Monday, January 04, 2010

Brand conscious or just Gaya-gaya

Dear insansapinas,

resolution number 4. Take up a  new  old habit--bird/blogger watching--tatalunin ko si lee pagkalaitera. hehehe

Nang ang isang blogger ay bumili ng camera na ang halaga ay katumbas na ng tricycle na pwedeng ipamasada,  ang dami ring bloggers na nangarap makabili rin to the extent na nangutang para makabili ng ganoong camera. Walang masama, it is part of dreaming to own something of value. Pero naman Iska, kung mangangayayat ka lang katitipid at nagkakacollege na ang anak mo hindi mo pa tapos bayaran ang utang para you can keep up with the Joneses, itago mo na lang sa bangko ang pera para sa edukasyon ng anak kung hindi rin lang naman pagkakakitaan ang mga retrato mo na pipintasan pa ng ibang tao dahil mali ang lighting o kaya bakit mo pinagtitiyagaang retratuhin ang inosenteng caterpillar na tumatawid sa daan. (ackkk ako pala yon noong pumunta kami sa Shenadoah Park. point and shoot lang naman ang camera ko. Napakamura pero pwede nang magpakain ng 14 tao sa restaurant sa Pilipinas pag ako nagbalikbayan). Tapos ilang buwan lang may bagong model na naman.



Saan ba pupunta ang diskusyon na ito? Sa kaliwa, sa kanan o sa gitna?


Sa totoo lang, napapansin ko, ang karamihang mga consumers ay bumibili ng producto hindi dahil sa quality nito kung hindi dahil naniniwala silang ginagamit ito ng mga celebrity endorsers at mga famous bloggers kuno.


Anak naman ng pating na pinsan ng balyena, maniniwala ka ba naman na ginagamit nga ng isang celebrity endorser ang isang brand ng lampin sa kaniyang anak kahit ito ay mura. Magagasgas ang puwet ng bata.


Naniniwala ka ba naman na kumakain ng sardinas ang mga endorsers na yan? Baka amoy lang hindi pa nila matolerate. Pero bilihan ang mga consumers kasi endorsed ni (insert name) endorsed ni...(insert name).


Maniniwala ka ba naman sa endorsement ng blogger ng isang lugar na hindi pa niya napuntahan? Maniniwala ka ba naman sa bloggers na may freebies para lang iindorso ang produktong iyon? 


Uh uh.



Bakit kailangan pang sabihin ng top celebrity endorser  na "tawagan mo ako sa aking blackberry? "kung hindi gusto lang niyang malaman ng mga tao na blackberry ang kaniyang phone. Ang mga gaya-gaya naman ay hanap kaagad ng ganoong klaseng phone. Kasi gamit ni K.
Eh noong connected ako sa isang malaking distributor ng mga wireless phones. sinisale namin yan. Ang mga mabenta ay motorola na siya ring gamit namin. Pag tingin ko made in the phils. ohow.


Sa mga bloggers naman, sikat ka pag kumakain ka ng krispy kreme kasi libre yon at pinadala saiyo.Kesehodang pinakita mo ang iyong ID as journalist kuno. Eh dito naman, pangkaraniwan lang ang krispy kreme.


May nabuo kasing culture na para sikat ka kailangan kasama ka sa in-crowd. Para bang pagbumili ka ng isang brand at marami ang gumagamit, made ka na. Pag umiinom ka sa Starbucks ng mapait na kape, you're somebody. Basta ako decaf pa rin kahit sabihin pa ng asawa kong it's crap.



Ang masama pag pinagyabang ng mga bloggers ang kanilang new acquisitions at may mga bloggers na hindi kaya yong brand na yon, nagseself-pity sila. Imagine mo ang isang blogger na nasa early twenties na akala mo end of the world na dahil hindi niya mabili yong mga gadgets na nakita niya sa mga big time bloggers kuno.
Yon na lang ba ang goal niya sa buhay? One of the deadliest sins is envy. Lalo kung hindi mo mabili ang nakikita mo sa iba. At ang kasalanan ng ibang bloggers ay  sila ang dahilan ng pagkakaroon ng envy.

Parang kapitbahay na pag bumili ng mga furniture at appliances, tinityempong nasa bahay lahat ang mga kapitbahay. Di nga naman makikita ang delivery. Ohoy.


Meron namang mga Filipinang asawa ng mga foreigners na binablog nila ang kanilang mga kayamanan at biniling mga properties nila.
Ang mga batang babae tuloy na bloggers/readers ay naeencourage maghanap din ng kanilang fafa para sila rin ay magkaroon ng ganoong klaseng buhay, kesehodang pwede na nilang maging lolo ang mga naging asawa nila. May mga single mothers na nadedepressed pag nabasa ang kanilang blog dahil sila ay walang chance na magkaroon ng ganoong pamilya.

Sabagay, matagal ng practice ito. Mga mail-order brides. Pero na outlaw na ito. Kaya ang mga pinaghahanapan naman ay ang mga internet matchmaking sites. 

Ang iba ay maganda ang buhay...ang iba naman nagiging tagapag-alaga lang ng asawa nilang geriatric na.

Practical lang sila di ba. But why flaunt?  Parang pumunta ka sa lugar ng mahihirap na nakasuot ka lahat ng iyong alahases para makapagyabang na look at me now.




Aray, tinamaan ako, dahil poregner din ang ex-hubby ko. Inggit lang ba ako, Lee? sampal sa sarili. Buti pala kinuha ko yong inalok na bahay sa isang state. pukpok ng ulo. 

May nameet akong Filipina sa isang store. Palagay ko bagong dating. Amoy lupa na ang asawa na hipan mo lang siguro, tutumba na. Pero ayaw yatang pahawakin ng pera yong babae. Palagay ko sa pension na lang yon umaasa. Libre na ang caregiver niya. 


Pinaysaamerika




35 comments:

  1. haaaay...sabi nga ni amy mc donald.... this is the life!

    o diba?eto yung mga gustong gusto kong topic,buhay na buhay ang dugo ko kapagka ganitong my laitan,pintasan,buhay buhay ng ibang tao,biglang nabubuhay ang dugo kot namumula ang hasang ko...

    ganto ang masarap basahin, habang panay ang ngatnagt ng camembert cheese at lagok ng jagermeister,o diba?anu pang mahihiling mo?

    yun bang pagusapan nyo yung mga kahit na yung almusal/tanghalian/hapunan e ginawang altanghap nalang para isang kainan nalang sa isang araw para makatipid at makabili ng mga inn???
    tapos inn pa sila
    kapagka ganun,bakit kamo?aba e
    nagda diet daw sila
    at di nagtitipid.
    kaya nakatipid ng di halata,o diba.

    ReplyDelete
  2. mam, tawag ng mga ilokano sa ganyan e "agraraman" tanong mo kay mtoni hahaha,diko alam
    tagalugin hahahahaha.

    para bang ibig sabihin e sabik,ngayon lang nakatikim,
    parang ako,patay gutom na hampaslupa,hahahahah,
    understandable ok?abah abah abah, e bakit ba?e sa totoo namang di ako nakakakain ng camembert cheese nung araw,ang alam ko lang na cheese e yung eden at queso cheese bukod dun sa say cheese pag kokodakan hahahaha.

    at bakit ko naman idedespley pa mga kinakain ko?ang
    mga brand ng damit kot shoes?dina ba ko nahabag dun sa mga walang makain at ididispley ko pa?

    oh well,sabi ko nga,nagpapakahirap(asus)akong magtrabaho(ek-ek)para
    kumita ng pera,iisa ang anak ko,wala akong mga kamaganak na
    palaging nangangatok at nangungutang,so bakit diko itry yung mga nata try ng mga mayayabang este mayayaman.

    ReplyDelete
  3. pwede ba,hindi ko ididispley kung anung meron ako,
    sabihin nyo ng wala kasi ako nun kaya diko maipakita sa madla,
    mamatay ka kaka dare wala kang mapapala sakin bwahahaha.

    basta ako... haaaaaaay, kuntento akong nagbabasa at nanglalait habang ngumangabngab ng.... ay ubos na pala yung camembert cheese... teka... de puger naubos ko pala kakatipa dito,
    wala na pala akong
    mapupulutan,teka my peanut butter pa ito nalang papakin ko,
    di kaya ako magpururot neto pag ito pinulutan ko?????

    ReplyDelete
  4. ako?naaaah, di ako tetchie eh...

    blackberry?anu yun?yun ba yung
    kulay dark blue na bilog bilog na matamis tamis?yung
    ginagawa ding jam? anu namang inn sa blackberry na palaman????
    (confused).

    e anu naman yung krispy creme?alam ko lang kasi krispy pata,
    pano namang naging krispy ang creme?

    naguguluhan ako...


    bwahahahahaha!

    ReplyDelete
  5. mam,di naman sa pagyayabang,
    alam mo namang mayabang
    akot likas na sakin yun...

    my mga nanligaw din naman saking puti,perooooooooo....
    sabi dun sa kanta ni shirley bassey....
    never never never....
    no offense sa mga my fafang puti,pero im not the kind of an ideal woman na pipirmi ng bahay (o sya sya di raw stay home, working mom, at working at home din)
    ipagluluto ang asawa at di papahawakin ng pera?????????
    aba e gyera patani,maghalo ang balat nya sa balat ng chicharon!

    yung mga kebigan ko,ayun,in denial lang pero deep inside mga sising alipin,yung isa ma ek ek, happing happy daw sya nung makausap ko, sabi ko pekpek mo,ako pa ululin mo?????
    after 30secs, nahagulgol...dina tumigil kaka buga ng sama ng loob bwahahahahahahahah.

    ReplyDelete
  6. im alone...
    life is good....
    kawawa naman daw ako,kasi nagiisa
    at walang kasama sa pagtanda,
    ewan, di naman mukhang kawawa yung lowla ko at mader ko,and i believe na isa sa pinakamalakas makapagpapanget sa babae ay ang mga lalake nyahahahaha...
    kaya kaming mga babae sa lahi namin walang panget(ako lang) kasi
    puro kami mga walang lalakeng
    sakit ng ulo....

    teka, naligaw ako...nawala ako sa topic.... rewind......

    ReplyDelete
  7. hays,yung 3 kong frend na nagasawa ng puti...

    yung isa dating manager sa american club, ngayon ayun, sales clerk ng wallmart(santisima kawawang prend) sa estet...

    yung isa ayun, kahera sa isang bar,sigh,dati kong kasamahan sa south asia, department head at pautus utos lang...

    yung isa mas kawawa, inanakan ng 4,nagtatrabaho na at paguwi trabaho pa rin,walang tigil...

    ako? eto,pakuya kuyakoy, pakain kain ng camem.... ay peanut butter pala,litsi,ala rin palang ka class class ang de puger,mayabang lang.

    ReplyDelete
  8. natawa nga ako dun sa isang bragger este blogger pala,
    nakasama dun sa grupo ni tim,nakasama na maka sabit dun sa pakodakan ng black eye peas nung dumating sa pinas, aba aba aba at porket nakasama sa kodakan
    yung blackeye peas e,
    fan daw sya talaga ng mga blackeye at ang mga kanta daw ng blackeye ang gamit nya sa
    pag eeyrobik,
    akalain mo yun?
    nag eeyrobikpa pala
    ng lagay na yun????pano na kung di sya nag eeyrobik???
    mukha na syang
    backhoe sa laki????
    (juicekupu, bigla syang nag eyrobik masabi lang na paborit nya balckeye e mukha namang pinto ng taxi sa lapad yung katawan nya)
    bwahahahahaha!

    ReplyDelete
  9. sabi nung boss ko, yun
    daw mga DOM na diborsyado na ang inaasahan nalang e pensyon,
    wala ng papatol na
    kalahi kaya pupunta ng asia o kaya
    sa chatting at dun
    maninilo ng mga inosente(at tanga)na asian na akala e
    porke puti e mapera,juskupu,maniwala ka mam,lahat ng
    kilala kong puti kahit anung lahi pa man yan,puro tikom ang
    kamay(kuripot)at
    walang sinabi sa mga asian sa pagka galante,kaya
    kung papatol din lang ako?
    helloooooooooow,dun
    ako sa asian.

    ReplyDelete
  10. ay...oo nga pala... maalala ko, porenjer nga pala ex mo mam,
    (kunyari di alam matapos manlait)
    kuripot ba?(sabay ilag)
    nyahahahahaha

    ReplyDelete
  11. lee,
    ang pinakamasarap daw gawin ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Magsa board room at mga beauty parlor ng mga alta sosyedad at sa palengke, sa labahan sa probinsiya, yan ang dugong nagpapatakbo sa buhay.

    ako rin may nginangatngat, sunflower kernel na sinasabayan ko ng honeydew.

    ReplyDelete
  12. lee,
    tatlong klase ang tao pag nanggaling sa hirap. isa yong magyayabang kung ano na ang inabot nila at ang isa ay tutulong sa mga mahihirap dahil naranasan din nila iyon.

    at ang isa ang pagiging sensitive sa feelings ng ibang taong walang kakayahang maabot ang kalagayang iyon.

    parang sinaksak mo ng patalim ang sugat nila.

    ang drama ko naman.

    ReplyDelete
  13. pwede mo namang magblog na bumili ka ng brand na iyon dahil you are after quality pero kung magbablog ka lang naman para amgyabang. huwag na lang. pero ang iba naman kasi freebie lang ang mgayon at promotion yong blog nila.

    ReplyDelete
  14. lee,
    pareho tayo. sa akin ang paniniwala ko equal lang kami.

    hindi rin ako stay-at-home- at kita ko kita ko. kita niya, kita ko rin. waahahahah

    ReplyDelete
  15. kirspy kreme, dough nut yon na ang tamis tamis at iba-ibag kulay.

    noon kasi pinapromote yan sa mga bloggers. kaya halos lahat ng blogs merong promotion ng krispy kreme. pag hindi ka pinadlhan, ibig sabihin pipitsugin kang blogger.

    ReplyDelete
  16. ang mga intention naman ng matatandang lalaki 9filipino o foreigner ay para magkaroon ng companion pag tanda. Tapos later sila na ang binubuhay.

    ReplyDelete
  17. lee,
    oo poregner yong ex ko. matipid siya sa sarili niya pero sa akin hindi.

    hindi ako nanghingi ng kahit isang sentimo sa kaniya. dahil dolyar ang ibinigay sa akin.

    ano ako barya-barya. pero bago niya ako napapangasawa ay "made" na ako.

    hindi ako naghanap ng fafa para buhayin ako. talgang sa beauty ko rin bumagsak.

    BAKIT BIGLAng namatay ang ilaw. hek hek hek

    ReplyDelete
  18. mam, hinahanap ko kasalukuyan kung san ako dun sa 3 categories na nggaling sa hirap,
    kasi kahit naman ngayon considered parin naman na mahirap ako e hahahahahaha unless...
    negosyante nakot dina kelangan magpaalipin(singhot)sa
    mga banyaga(singa)para lang kumita ng kakarampot pambili ng
    camembert,ham,margarita,black/white russian (self pitty) at magdildil ng sushi,steak,lasagna(hikbi)
    ang cheap ng tinitira ko diba?
    pero promise,pag yaman ko,
    magpapalitson ako ng 8 bloggers na mahilig magpa sosyal/freebies/magpabayad,tapos
    ipapakain ko sa mga bwayang politicians bwahahahaha.

    ReplyDelete
  19. ahahaha yan, ganyan ang tunay na wais gyud,di tumatanggap ng barya barya,ang lagay
    e sasayangin mo ang byuti mo sa barya? nyahahah

    ReplyDelete
  20. mismo mam...
    baket kung magisa?
    yung mga nagasawa din naman
    diba nagisa din sila
    bandang huli?papahirapan pako pagalaga sa kanila?
    in that case,selfish ako,mas
    mahal ko sarili ko kesa kanila,kaanu anu ko ba sila?jejeje

    ReplyDelete
  21. nung di ako masyadong busy mam,pinlano ko magopen ng blog na tungkol sa brand,tips ng good quality ng mga binibili nilang apparels para naman sulit yung pinambili nila,kung anung
    trend, at yung mga trends na lalabas for the next season,
    yung mga fashion na next year pa lalabas, yung mga brand na my quality kahit medto mahal,
    yung una nilang titingnan kapag hinawakan o tiningnan palang nila yung apparel,kung
    bagay ba sa kanila,o magmumukha silang kalabasang
    dinamitan...
    kaya lang it takes time din,mabusisi ng konti at dapat matyaga akong magpost,kaso naisip ko,cheh,anu bang mapapala ko?nyahahahaha.

    nagstart kasi yun nung minsang my nanlait sakin ng pasimple lang,kita mo yung pitchur kong naka tops and bottom e printed?
    actually diko naman kelangan magpaliwanag bat ako my suot na ganun hahahaha.
    i know,baduy pagternuhin ang both printed tops and bottom,
    experiment yun kasi yung tops
    ako ang gumawa ng pattern tapos ginawa nung taga factory,
    yung overlap na skirt
    galing sa frend kong my boutique sa india na pinamarali
    sakin yung pinaka dying nya e di chemical o pintura,
    yung pang dye na ginamit e from vegetable,mostly from the onion skin,oha diba?

    so nakatuwaan kong isukat at magpakodak,ang
    mga indian the more na makulay at ma printed,da more
    gusto nila,yun bang mabulag bulag ka sa kulay hahahahaha.

    lubus lubusin ko na pagyayabang,nag hit naman yung suot ko,pati yung tops hiningi nyat ginawang damit ng manequin nya.
    (teka,anu na nga ang category ko dun sa 3 na mahirap na nakatikim ng konti? nyahahahahaha)

    ReplyDelete
  22. mam, yan ang dahilan kaya ako solo flight(since i was 28)....
    wala sa bokabularyo ko ang bumuhay/magpakain ng asawang inutil,
    sory,tabi tabi sa mga
    kabarong matapang ang sikmurang magpakain ng asawang inutil,pero di ako ang klase ng babaeng papaalipin sa lawet nyahahahahaa....
    oooooops! hahahahahaha!

    ReplyDelete
  23. lee,
    pagnagpalitson ka. sagot ko ang drinks.

    Sabihin mo lang at ipagbubukas ko sila ng pinto at bintana.

    Ano bale, paiinumin ko sila ng chablis at cabernet?

    pareho pala tayong dinidildil.

    wala ka bang napapansin. may nambabato na sa atin.

    baka mamaya lagyan na tayo ng strait jacket. basta magkuwarto pa rin tayo ha. promise.

    si biyaya ang ating abugado,

    ReplyDelete
  24. le,
    hindi siguro ako yong marrying kind din.

    magtayo ng assosayon ni silver.

    Asosasyon ng Walang Asawa. AWA. Hindi ko alam si biyay kung makatali, itatali o dating nakatali.

    ReplyDelete
  25. ikaw nga ay maykarapatang magblog tungkol sa garments at fashion. dahil ikaw mismo ang nasa industry.

    kaya lang masyadong demanding nga.

    mas masarap yong namimintas.

    ReplyDelete
  26. may nambabato na ba?
    diko pa naramdaman, o dahil makapal nalang ang balat ko, hahaha

    sana bigyan tayo ng discount ni biyay no?ilang percent kaya ibibigay satin?
    kung sakalit malakas yung kalaban natin,pwede naman
    tayong magplead ng insanity diba?

    pwede kayang magbitbit ng laptop sa kalaboso/mantal para tuloy parin ang pamimintas natin online?malay mo di tayo magksama sa loob ng room e tuloy pa rin ang laitan galore.
    anu nga kaya magtayo tayo ng asosasyon?
    tapos sa opening magpalitson tayo ng atleast 5 braggers... ikaw naman sasagiot kamo sa wine diba?
    invited ba mga clones at trolls?

    ReplyDelete
  27. hindi mo nararamdaman kasi ang kapal ng suot mo. balita ko binibira kayo ng snow diyan. kagabi naman di ako makatayo sa bed. ang lamig. pinakamalamig daw kagabi. nakaheater na kami, dalawa na ang aking blanket.

    binibigyan pa ako ng heating pad ng kapatid ko. samantalang siya, naka t shirt lang.

    malapit na pala ang check-in ko sa mental. magpapacheck up ako kung maybabawasin, dadagdagan o may gugupitin.

    Sa Friday na yon.

    Di bale, bigyan mo lang ako ng three days, makakapuslit na ako kung saan mayroong computer.

    ReplyDelete
  28. grabe dito din lamig mam,4 na yung suot kong thermal pwedra pa yung outer at dipa kasama yung down jacket, mukha nakong bola from outer space nilalamig parin ako sigh.
    aba e tyamang tama, mawawala din ako e sasabay nako sayo magpa check up,palagay koy may sisikipan na lumuwag,diko lang malaman kung ilang turnilyo yung lumuwag.

    ReplyDelete
  29. oo nga pala, ikaw rin. bakit ba nakikisabay ka sa akin. hahahah

    pagbalik siguro natin, matino na ang ating mga utak o mas masahol pa.

    ReplyDelete
  30. naalala ko tuloy si mader ko dyan sa ipagbubukas ng bintana at ipaghahanda daw ng dos por dos hahaha.

    ReplyDelete
  31. sige, sama nyo ako sa AWA. nakakainis lang na tinatanong ako ng mga tao na hindi ko close kung bakit till now e dalaga pa ako. paki ba nila. pwede bang mag-pass ang congress ng bill na pwede mo upakan ang sino mang di mo close na magtatanong ng personal questions at mag-expect ng sagot? grrr....

    camembert-camembert ka jan lee ha. e kung maglagay kaya ako sa harap mo ng isang platong sinangag at tuyo tapos may kamatis na nilagyan ng toyo? tapos ala pang kutsara't tinidor sa tabi mo? bibigay ka ba? hmm?

    ReplyDelete
  32. biyay,
    diyan pag wala kang asawa, either bakla ka lesbian.

    dito kahit gay at lesbian, may asawa at karelasyon. tingnan mo yong namatay na heiress ng J & J.

    ReplyDelete
  33. biyay,
    bibigay yan, lagyan mo ng tuba.

    ako itataas ko pa ang isa kong paa. hahaha

    ReplyDelete
  34. biyay, pwedeng kumanta muna???

    o tuksooooooo, layuan mo akooooooo.....

    tapos nakataas pa ang isang paa,
    teka huhugas lang ako ng kamay,
    at bubuksan ko na muna tong sinturon kot ng malayang makadaloy yung kakainin ko hanghang paa, haaaaaay...
    ito ang tinatawag na LIFE!

    ReplyDelete
  35. biyay, kahit pa ka close ko, diko tinatanong ng mga ganyang tanong....
    baka walang matira sa mga kebigan ko hahahahahaha.

    yung tiyahin ko tinanong ko, kako, aunti,ilang taon ka na nga?
    sagot sakin "tangnamorin"

    yung BFF ko nung tinanong ko ng kelan mo plan magasawa?
    sagot sakin "punyetaka maglimutan na tayo"

    yung isang frend ko iniwanan ko ng message sa friendster ng "kelan ang kasal" dinilete ako sa frendster nya.

    kaya ikaw biyay dika namin tatanungin ng ganun,sayang din yung membership mo dun sa itatayo ni mam cat na assosasyon diba?

    ReplyDelete