Thursday, September 02, 2010

Sino ang may Sala?

Dear insansapinas,

 photocredit:MSNBC

Imaginin mo ang scenario na umiiyak ka na at balak nang paglamayan ang iyong namatay na kamag-anak nang makita mong hindi pala yon ang inyong patay dahil may isang idiot na nagkamali ng paglagay ng label sa kabaong. Isang trabahong wala pag kutsara ng utak ang gagamitin dahil machecheck naman ang label sa paa ng bangkay.

The eight bodies were shipped back on Aug. 25 to Hong Kong, where tearful relatives laid wreaths on the coffins of their loved ones at the airport as officials stood in attention—but three families were paying their respects to the wrong bodies.
The three families discovered the mistake when they opened the coffins at the morgue later that night, Hong Kong’s Security Bureau said in a statement.
Sus naman, napatay na nga, "pinatay pa ag pamilya sa sindak. uhum.
Isipin ninyo kung gamot ito at mali ang label na nailagay, patay ang iinom. 


Hindi raw si Robredo ang may hawak ng Police, si Rico Puno raw. Hindi yong namamasyal sa Luneta ng walang pera. Siya ay kaibigan ni Noynoy Aquino na ang kuwalipikason ay siya ay sharp shooter,
consultant niya sa peace order noog nasa Congress siya ( kaya pala tahimik siya, very peaceful).Saan ka naman nakakita ng chief na inalisan ng power at ibinigay sa USec. Di sana dalawang Secretaries na lang ang ginawa.

Kung nagawa nga nila yon sa Communications group, bakit nahiya pa siyang idivide-divide ang mga Departments sa mga nakatulong sa kaniyang campaign. Si DS panay ang paretrato na naman at panay ang salita na hindi naman sakop ng kaniyang department. Duh.


At hindi pa man nalilibing ang mga namatay sa carnage at natatapos ag imbestigasyon, ang Little President   ay nabalitang nakitang lasing na lasing sa isang lobby ng five star hotel.



Ang nagrekomenda sa kaniyang si  Speaker Feliciano Belmonte ay maagap na pinagtanngol siya na hindi raw niya nakitag uminom ang kanyang protegee. Pero idinagdag  niya na mali yong EO na ipinalabas nito. 

Kamag-anak, kaklase, kaibigan, kasangga at kasambahay--Balay at Samar, nag-aaway-away daw.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment