Sunday, May 16, 2010

Threats and Conditions

Dear insansapinas,
Isa sa mga natutuhan ko sa buhay (akala mo totoo) ay ang huwag papiliin ang sinuman. Kagaya ng asawang nahuli ang asawang may mistress. Ang asawa o ang mistress ay di dapat papiliin ang lalaki kung sino ang pakikisamahan. Masakit pag hindi ka napili. O masakit pag marami palang mistress. ahahay.

Willie Revillame

"Hindi pa naman ako umalis. Malalaman ng lahat kung ano ang desisyon ko. May panahon para diyan, may takdang panahon para diyan," Revillame told showbiz talk show host Cristy Fermin in a taped interview aired Sunday afternoon at TV-5’s "Paparazzi."


Tingnan ninyo si Willie Revillame sa pagpapili niya sa ABS CBN sa kaniya o kay Jobert Sucaldito. Ginawa niya ito sa gitna ng galit.Siguro dapat kinausap na lang niya ang management para pagsabihan ang kagalit niya. Dahil marahil mataas ang rating ng wowowee kaya malakas ang loob niyang magsalita. Eh si Sucaldito naman, nasa pagpapala ni Boy Abunda at ni Kris sa The Buzz. 


Prinsipyo? hindi prinsipyo ang paalisan mo ng trabaho ang isang tao dahil inis ka lang. Sus.


Kagaya rin sa office politics yan noon. Isang expat namin ang gustong ipaterminate yong engineer na Pinoy dahil sinalungant lang siya at sinabing I do not like his ugly face. Depugal.


Ako nga kahit tinatraydor, hindi ko pa mapapaalis ang isang empleyado. Kulamin siguro at lalong papangitin. Aheehehehe



Kris defenders and detractors


Ewan ko naman kung bakit kailangan pang ikumpara si Kris sa iba at maglitanya na hindi corrupt si Kris para paalisin ang bansa.


Isa lang naman ang sagot sa issue ni Kris, hindi pa nangyayari ang sinabi niya kaya wala pa silang karapatang paalisin siya. 


At hindi porke, ang dating kinicritize si Kris at bigla siyang dinepensa ay pagpatunay ng pagbabago ang isip. 
Hindi yon totoo Maria, dahil pag talaga namang mali ang ginawa sa kaniya, kung objective kang tao, ipagtatanggol mo pa rin.

You condemn the sin, not the sinner.

Pero meron ding mga politicians at mga celebrities na gustong sumakay sa maiinit na issues sa internet. media mileage din yan. wohoo. 

Kagaya ko, ayaw ko yong pagpapaartista niya kay baby james dahil sa aking research 80 per cent ng mga nagsimula sa murang edad na pagpasok sa pelikula, nasira ang adult life. hindi lang sa pinas kung hindi sa states. Ayaw ko rin ang pag-iyak-iyak niya sa tv for rating purposes.Pero galit ako sa mga exes niya na nagsamantala sa kaniyang pagtitiwala. At tahimik lang siyang umalis sa The Buzz, noong hindi niya kasundo si Cristy Fermin.


Pinaysaamerika



3 comments:

  1. Anonymous7:00 AM

    at dagdag pa mam, yung mga batang maagang pinag syowbiz, dina nagsisilaki hanggang magsitanda maliliit,maraming dahilan
    diba,puyat,pagod,stress,etc etc buti nalang ako
    di pinagsyowbiz ni mader atleast lumaki ako ng ilang pulgada compare kay wengweng,ngak!
    oo nga naman,dipa naman sya
    nagiging konsumisyon ni noynoy ah!infact type na type nga
    nyang magalaga ng mga pamangkit at di naman sya
    pinwersang magalaga.

    ayaaaan,buti nga ang yabang kasi,paris din sya nung nanay nanayan nyang si cristy fermin,kala nya siguro e isa sya sa mga dioses,at sya e indispensible,kahit
    naman sinu hamunin mo ng ganun on the air abah naman e kahit gano kalakas ang kapit mo e tigok ka,dina binigyan ng kahihiyan si lopez,kahit pa nga sabihing sya ang P--- nito at ng mga ibang executive e kala nya....hmpt!

    ReplyDelete
  2. Anonymous7:01 AM

    kaya ako diko tinatakot boss ko e nyahaha.

    ReplyDelete
  3. Anonymous1:54 PM

    pag umalis na si kris sa pinas. babalik na ako don. wala ng pampasira ng araw.

    ReplyDelete