Dear insansapinas,
Pareho sa pinas, meron din kaming brownout. Power outage ang tawag. Day, tumagal siya ng apat na oras. Walang TV, walang internet, walang phone. Torture. toink toink toink.
Nag-uusap pa naman kami ng kaibigan ko. Sixty six na kasi ang mother niya at nagtatanong tungkol sa SSS retirement. Para bang ako ay Data bank na pag pinindot mo ang aking ilong, lalabas ang data.
Masasakit na raw ang athritis at hirap na hirap tumayo sa umaga para pumasok sa trabaho niya sa ospital.
Sabi ko pwede na siyang magretire. Baka abutan pa siya ng pagtataas ng edad ng retirement na 70 years old (recommendation ng Republican) ay maghihintay pa siyang magkapension kahit magretire siya sa kaniyang trabaho.
Buti ang mga Puti, mas mahaba ang life span nila. At the age of eighty, nakikipagligawan pa sila. aroroy.
Darating na yong kaniyang anak na penitition, more than ten years ago. Dala ang anak. Hindi nagpakasal kasi mawawalang bisa yong petition at maghihintay siya ng mas mahabang taon.
Pagdating ng kaniyang anak ay baka magretire na raw siya. Siguro kung kakasya yong kikitain ng kaniyang anak. Pag nagkasya, meron na naman siyang bagong trabaho, baby sitter ng kaniyang apo.
Buhay talaga ng Pinoy.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment