in charge sa payroll namin sa bangko hanggang nakuha ko yong aking State ID. Kung magkamag-anak naman kayo, bakit hindi na lang cash ang ibigay? 


 Story 2
Noong nagtatrabaho ako sa non-profit, naghahire kami temporary ng mga homeless people para mabigyan naman sila ng tulong financially na pinaghirapan nila. Ang problema ng mga taong ito ay wala silang mga proper identification cards. Yong iba nga walang SSn.  Hindi sila kasama sa aming regular payroll. Nagpiprepare lang ng voucher. Pero kailangan ko ng SSn nila for their W-1099. Ito ang form na required ng IRS para maireport ang income ng mga taong employed on a contractual basis.


One time may nakita akong familiar na SSn na isinubmit sa opit ko. Leechzee, SSn pala ng Presidente namin ang kinopya. hahaha


Balik tayo sa istorya. Dahil wala silang mga proper identification cards at nakatseke ang aming mga bayad sa kanila, mayroon na kaming advanced notice sa bangko ng mga expected checks naming eencash. Yong mga hindi marunong magsulat, inendorse ang check sa likod using their thumbprints. Karamihan sa mga taong ito ay nagkaroon ng mga kasokaya nasa AFIS sila.


Story number 3
Ito ang pinakamagandang istorya dahil may pagkadetective ang ginawa namin dito ng aking kaibigan na accountant din. Nasa travel agency condolidator kami noon. Mahilig ang aking kaibigan na ito na umorder thru mail. May nakita siyang pillow na gawa kung anong klaseng material na hindi available sa stores kaya umorder siya. Nakita niya ang ad sa mga inserts sa Sunday newspaper. Finill-upon niya ang order, gumawa siya ng check at minail tapos nagtiyaga siyang gumamit ng libro para sa pillow niya. Matigas? matigas din ang ulo niya eh. Toinkkk. Makaraan ang Pasko, December yon eh, nakaraan ang bagong taon, walang dumating na pillow. Kahit si Santa Claus hindi dumating.  Humingi siya ng tulong kay Sherlock Holmes. AHEM.


Sabi ko dalhin niya ang check at titingnan namin kung sino ang nagencash. Pangalan ng kumpanya , Yong bang mga stamped pag maraming checks ang idedeposito kaysa pirmahan personally. Aha, hindi pangalan ng kumpaniya na inorderan niya. Nasa LIKOD DIN NG CHECK ANG IBANG INFORMATION, HALIMBAWA KAILANG INENCASH, saan bangko at minsan may may TELLER NUMBER.


Sa New Jersey ang banko pero ang kumpaniya ay nasa New York. Noon meron ditong program na parang Hoy Gising na pag meron kang reklamo, pwede kang humingi ng tulong. So ganoon ang ginawa ko. Sumulat ako, pinadala ko lahat ang mga pertinent documents, kasama ang inencashed na check. 


Hindi ko akalain na sasagot sila. Padala sila ng imbestigador sa NY. 30 dollars lang ang halaga ng check na yon ha, pagkatapos sabihin ng Better Business Bureau na non-existent yong kumpaniyang nakalagay doon sa ad. Leechzee, mga mandarambong. Aba eh sa 30 dollars nga, pag million ang naloko mo 30 million din yon. So habol niya yong nagENDORSE ng check dahil ibig sabihin, sila ang tumanggap ng pera, ang mga Traidor. In short, nabawi ng aking kaibigan yong pera niya. He was then invited para mainterview sa TV para mababalaan ang public sa ganoong mga MO. (modus operandi) at makasuhan yong may kasalanan. Ang brujo, ayaw kasi baka raw siya maubusan ng English. Nagpaparlor pa naman ako, in case isama niya ako at may listahan na akong mga kamag-anak na babatiin ko sa TV.  TSEH. 


Story 4


Isang kakilala ko ang ninakawan ng kaniyang paycheck. Dahil nga madaling bumili ng peke na driver's license dito, nakakuha yata ng peke. Kung mga 200 dollars lang naman  ang halaga ng DL  at libo ang paycheck, net pa siya diva? 



Pero natagalan din siyang maeencash kaya stop payment kaagad pero dahil rampant na sa trabaho nila ang pagnanakaw ng check inireport kaagad sa bangko ang theft. At the time, nagencash ang magnanakaw, huli siya sa camera ng banko. Kasamahan din pala niya. Ang buwaya.


Morale of the story. Kung gusto ninyong malaman kung sino ang tumanggap o nagdeposito ng check, checken ninyo and endorser sa likod pero kung malakas ang tao sa bank pwedeng eendorse niya ang tseke sa third party. Pag pay to CASH, kahit sino pwedeng mag-encash so pwedeng sabihin mong ginamit mong ipinambayad din. 


Story 5


Kahit meron kaming software para sa bank recon may time na talagang hindi magbalanse ang aming bank ang book balances. So, kailangan kong hanapin kung saan may mali. 


Ang hanep, marami palang checks ang fake na inencash sa bangko namin. Paano naman hindi iiencash eh, deposit lang naman ang ginagawa, tapos nagkiclear ito sa clearing house. Ang halaga from 100 to 300 lang kaya walang red flags. Ang mga tseke kasi namin ay nagkakahalaga ng mga libo-libo karaniwan. 


Ang nakapagbigay sa akin ng clue ay  ang mga check numbers na matagal na dapat naencash. Dyslexic ako sa mga spelling pero sa pag sa number, dyslexic pa rin lalo sa telephone number. Ahek,
Chineck ko, aba, doble nga ang mga checks na may parehong number.
Tiningnan ko rin ang check, pareho ng aming check na nanggagaling sa aming accounting system provider. So paanong mapepeke yon?


Meron kasi kaming photocopier na parang original ang copies din, kaya nga controlado ang paggamit noong feature na yon kasi kahit dollar bills akala mo genuine.


Paano napeke ang signature. Phinoto copy nga ang check tapos ang pinapalitan lang nila ay ang dates, payees at ang amount. 


Kung paano ginawa yon, ang theory ko ay dahil maliliit ang amount, hindi lang kami ang biktima. Kahit ibang companies ay biktima rin. Dahil maliliit lang ang amount, hindi pinapansin. Nang trinace ko kung saang bangko, dinideposito, abah, maliliit na bangko sa mga rural places outside the State. Eh kung ikaw nga naman ay maliit lang na kumpaniya, mas malaki pa ang gagastusin mo pag pinursue mo ang kaso. Maliliit na amount pero sa States na million ang mga kumpaniya, milyon din yon. Di ba yon ang dahilan ng pagkakapatay kay Patrick Swayze sa Ghost? 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment