Dear insansapinas,
photocredit
Bago bumagyo sa Pinas, napanaginipan ko na ang mangyayari. Kaya lang tulog palagi ang pusa ko para magpredict. Wala rin akong octopus kung hindi yong tinuyong pusit na hindi maubos-ubos dahil aamoy pag niluto mo. Wala rin akong parakeet para manghula kug anong mangyayari. Ang alam ko habang umuulan kagabi ay may balitang nagwawarning ng thunderstorms at mayroon pa siyang expiry time.
Pero sabi nga ng mader ko, Por Diyos Por Santo Equals Eight, hindi ba naman nila masabihan ng maaga pa lang na huwag pumasok ang mga bata. Katulad ako nang mga batang nasa retrato sa isang on-line daily na di bale nang mapako o makatapak ng basag na bote, pero bibitbitin ko ang aking sapatos pag-uwi galing sa iskuwela dahil suspendido ang klase. Ano pa ba ang bago?
Hindi mo naman maisisisi lahat sa PAGASA. Sabi nga nila wala silang gamit para makapagpredict ng eksaktong weather condition.
Namimissed ko tuloy ang aking lolo. Pwede siyang maging weatherman. Titingin lang siya sa langit, alam niya kung uulan kinabukasan. Titingnan niya ang buwan sa gabi, alam niyang may unos na darating.
Titingnan niya ang mga langgam, alam niya kung may darating na lindol o baha. Isa siyang magsasaka at mangngisda.
Huwag kang magbabanggit ng mga insekto kapag di mo alam, tatalunin niya si bugman ng CSI.Sa kaniya ko nalaman noong bata pa ako na may mata pala ang bagyo. Hindi nagrorolleyes pero nagbabago ang direksiyon ng hangin.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment