Thursday, September 02, 2010

Not Smoking

Dear insansapinas,

Noong nagpupunta ako sa Indonesia, inaalok ako ng sigarilyo ng host ko. Ang tawag noon kritek (not sure of the spelling). That time, I already gave up smoking. Niisnab ko na siya. Ayaw ng boss ko kasi di kami magkasama minsan. Nasa smoking area ako at siya ay nasa "No smoking area'   kaya kahit kailangang magmeet kami para magdiscuss bago makipagkita sa clients di namin magawa. Grabe ang sinusitis niya. Para siyang basang sisiw pag nakaamoy ng sigarilyo.


Bakit tayo nag-uusap tugkol sa Indonesia at sigarilyo? Kasi sa balitang yong batang dalawang taong gulang na ang apelyido pa naman ay Rizal na dati ay addicted sa nicotine at nagsisigarilyo ng 40 sticks isang araw ay huminto na nang paninigrilyo.


Ito ang balita.
The tubby Indonesian toddler who caused a sensation last spring by enthusiastically puffing on cigarettes in a widely viewed video has quit smoking, according to media reports.
Two-year-old Ardi Rizal of South Sumatra, who reportedly smoked 40 cigarettes a day, has broken his nicotine addiction through a 30-day rehabilitation program, the Jakarta Globe reported Thursday.

Ako hindi naman nahirapang magquit. Sabi ko lang ayaw ko na. a ah a ah a ah.


Naisulat ko na rin ito. Doon sa Indonesia ay may ipinakilala sa aking "X-Men:" din ang aking host na anak ng isang judge. Di siya nakakapagpalit ng anyo  pero He- can- also talk to- dead- people at hindi lang dead people kung hindi mga ispiritu ng kung ano-ano pa.

Matagal na raw niya akong hinihintay sa "brotherhood" . Ngiii.
 Yon kasing host namin ay dinala kami sa Bali noong unang Linggo namin. At for the first time, nagpakita ang isang malaking ahas na pinaniniwalaang nay kapangyarihan. Ayon sa host namin, mula nang ipinanganak siya ay di pa niya nakita ang ahas. Pinipili raw lang ang grupong pakikitaan. Nang oras na iyon kami ang nakatingala sa kuweba kung saan siya nakatira. Siguro curious yong malaking sawa kung saang planeta kami nanggaling. Lumabas. Hindi raw naman yon nanmpapatay ng tao except yong turistang nang-insulto sa paniniwala don sa lugar Wala naman akong suot na sumbrero kahit ako ay tourist. yukyukyuk


So tinawag nga niya ang 'X-Men" para alamin kung "X-Women" din ako. 

Una nagdemonstrate siya ng kaniyang "power". Oy may invisibility cloak. siya. Minsan may maririnig kang nagsasalita pero wala kang nakikita. Isa pang demonstrasyon niya ay sigarilyo.


Sa harapan ko ay binuksan niya ang isang pakete ng sigarilyo. Akala ko maninigarilyo siya. Yon pala ilulubog niya ang isang stick sa isang basong puno ng tubig at kinusot-kusot.  Tapos inilabas niya ang kaniyang kamay. Yong sigarilyo, naging pera. Kung nakakita na kayo ng rupiah, mas malaki ito sa Philippine peso. 


Naah, walang hawak ng pera ang "X-Men" noong itinubog niya sa baso ang kaniyang mga daliri. Ibinigay niya sa akin ang pera para souvenir. 

Nagdemonstrate rin ako ng aking "power". Kinuha ko yong pera at pinawala ko. Vanished. boom. Nasa pitaka ko na. toinkk






Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment