Dear insansapinas,
Bago ninyo basahin ito, basahin mo na ninyo ang previous blog na Tips from a US immigrant tungkol sa paghanap ng trabaho sa US.
Nagmamadali akong naghanap ng kuwarto kung saan ako nakaassign kumuha ng examination para sa position sa gobyerno na inaaplayan ko. Ang lakas ng palatak ng aking sapatos na mala-combat shoes sa semento kaya ang mga taong nakatayo sa labas ng mga classrooms ay napapatingin sa akin.
First step yon sa screening. Normally walang exam dito pagnagaapply ka. Dahil gobyerno, inaplyan ko, required akong magkaroon ng civil service eligibility. Ang mga kasama ko doon ay hindi lang ang mga nagrespond sa ad kung hindi pati ang mga nasa service na gustong mapromote sa position na yon. Isang position, mahigit limandaan ang nag-apply. Ano ang laban ko?
Binigay sa amin ang test paper at answer sheets. Parang balota, isishade mo lang ang tamang sagot. Kaya lang hindi mo ilalagay sa shredder. (tawag noong senior citizen na nanay ng aking kaibigan sa katatapos na election sa Pinas). Accounting at Auditing ang problems. Pakiwari ko bumalik ako ng college at nag-eexam.
Maghapon ang exam, tatlong yugto yata. Kahit malamig, pagpapwisan ka. Between breaks, nakausap ko yong mga empleyado sa county na sana raw ay pumasa sila. Isang position, ang daming naglalaban-laban. Paano naman ako? Sure na sila na hindi ako makukuha. dahil sila every time may vacant position, apply sila. hehehe
Ang unang limang topnotchers ang tatawagin for interview.
Nakareceive ako ng notice for interview. Yohhhooo, top yata ako. Bow, bow. ( pabayaan na ninyo akong magyabang, blog ko naman ito. mas may mayayabang pa sa akin. but this is the truth. Sumpa man, tamaan man ng kidlat si...)
Ito na ang interview, panel. hindi nagtanong tungkol sa accounting. Polite sila at friendly. Sinabi nila ang resulta. Pero kahit daw ako number one, matatalo ako ng beterano o mga military retirees na nag-aaply sa trabaho dahil may plus something- something sila.
Natanggap ko ang notice. May nakuha na raw pero ako ang next-in consideration. Lungkot. Beterano yata ang nakuha, sabi noong naging kaibigan ko. May priority sila sa hiring sa gobyerno.
(pag sinabing beterano, hindi yong mga uugod-ugod na. may mga beterano ng Gulf War at ang mga recent war. beterano sila dahil lumabas na sila, karamihan sa kanila nag-aral ulit).
So apply ako na naman ako ng trabaho. By that time, kasi inuubos ko na ang aking leave sa aalisan kong trabaho kung saan inintriga ako ng isang insecure na VP dahil sipsip ako sa President. (slap, sinungaling, slap).
Walang exam pero panel ulit ang interviewers. Mga tanong accounting at auditing problems. Sus maryosep naman, kahit na tulog ako at gisingin mo sasagot pa rin ako. Isa yan sa mga advantages ko sa mga naghanap ng trabaho dito na walang specialization o kaya maraming makukuhang locals. Walang masyadong may accounting degree ang mga accountants. Mga vocational lang , kaya pagdating sa analysis, sa preparation ng mga sophisticated na mga reports, hindi nila magagawa kahit na pwedeng iproduce ng software.
Wala akong natanggap na sulat o tawag. Kaya tumawag ako. Pasalamat yong manager at tumawag ako dahil umalis na raw yong controller at hindi makita yong papel ko. Pero bago siya umalis, pinapatawagan nga ako. By the time, tapos na ang aking leave sa trabaho kong dati at ang aking resignation ay tinanggap na. Gulat pa ang mga bruja kong mga kalaban, kasi may trabaho kaagad ako. Sila hindi makakaalis.
Ako lang ang Noy-pi. hindi ko kailangang magsalita dahil tambak ang mga spreadsheets at backlog. Nagcocommunicate kami via office-email. Pagkapasok ko, nagvacation ang accounting manager. Limang taon na raw siyang di nakakabakasyon. Masyado raw slave driver yong umalis na controller.
Nag-aral ako ng paggawa ng mga working papers sa excel, habang hinahanda ang mga empleyado sa pagpalit ng accounting software from jurassic to user friendly customized accounting software. Bago sa akin yon. Pero inuuwi ko ang manual para pag-aralan.
Pagkatapos ng probationary period ko, may tawag ako sa gobyerno, magreport daw ako. Sabi nila dadaan ulit ako sa probationary period. Hindi ko tinanggap ang trabaho which i regretted these days kasi mas secured pala yon at mas maraming benefits.
Itutuloy
Pinaysaamerika
Ang galing talaga ng Pinay! :)
ReplyDeleteRO,
ReplyDeletemarami rin akong mga interviews na walang tawag at meron ako mismo ang ayaw dahil nakita ko walang challenge as in mababa ang sweldo.
pero talagang mahirap dito ang maghanap ng trabaho para sa mga bagong salta.
either sa retail sila o sa fastfood na pupunta. marami pa ang kuwento.
ang advice ko rin, mag-aral ng mga skills kung saan magiging strength mo.
awwww sayang nga pala, e sinu nga naman magaakala mam,e
ReplyDeletemy trabaho ka nga ngat nakasimula kana tapos start ka nanaman ng bago, yun pala mas ok.
talagang hindi sa akin ang trabaho, huhuhuhu.
ReplyDelete