Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 8.
Nabalitaan namin na umalis na si Billy at ang kaniyang girl friend sa ospital. Lumipat na sila sa Los Angeles.
Lalong nalungkot si Angelina kaya pinayo namin na lumipat na siya ng bahay, total ang mahal ng bayad niya doon at dalawa ang kuwarto. Pwede siyang magpa-sublease siguro ang alaala ay magiging dahilan ng pagkakaraoke namin tuwing weekend doon at kumanta ng Malayo PA ang Umaga.
Tinulungan namin siyang lumipat. Ang mga kagamitan niya ay hindi kakasya sa lilipatan niya kaya pinaampon niya ang iba. Inampon ko ang dining set. Malaki kasi. Kasya ang tatlong tao--nakahiga sa mesa. Noong bata pa kasi ako, pag dumadalaw kami sa auntie ko sa Bicol, pag wala nang matulugan, yong mga pinsan kong lalaki, natutulog sa lamesa. Nakatihaya sa ibabaw. Ang mga salbaheng ibang pinsan naman namin ay nagtitirik ng kandila sa apat na sulok at magsisimulang magsiiyakan. Habol ang auntie ko ng tingting na walis sa mga salbahe kong pinsan. Sandali bakit ako naligaw na namin. Break. Ang layo pa ng kinaligawan ko, kailangan pang magtren.
Balik tayo sa SF.
Nakakuha kami ng uupahan ni Angelina. Tatlo sila doon. Yong najor tenant na matandang dalaga, yong isang diborsyada at siya nga ang iniwanan ng boy friend. Ang tawag namin Tres Rosas.
Pero sa amin pa rin ang istambayan niya. Naging magkaibigang matalik sila ni Dina. Ang tawag ko naman sa kanila ay si Starsky and Hutch, yuk yukyuk
Dumaan ang segundo, minuto, oras, araw at mga buwan. Napigtal ang mga dahon ng kalendaryo (hanep ang description). dahil ginagawa naming listahan ng grocery.
Lumipat na ng trabaho si Dina, isang maliit na consultancy na pag-aari ng isang Pinoy. Binata pero merong girl friend. Ang girl friend ay may-asawa. Ang girl friend ay nagtatrabaho sa opisina.
Walang interest si Angelina sa binata. In fact ang madalas niyang sabihin kay Dina ay:
Kahit siya na lang ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo, hindi niya papatulan. SINABI KO NANG HUWAG MAGSALITA NG PATAPOS.
Ayaw niya kasi pangit daw. Hindi naman siya pangit. Meron naman siyang ilong. Mukha naman siyang bata. Yong batang parang palaging naliligaw. At pag nagulat, nagtatayuan ang mgas buhok.
Pag nag-usap si Dina at Angelina, sabay hagalpakan pa at appear sa paglait kay...tawagin nating si Gabby.
Gabi kasi palagi kung dumating.
Biniro siya ng tadhana. Kailangan niyang mag-asawa na. Ayaw naman niya kay Brad na sa pagdalaw sa kaniya, pwede nang magpatayo ng gasoline station sa dami ng gasolinang nagagamit sa paghatid -sundo sa kaniya.
Pinaalam niya sa akin na balak daw hingin ang kamay niya sa akin ni Gabby. Wala kasi siyang pamilya sa States. Siya lang mag-isa. ulila na rin siya at hindi man lang nababanggit ang nanay niya sa akin. Yon pala ang pinagtampuhan niya ay dahil kay Billy. Ayaw ng nanay niya si Billy/
Pinatawag ko si Brad. Malungkot na naman. Pero sabi niya, alam niya ang background ni Gabby. Kaya may condition akong ibinigay kay Angelina.
Isa sa mga condition ay paalisin ang girl friend na may asawa.
Abangan
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment