Thursday, December 16, 2010

Divine Justice 2- How to Apply for A Driver's License in California

Dear insansapinas,

Sabi sa dissenting opinion ng SC justices, Two (2) more documents presented by appellant Webb deserve a close look --  his US Driver’s License supposedly issued on June 14, 1991, and the Passenger Manifest.  The RTC’s evaluation of said documents revealed their lack of probative value,
Kaya kumuha ako ng magnifier at talagang CLOSE LOOK ANG GINAWA KO. Hindi ako magjajudge dahil hindi ako Judge. That is how simple it is, you know. Pero ikukuwento ko sainyo kung paano kumuha ng driver's license sa California noon at ngayon.
On August 14, 1997, [Webb] testified that he did not make any application since the procedure in California provides for a walk-in system, that he did not submit any photograph relative to his application for a Californian Driver’s License, inasmuch as a photograph of him was taken, and that, his driver’s license was issued sometime on the first week of June, 1991. 
 He claims that the picture appearing on the driver’s license was the very same he submitted together with his application for the driver’s license.  Thus, the discrepancy as to the source of the photograph (Exhibit “334-E”) between the testimony given on August 14, 1997 where the accused Webb said that the California Department of Motor Vehicle took his picture, and the testimony given on September 1, 1997 where he said that he submitted it to the California DMV as an attachment to his supposed driver’s license application renders the accused Webb’s testimony as unbelievable and unworthy of credence.
It is true Virginia that you can just walk-in to the DMV (Department of Motor Vehicle) and join a long line before the agency opens its door. But you can also make an appointment. Acsuhally if you are applying for a driver's license whether it was in 1990's or recently, you can not get the driver's license that easy. Ask me Virginia why.


First, you have to take the written examination. Even if you have been driving in the Philippines for a long time, I bet my one year paycheck( kasi wala naman akong paycheck, bwahaha)  that you will not ace the exam especially if you did not review the laws and regulations of the State. Halimbawa, ilang inches dapat ang layo sa gutter pag nagparada ka? Ay naku sharp ang mga driver examiner, kulang na lang magdala sila ng ruler o yong tape measure ng kanilang asawa para ka ibagsak.


Ano ang speed pag nasa school zone ka, pag nasa malapit ka sa tren at maximun speed limit sa freeway.


Gaano kalayo ang parada mo dapat sa fire hydrant para hindi ka maihian ng aso? Erase, erase. 
Ano ang speed mo pag may nagcocross na mga deer na ugali ang huminto sa harap at hintayin ang rumaragasang sasakyan. 


Out of the total items, kailangan lima lang o anim ba yon ang mali mo. Pag di ka pumasa pwede kang kumuha ulit makalawa sa araw ding yon. Pag bumagsak ka, sorry, balik ka sa ibang araw. Ako, unang kuha ko bagsak kasi wala naman akong planong mag-exam noon, sinamahan ko lang ang kaopisina ko. Pagkatapos, nang mareview ko yong binigay na reviewer noong aking kaibigan, handa ulit akong kumuha ng exam, May DALAW yata yong in-charge sa exam, sabi balik na lang daw ako. TSEH.


Pagkapasa mo, hindi ka pa rin makakuha ng driver's license dahil may actual driving exam. Kesehodang idinadrive mo sa Pinas ay truck or bus, kailangan magpaschedule ka sa actual driving exam.


So ako noon, nag-aral muna ng driving sa Streets of San Francisco kung saan parang bundok ang kalye. Kasi sa Makati naman walang bundok anoh. Traffic meron , saka mga walang hiyang driver na aalaskahin ka pag student driver ka. Usually, ooferan ka ng posporo o lighter.


Kuwento ko nga ang aking driving instructor sa SF at Daly City ay isang Insik na pag nagalit, talsikan ang laway sa pagsalita sa akin ng lengguahe niya.


Tapos siya na ang binayaran ko para igawa ako ng appointment ng araw ng aking driving exam. Gamit ko rin ang kotse niya.


This time solo ka na. Paghinto mo sa tapat ng pinto ng DMV, may aakyat na examiner, tatabi saiyo, may hawak-hawak na rating sheet. Bulong sa akin ng aking instructor, she's a biatch, Gud luck. Tinakot pa ako.


Ayun nga, bagsak, first time kung kuha. Nagpaparlor pa naman ako. Bwiset. Bakit ako nagpaparlor? Kasi Birhinya, may sariling retratista sa DMV. Bakit binago ang statement? Baka kasi yong retrato hindi mukhang kuha sa DMV.  Pagkapasa mo sa driving exam, bibigyan ka ng card na ipipresent mo pagkatapos mong pumila sa iba rin na nagpapakodak. Pag sabi nila ng Cheese, S*EKS, ngiti ka at Klik. Kailangan sila ang kumuha ng picture dahil baka dalhin mo picture ni Angelina Jolie o ni Brad Pitt eh kamukha ka pala ni...ni...yon na nga.



At sa California, noon, ewan ko ngayon, imemail saiyo ang driver's license. Ang expiry date ay hindi yong anniversary ng pagkuha mo kung hindi birthday mo. Kasi ilang buwan bago magexpire ang iyong driver's license, padadalhan ka ng application for renewal at hihingi ng renewal fee. Dito mahalaga  ang birthday mo, parang password code mo yon. Kaya di mo basta-basta sinasabi ang birthday mo lalo pag kasama ang year of birth. Hhhm. Hindi ako nagbibiro para maitago ko ang birthday ko. 


Sa ibang State, pwedeng kumuha siguro ng driver's license ng isang araw lang kung citizen ka at may previous record ka na o kaya renewal lang.  Pag bago ka hindi pwede. Lalo naman kung tourist ka. Hindi na ngayon puwedeng mag-apply ng driver's license pag wala kang legal status at wala kang proof residency sa lugar. Not unless may international driving license ka na pwedeng good for a number of days.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment