Monday, August 09, 2010

He said, he said

 Dear insansapinas,
Di ba sinabi sa balita na ang dahilan nang pagtanggal ni Presidente Noynoy Aquino kay PAGASA Chief Nilo ay dahil sa maling pagforecast nito sa bagyong Basyang.


Ito naman ang balitang pinagmamalaki ng nagrekomenda nang pagtanggal. Pinagmalaki pa niya. ohoy.



In the same report, Department of Science and Technology (DOST) secretary Mario Montejo admitted that he recommended for the removal of Nilo from PAGASA, citing the “difference in our mindsets."

Ang mindset natin dapat kaya nating solbin ang problema kahit ano gamit natin. Di natin puwede sabihing wala tayong makina, wala tayong equipment (Our mindset should always be, we can solve the problem despite the lack of machineries and equipment)," he said.

Aba ay pagganito ang mindset niya, lahat ng mananahing walang makina ay tatahiin sa kamay ang mga damit, matapos lang ang problema.


Ang rason nito ay pang short term lang. Parang "at the moment" ano ang magiging solusyon sa problemang hinahaharap. PERO in the long term KUNG TALAGANG ANG TRABAHO AY KAILANGAN NG MAKINA, HINDI PUWEDE ANG LOGIC NA ITO. bah. Imaginin mo ang nagfoforecast ng weather na di bombang makina ang ginagamit? toink.

Binanggit ko ang lolo ko noon na pwedeng magpredict kung kailang uulan at kailan may bagyo pero matagal niyang naobserbahan yon dahil siya ay farmer at fisherman. Noon wala pa ang global warming. 



Ang office culture na ito ang nakakatakot. Yong isa lang recommendation na hindi man lang siguro pinag-aralan ay ginawa na ang nageencourage ng mga tao para sumisipsip para hindi sila maalis o kaya feeling mo palagi kang insecure dahil anytime pwede kang alisin.



Sabi ng iba, sa private companies, dahil sa incompetence, inaalis ang mga empleyado. Totoo yon pero may DUE PROCESS. Hindi kaagad tanggal sa puwesto. 



Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment