Sunday, January 03, 2010

Holy Trinity-Santisima Trinidad

 Dear insansapinas,


Resolution No. 4 : I will stop being considerate on other people's feelings when some of them obviously don't consider mine - pero dito lang sa blog not in person. 


Pag nababasa ko ang mga matatapang na reaction ng mga bloggers tungkol sa mga away sa traffic, sa parking, sa pagdadrive na nagreresulta ng away, sigawan, baka-hindi-mo-ako-kilala- palitan ng mga pataasan ng ihi na pati ang mga unibersidad na pinagtapusan ay nababanggit, kulang na lang isampal ang mga diploma nila...naalala ko ang mga situwasyon dito sa US at sa Indonesia noon na palalampasin na lang ito ng nakakaunawa. 

Kagaya nang halimbawa may nagcut saiyo dahil mabagal ka o talagang nambubuwisit lang, payo ng aking kaibigan, palampasin na lang kasi hindi ka nga papansinin  sa pagtatalak mo pero babalikan ka at Pung, isang bala ka lang.

Sa Indonesia noon, ang host ko na anak ng isang mataas ang puwesto sa gobyerno ay tahimik na hinintay ang isang makulit na driver. Sabi ko bakit di niya businahan. Sabi sa akin, hindi uso ang busina doon dahil hindi mo alam kung sino ang mga taong yon. Nang nasa US siya at nag-aaral, nabangga ang auto niya. Total wreck dahil may iniwasan siya.

Kaya ako kahit ang katabi ko ay di yata naligo ng sampung buwan dahil masisira ang corn-row hair do niya, tahimik na lang ako. Pero ang kabigan kong kagaya ni Lee na pasaway, di makakatiis. Uutot siya para umalis yong katabi. hahaha.

Balik tayo sa Blogosphere

1. May napansin akong isang blogger, tatlo ang kaniyang persona. Yong isa nageendorso sa isang presidential candidate; yong isa naman ay isang presidential candidate at ang ikatlo ay kunwari neutral siya.

Santisima, ano siya Holy Trinity? Duh.

2.  Yong dalawa namang bloggers, nagpalit na ng iiindorso. Either mas malaki ang offer noong kabila o gusto lang nilang maging in sa kanilang grupo. Sunod-sunuran sa mga perceived leader.



Para bang pagnagparetrato ka kasama ng mga candidates ay importante ka ng tao. Duh. 


Kung ako man (tingin sa kaliwa at sa kanan, baka nakatago si Lee) ay parang inis kay Noynoy ay dahil walang bukambibig ang magkakapatid kung hindi Cory Aquino. Pati ang kanilang first media noche na wala na ang nanay nila, nagpaphoto-op pa at nang-imbita ng mga reporters. Para bang sila lang ang nawalan ng ina. Kung barko si Cory, matagal nang lumubog dahil sa dami nang mga sumasakay.


Pinaysaamerika

17 comments:

  1. naku mam sinabi mo pa,nakakatakot lalo na satin,sa init ng panahon damay na pati ulo ng tao mainit,dito,sa experience ko pinapalampas ng mga tao yan,saka yung naniningit sa pila?bibilib ka sa mga tao dito,kung satin yun maningit ka sa pila e makakatikim ka.
    pagdating sa feeling feeling sa blogsphere? sa mga comment? ala akong pakelam kung makasagasa....
    bakit kamo?di naman nila ko kilala
    kaya mag hit en run man ako
    di nila ko mahahabol nyahaha.

    ReplyDelete
  2. hahahahahaha tawa ko dun sa uutut.
    mam,una, dadaanin ko muna sa masamang tingin...
    pag di nakuha...maganda yang ideang uutot nalang ako paya lumayassya sa tabi ko nyhahahaa.

    holi trinity? hahahahaha pati pala sa blogging my holy trinity hahahahahaha,my ganun sila kaluwag na time mam?ako nga e maluwag na time ko diko pa makuhang magdalawang katauhan hahaha.

    tama ka dyan mam, di lang iba ang nakikisakay mapansin lang,ngayon yung anak naman ang gumagamit sa pangalan ng ina, hays!
    oo na nga sige na naniniwala nakong di corrupt, pero anung nagawa?at yung mga nakapaligid, yun ang mga nangurap ng husto.
    so,hindi ako kumbinsido...
    kung anu yung project na naiwan ni macoy, yun lang talaga ang meron tayo.

    ReplyDelete
  3. mabuti nga mam wala akong natapos e dahil kung hindi isa ako sa nananampal ng diploma kaliwat kanan hahahahaha.
    e sa yabang kong to, na wala namang naabot kahit anu(puno lang ng talong at kamatis)e nakukuha kong magyabang ng husto lalo pasiguro kung nakatuntong manlang ako kahit sa hagdan man lang ng colegio,e asus parang my dumaang palaging buhawi sa tabi mo nyahaha.

    ReplyDelete
  4. dito lee merong babaeng binugbog dahil sumingit sa pila. pero walang awayan katulad diyan. basta na lang binubugbog o binabaril. ngeek.

    ReplyDelete
  5. naku lee, ang mga itim dito hindi ka pwedeng makipagtinginan. sisitahin ka bakit mo siya tinitingnan.

    kaya mas maganda yong strategy noong aking kaibigan. kaya lang pati ako umaalis. hahaha

    ReplyDelete
  6. yong ibang tao kinarir na ang pagiging media specialist na nageendorso sa mga kandidato.

    Di ba nabasa mo yong ang pangalan ay ulan. Milyon ang hinihingi para sa pagcampaign sa isang kandidato.

    gustong makihati sa mga grasya pero sila ang yakitak yakitak sa pagkicriticize sa corrupt na mga opisyales.

    ReplyDelete
  7. lee,
    hindi dahil di sila corrupt ang gobyerno nila ay hindi magiging corrupt. nakita mo ba yong balita na may kaso yong BIR commissioner noong administrasyon ni Cory. Tapos yong mga sequester na mga kumpanya ay naging palabigasan ng mga opisyales nila. Doon ang tambakan ng kanilang mga alipores nila.

    Kaya pag nanalo na naman ang mga iyan, kaniya-kaniya silang hingi ng puwesto.

    ReplyDelete
  8. ang pinagtataka ko naman ay ano naman ang relevance ng mga titles sa away tungkol sa road courtesy o correct parking.

    para bang pag may titulo ka ay superior ka na sa mga tsuper na wala halos tinapos.

    ReplyDelete
  9. uhum, sinabi mo pa mam.
    diba,dilang naman yung mga kandidato ang gustong gatasan nung ulan at nung kanyang
    lier este lawyer pala(yung ksama ko kasi ang tawag sa lawyer e lier jejeje).
    milyones ang hinihingi dun sa kandidato at kasama pa sa bill yung isang relihyon na babayaran din daw???
    kaya nga yung isa pang lier este lawyer na lalaki e biglang nanahimik kasi
    nung una tinitira nya yung
    relihyon na yun,tapos
    biglang nanahimik,natakot,aba e di muna nangingilala ng kinaka bangga nya,tatahi-tahimik
    yung isang grupo ng relihyon na yun e kala nya kaya nya?e para syang bumulabog ng bahay ng putakte nyahaha.
    yun namang isang lier nung ulan este lawyer pala e yun naman ang kasama nyang gusto namang gatasan yung naka belo,santisima.

    ReplyDelete
  10. nagtayo ng mga grupo na babanat daws a mga kandidatong corrupt, yun pala mga poser lang para lang mag ingay para makagawa ng gagatasan,tingnan mo nga naman ang mga raket,e papanong
    mawawala ang mga corrupt na kandidato e
    syempre naman babawiin lang nila yung mga nakuha sa kanila,
    e di nagkalabasan kung anung mga purpose nila ng mga council council ek ek nila.

    ReplyDelete
  11. kaya ngayon mam, piesta ang mga buwayang bloggers bwahahahah.
    tamo nakakagulat ang daming mga nagsulputang mga
    blogsites na parang kabuti na puro pang kandidato...
    sisiraan tapos biglang babalimbing,alam mo ng naambunan at nasalpakan ang mga keyboard.
    hays,dami nyan mam,isa na yung uhurm,kala mong napaka straight,di pa man nila naperahan yung peperahan nila nagka gantsohan na sa ka swapangan sa mga itlog na dipa nagiging sisiw hihihi,
    ayun hiwa hiwalay na sila,
    lasog na ang kanilang council ek ek,kanya kanya nalang silang diskarte para magka kwarta,
    ah basta ako gordon pa rin kahit pa di nya ko bigyan ng hermes na bag(lalo pa kung bibigyan nya ko).
    pero yung nangmasaker ng mga
    magsasaka?sus,kahit
    sang dosenang hermes pa yan,litsi sya di nya ko kayang pabalimbingin.

    ReplyDelete
  12. grabe naman yun, dito nga kung sinu pa yung nanningit sya pa matapang hahaha.
    e kungdi nga ba naman matapang ang apog e bat maniningit.
    yan ang dahilan kaya never akong sumakay ng subway sa shanghai kahit kelan dahil
    bukod sa ayoko ng ginigitgit ako e baka sabihan pakong bumili ako ng sarili kong subway e
    masisira lang araw ko sa mga amoy nila.

    ReplyDelete
  13. nabasa ko yong isang political blog, lee, panay pa rin ang banat.

    mautak din anoh, hindi binabanggit yong manok nila. para bang walang kinalaman yon sa kulapulan ng putik. panay lang ang bira nila sa kalaban.

    mawawala kasi ang image na siya ay gentleman at hindi mahilig sa mudslinging.

    ReplyDelete
  14. sana pag sinabihan kang bumili ka ng subway, tanungin mo kung magkano. Pahihiramin kita. hehehe

    ReplyDelete
  15. hahahaha oo nga noh...
    medyo nakatin gala......
    tapos tingin sa kausap pababa pataas...
    magkano subway nyo????
    bwahahahaha!

    naku mam,alam mo naaaah,para
    nga naman di obyus,babanat
    banat muna kunyari, pupukol pukol, kunyari wala silang mga manok para di obyus, kaya naman pala walang manok e
    waiting lang,nagpapataas lang ng presyo,uhummm!
    o e kung sinu nga naman ang highest bidder e dun sila,ngayon tinitira nila,bukas wala na,
    means nabusalan...

    kaya yung 3 stooges dun sa (alam mo na) isang lugar na dun sila nag ipon e panay panay lang bira,pero kamaka maka mo e
    nagpapa charming lang pala sa mga highest bidder,ehem!

    ReplyDelete
  16. sabi nga nung kakilala ko mam, galit daw ang mga itim pag tiningnan at nginitian mo,sus!

    ReplyDelete
  17. sila kasi hindi mahilig tumingin sa tao. parang nagiging self-conscious sila na tinitingnan ang kanilang kulay at ayos.

    ReplyDelete