Friday, December 17, 2010

Mickey Mouse Economics

Dear insansapinas,

Sabi ng aking lolo noong kapanahunan ng Hapon , para raw makabili ng isang gatang na bigas, ang dadalhin mo ay isang bayong na mickey mouse money.


Noong bata pa ako, ang ginagamit naming pera-perahan ay dahon ng kung anong puno yon, di ko matandaan. Para marami akong mabili, panay ang akyat ko sa puno hanggang ako ay mahulog.


Noong nag-aaral na ako at sinasabi nga na naghihirap ang Pilipinas, tanong ko sa titser, bakit hindi na lang mag-imprenta ng maraming maraming pera.


Bakit ako nagkukuwento  ng ganito? Tanong ninyo.


Nabasa ko ang mga comments na pinagtatawanan ng ibang tao ang pagkakapalit ng tarsier sa mukha ng dating Pangulo GMA sa dalawandaang piso at paglabas ng mga bagong imprintang pera.


Napailing lang ako nang mabasa ko :
Even as it started gradually introducing the new generation of bank notes, the Bangko Sentral ng Pilipinas assured the public Friday that the old bills will remain good for at least three to four years.

In a radio interview, BSP corporate affairs director Fe dela Cruz said the present bills will be gradually phased out and their circulation may last even longer than three to four years, if the public so requests.

"The public should not worry about the value of the present bills. The BSP will have three to four years before deciding whether to nullify the old banknotes or not," she said in Filipino in an interview aired over dwIZ..

Makakatawa pa kaya sila pag nalaman nila ang effect ng dagdag na supply ng pera sa circulation? Inflation.


Ang pag-iimprinta ng mga bagong bills ay ginagawa upang palitan ang  mga luma na at sira-sira ng mga perang papel o kaya ay gawing mas  mahirap ang pagpepeke nito. 


Napanood ba ninyo ang pelikula ni Diane Keaton, Queen Latifah at Katie Holmes, ang MAd Money kung saan ninakaw nila ang sinusunog na currency sa incinerator?



Pero kasabay nito ay binabawasan at inaalis ang kasindaming halaga ng mga perang papel para maiwasan nga ang inflation. Maghintay kayo ng tatlong taon. At hindi pa sila sigurado kung idedemonetize nila? 

Tumaas na nga ang inflation rate natin sa sobrang liquidity ng financial system natin. Maraming pera sa bangko pero walang umuutang. Ang mga pumasok na pera sa speculation sa stock market ay hindi nagdadala ng trabaho dahil ang mga transaction na ito ay mga short term lang. Halos investments lang sa mg a stocks at high yielding securities na anytime pwedeng ilabas ng mga investors. Hindi talaga mga direct investments na sinasabi.

Ang pagtaas ng value ng pera ng Pilipinas ay nakakasama sa mga exporters. Mababa ang nagiging income nila sa kanilang negosyo dahil sa kinakain ng nawawala sa foreign exchange. Kaya pinigilan ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas pero nalugi ang BSP ng 17 billion.


Ang US din ay nag-imprinta ng bagong bills pero dahil bulilyaso at hindi magamit, kulang ang supply ng bills ngayon


Araw-araw ay nagsusunog sila ng mga US bills na inaalis na nila sa circulation dahil maaring luma na. 
 Umulan sana ng maraming pera. Yehey. Ploinkkk


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment