Dear insansapinas,
Pag may isang Filipino raw sa isang organization, asahan mo may susunod pa. May kaugalian kasi ang Pinoy na tumulong sa kapwa Pinoy para makapasok sa trabaho, hanggang halos lahat ng empleyado, Pinoy na. hahaha.
Isang tip yan na huwag mahihiyang magtanong sa kaibigan o kakilalang pinoy kung may vacancy sa kanilang company. Ang mga gustong makatulong, ay sasabihan kang mag-apply. Pero hindi kagaya sa Pinas na talagang isasama ka pa at irerekomenda. May sinunusunod na recruitment policies dito ang mga organization lalo na ng nagkahigpitan sa mga illegal aliens. Lahat chinicheck, particularly ang SSS; ang iba nagrerequire ng fingerprinting at ang iba ay drug testing.
May mga Pinoy naman na selfish at arogante. Sasabihin nga saiyong may vacancy, pero may kasamang discouragement na hindi ka matatanggap doon dahil blah blah. In short, siya lang ang magaling kaya siya natatanggap. O kaya naman para hindi pahalata, hihingin ang resume mo pero hindi ibibigay doon sa nagrerecruit. Tapos sasabihin saiyo, may nakuha na.
Ganyan nangyari sa akin doon sa akala ko kaibigan ko. Sinabi na may vacancy. Padala ko resume ko.Walang response kung natanggap.
Ang ginawa ko diretsa akong nag-aapply on line. Sinagot naman ako at binigyan ako ng exam online. Accounting. Ang interview, online din pati ang offer for employment, pinadala sa akin thru e-mail. Dahil relocation nga, tinanong ako kung may matitirhan ako temporary kasi kailangan na ako. So kinontak ko ang kaibigan ko kuno na nagbigay ng tip. Sagot niya sa akin, di pa raw niya naibigay ang resume ko. Sabi ko sa kaniya, tanggap na ako. Siguro kung nasa harapan niya ako, nakita ko ang pangit niyang mukha na lalong pumangit. hehehe laitera rin ako. Hindi ninyo ako masisisi, trinaydor niya ako at alam kung masakit ang mabetray kagaya nina Mar Roxas at ni Erap. hehehe.
Hindi ako nagtagal doon. Minaniobra niya akong maalis. Ang insecurities pag siyang nanaig. walang kaibigan, walang kamag-anak at walang hiya ang iba. hehehe Ilang buwan din, tanggal din siya. mwehehehe. Nakita na kasi ang difference ng trabaho niya at trabaho ko. toink.
Meron naman akong napasukan na ang nag-interview sa akin ay ang Vice-president na CPA din. Filipina siya pero ipinanganak na sa US. Nakabakasyon daw ang aking makakasama sa Accounting. Siya in charge sa office sa Cali., ako naman ay sa NY pero sa SF ang aming head office.
Nang dumating siya, ang gulat ko. Siya pala yong nagpatulong sa aking mag-organize ng audit report niya sa isang company na hindi niya ibinigay ang pangalan. Kaya pala, sandali lang akong nakapasok. Hindi kasi ako tumanggap ng consultancy fee sa kaniya.
Disorganized na organization
Meron akong inaplyan na isang non-profit. Tinawagan ako for interview. Kalahating oras na akong naghihintay sa reception room, wala pa ring tawag. Ako lang naman ang iintierviewhin.
Tapos may lumabas. babaeng Puti, humihingi ng apology, yon daw kasing isa sa mga panel ay wala. Nakalimutan yata ang schedule. Pinapunta ako sa interview room. Dalawa lang sila. Yong isa, nakalimutan yong folder ko. hehehehe. Sus naman, pag ito makakasama ko sa trabaho, magiging disorganized din ako.
Dapat kasi may isa o dalawa ang mag-iinterview tungkol sa accounting para malaman kung ang nag-aapply, may skills. Ang mga tanong ay suntok sa buwan. Kulang na lang mag-roll-eyes ako. Hindi ako nabawasan ng pagtulog kahit di ako nakuha, Nagpasalamat pa ako.
Ang pinaka hindi ko makakalimutang interview ay ang sa aking future-in-laws.
Ang aking magiging boss ay yong anak na abugada. Ang future MIL ko ang nag-interview sa akin personally kasi ang anak niyang abugada ay nasa Europe at ang anak niyang lalaki ay nasa East Coast. Pero may teleconferencing. Bago ako umalis, sabi ng aking future FIL, gusto raw niya ako. Nag-observe lang siya habang tinatanong ako ng asawa niya. May nasipat daw siyang magandang kalooban sa akin. Kaya lang hindi naman siya ang magdedecide kung ako ay makukuha. Suplado ang kaniyang anak, yong aking magiging at naging ex h. Halatang bwiset siya sa akin sa phone. Pero, isa pala siya sa may mabait na puso sa mga nakilala ko, pag naintindihan mo na siya.
The rest is history. Magbasa kayo ng history book. Mababasa ninyo. hehehe
Pinaysaamerika
pwede bang kumanta dito mam?
ReplyDeleteanu na nga yung lyrics nung kantang "Love Story"? yung merong "love means never having you say sorry" uuuuuuuuy wohooooo kilig de puger talaga oo nauwi sa love story yung part 2 ng job interview hahahahahahahahahaha.
inggit daw ako,kasi
wala akong love story at
nagkaron man e walang ka kwenta kwenta,di manlang
pwedeng gawing pelikula,o
kahit manlang sana sa komics na pang give away sa metro train (itatapon ng mga pasahero sa antok),langya talaga oo.
tinananong nga noong filipina nurse na nag-aalala sa MIL ko, paano ko raw naloko.
ReplyDeletehahaha.
hindi ako ang target niya noon, yong isang empleyada.
mam, masyado kang humble, let say beauty and brain ang tumama kay ex... sayang ex nalang sya.
ReplyDeletenaku, lady judge yong matagal ng humahabol sa kaniya. maganda at petite kaya lang intimidated yata siya.
ReplyDeleteyong isa naman physical therapist na talaga naman habol na habol siya.
isa medical student.
siguro ako kasi boto sa akin ang aking Fil at Mil. sipsip ako.
alam mo naman tayong pinay, marespeto sa matatanda. at alam niyang hindi ako mukhang dolyar, mukhang quarters lang. biog ang mukha, hindi square. hehehe
kahit na inoffer sa akin ang bahay sa isang States, hindi ko tinirhan.