Dear insansapinas,
Isa sa mga hobbies ko bilang frustrated detective ay manood ng mga shoplifter sa mga stores. Weird. Kuwento ko later.
ELECTRONIC ARTICLE SURVEILLANCE
A few weeks ago, may binili akong mumurahing shades sa isang retail outlet. Mumurahin na hindi pagtitiyagaang hablutin naman ng mga magnanakaw ng designer colored glasses. Sasabihin pa na ang cheap mo. Yon pala kahit ganoon kamura, paborito ng shoplifter yon.
Paglabas ko sa EXIT, biglang kumalembang ang alarm. Dalawang house detectives ang lumapit sa akin. HINDI PO, HINDI PO AKO ANG PUMATAY KAY RIZAL. Depuger (dapat ipacopyright ni Lee ito), hindi pala nadeactivate yong EAS tag.
Ang idea ko kasi ng EAS (Electronic Article Surveillance) ay yong reusable na malaking tag na inilalagay nila sa article para pag ninakaw ang bagay na iyon ay magtatarang ang alarm sa pinto ng store. HULI Ka. Pag check-in mo sa cash register, inaalis nila ito. Ngayon pala ay paliit ng paliit yon na kahit maliit na items ay nalalagyan na.Hindi na kailangang alisin kasi kung minsan na sa price tag. Deactivate na lang.
Ang problema, kulang sa training o kaya nakalimutan ng sales associate i-deactivate ang EAS na nakalagay doon sa parte ng salamin na ipinapatong sa ilong.Polite naman ang mga detectives kaya di ko isinampal ang aking recibo. Nahirapan pa akong alisin ang tag pagdating sa bahay. Balak kong suotin sana kahit nandoon yong EAS tag, buti may nakita akong fliers. mwehehehe
Eh alam naman ninyo na kukunti ang sales associates dito, hindi kagaya sa Pinas na pagpasok mo sa tindahan sa mall, makakatisod ka ng isa bawa't per square inch. Susundan ka pa.
Ang mga shoplifters dito karamihan organized crime. Huwag mong ignorin ang magaganda ang mga suot kasi kung minsan yan ang mga shoplifters.
Sa SF, kung mauupo ka sa isang fastfood outlet doon, may makikita kang mga mukhang society matron ng mga Pinay at may dala-dala silang mga shopping bags. Hindi po sila shoplifters. Sila bumibili ng mga nasashoplift kagaya ng mamahaling bag, pabango, costume jewelry at iba pang bling bling. Yon ang pinadadala naman nila sa Pinas.
Ang advice sa akin ng aking kaopisina noon huwag akong makialam kahit may nakita akong mga shoplifters kasi merong mga nakatagong mga house detectives sa mga tindahan. Akala mo mga shoppers din. Hindi nila hahabulin ang shoplifter pero naka"bookmark" na ang mukha nila sa security.
Kasi minsan, may nakita akong shoplifter sa GAP, hindi talaga siya sa shoplifter, magnanakaw talaga kasi kinuha niya ang nagpatung-patong na mga sweater sa display rack ng tindahan tapos tumakbo sa labas at gumamit ng skateboard. Ang pakialamera ko, sinumbong ko sa manager, nagthank you sila. Yon pala talagang hindi nila hahabulin ang mga ganong mga magnanakaw. Ayaw nilang i-risk ang buhay ng kanilang mga empleyado. May surveillance camera naman na ngayon ang taway ay smart camera dahil pag may hinalang shoplifter o may nagalaw sa mga items na nasa display, tutuk ang camera.
Pati naman ang mga shopping cart ay detective na rin. Dati kasi, pupunuin ng shopper ang cart pagkatapos, biglang itatakbo.
Ngayon hindi mo pwedeng palampasin ang cart sa labas ng parking area. Naglalock ang gulong pagdating sa may guhit. Akala ko noong una sira Panay palit ko ng shopping cart. (slap forehead, tanga ko talaga). Meron pa rin sigurong nakakalusot kasi sa mall malapit sa amin, yong mismong mga shopping cart ang ninakaw. Kaya ngayon nasa loob lahat ang cart. Sus.
Ang isa pang klaseng theft sa tindahan ay ang employed theft. Kakutsaba ang empleyado. May mga items na hindi chinacharge tapos hati sila sa napagbilhan. May mga items naman na ilang beses sinusuli. Kakutsaba kung minsan ang mga sales associate.
Ngayon ineexpect nila na mas maraming shoplifters dahil sa recession kaya may bagong technology na ginagamit ang mga tindahan. Hindi nila aaminin na may RFID monitoring na sila kasi may issue doon ng privacy.
Ang mga shoplifters ay hindi lang ang stores ang ninakawan kung hindi pati ang mga customers kasi ipinapasa sa kanila ang costs ng additional security at ang mga losses sa theft.
Di ba naikwento ko sainyo yong anak ng kaibigan ko na at the age of 2, nagsasahoplift na. Hanggang ngayon daw pag may nagustuhang laruan, minsan dinadampot na lang. Sa mga maliliit na laruan, nakakalusot pero yong malalaki, napipilitang magbayad ng kaibigan ko.
Meron din akong naging boss noon na Filipina. May kaya naman pero nagsashoplift pa rin. Hindi naman siya klepto.
Sabi niya deprived lang daw siya noong bata siya. Sus kung lahat ng "deprived' ay magnanakaw, walang matitira sa tindahan.
Sana may natutuhan kayo sa article na ito. Sandali, makapunta sa mall at makahanap ng shoplifters. Pakialamera talaga.
Pinaysaamerika
hahaha kala ko mam sasabihin mo, hala makapag shoplift na rin.
ReplyDeleteyung BFF ko dito na pinay chinese pero walang dugong pinoy,sila ang supplier ng gaysano,sm,robinsons at kung anu anu pang malalaking malls sa pinas,sila din naman meron.
ang shoplifters pala e dimo pwedeng hulihin hanggat nasa loob ng supermarket or outlet,kahit pa ibulsa nya ng ibulsa at isalpak sa bag ang mga nakulimbat nya at kahit ipasom pa sa loob ng damit nya e dimo pwedeng hulihin,pwede pa raw sabihin nung shoplifter na e sa ganun ako mamili e anung paki mo?
kaya papanoorin nalang nilat susundan.
para naman palang patintero,my base sila.
pag nakalabas sila sa base at saka sila hahabulin at huhulihin.
ang mga shoplifters daw ay di lumalakad ng nagiisa,atleast 10 sila sa grupo,yung iba nglilito lang.
sa mga supermarket daw at grocery ay napakaliit ng tinutubo ng mga negosyante,kaya pag sila nanakawan ng sunud sunod lugi na kagad.
sa isang lakaran daw e libo bawat isa kayang bumitbit.
mga mamahalin ang kukunin, shampoo, deodorant, pabango, basta mahal na madaling isiksik.
sindikato ang bumibili
nung mga nakaw at pagtapos ibebenta ulit sa mga grocery at supermarkets.
itlog nalang kaya ibisnes ko, siguro naman di maaatim nung shoplifter na isakisak sa bra o pantalon nya yung itlog.
kahit sa mga apparels mam, yung maliit at makitid na sucurity tag na sticker e ipinapasok sa loob ng care labels kaya akala nung ibang mamimili e wash care labels lang yun,pagdating sa kahera saka yung madidi activate.
ReplyDeleteyung iba namang shoplifters e sakit nalang talaga,kahit walang value basta nakakatihan ng kamay e namamagnet.
kaya pag napunta ka ng supermarket,napakadaming nakatabi sa gilid na cart punung puno ng laman pero iniwanan, yun yung mga shoplifters na nagkukunwang namimili din pero panay panay na pala ang ipit.
kaya pag nakakita ako ng ganun patay malisya lang ako.
lee,
ReplyDeletekaya pala noong minsan sa grocery sa amin ay may spill sa isang aisle, walang lumalapit para linisin pero yong manager panay ang libot.
siguro dahil isa sa mga distractions yon na ginagawa ng mga shoplifters.
meron akong napanood na paghuli ng shoplifters sa SF. Malakas ang ulan kaya ang mga taong nagshopping ay naghihintay ng kanilang mga kotse na kinuha ng kasama nila.
ReplyDeletekami naman noong kasama ko kasalukuyang nilalagay namin ang baby niya sa loob ng shopping bag (hindi namin shinoplift, wala kaming dalang payong at ayaw namin siyang mabasa) nang makita namin ang grupo ng mga itim (hindi ko alam kong pamilya), sinita ng housre detectives.
Ang mga pinamili lang naman nila ay mga toilet papers at nasa sa shopping cart. yong pala ang daming naibulsang mga relos, at iba-iba pa.
hindi ko alam kung anong nangyari, inwinan na namin.
ang daming retail outlet noon sa SF ang nagsasara dahil sa mga shoplifters. kaya pala yong isang store na nagtitinda ng mga jacket ng lalaki, alternate ang pagkakasabit ng nakataling hanger para hindi mabitbit ng mga shoplifters sa isang hilahan lang.
salamat sa information tungkol sa damit. i'll take note of that next time nagshopping ako. hehehe
ReplyDeleteyon namang boss namin kaya pala walang sumamang magshopping kasi yon pala ang kaniyang masamang bisyo. minsan kahit susi lang hindi pa binabayaran.
yong namang mga damit niya panay ang balik. isang suot, balik, bili na naman.
kung anong pangit ng mukha niya, yon din ang pangit na ugali. hindi ako nagtagal doon siguro three months lang ako.
sayang ang asawa niya ay mabait ay may mataas na latungkulan sa isang bangko, siya naman ay may negosyo pero lahat gusto niya makalamang.
ngayon sa bahay na lang siya pagkatapos niyang makulong ng ilang taon. tssk tssk.
hahahaha mam sabi nila, kung sinu yung mga pangit sya pa masasamang ugali, at nasa mga pangit na tao ang pangit na ugali hahahaha...
ReplyDeletetoink! aray, bat parang my bumato sakin?
yan ang palaging sinasabi ng lowla ko,pag pangit ka dapat low profile ka lang,ngek, e kung nagpaka low profile ako ng husto e
lalo na kong kawawa, panget na nga ako e low pa ngek ngek ngek.
may mga taong nasa kanila na nga ang magandang kapalaran e sinasayang pa, ayun tuloy pag nawala na sa kanila e mga mukha namang kawawa.
diba si lucy na asawa ni richard e nabalitang ganyan din? galing yun sa mayamang pamilya at ng dahil lang sa isang mumu na accessories e nahuli ng camera pa, binawi lang yung news na yun kapalit ng isang "favor" from goma kaya dina kumalat at lumabas na lang na chika chika lang.
magnanakaw na rin lang ako e sisiguruhin kong dun sa ninakaw ko e yayaman ako ng husto at pwede na kong magretired, tingnan mo yung nabalitang pinay na tambunting na katagal na palang nagnanakaw ng gold at kung ilang milyon na ang nanakaw, nakakulong naba?
aanhin nya yung ninakaw nya kung mabubulok lang sya sa kulungan?
nabalitaan ko nga yong kay lucy. pero pinatay nila ang istorya. totoo kaya?
ReplyDeletelee,
ReplyDeleteako nakailag sa bato. binuksan ko yong payong.
hahaha
walang balita eh. matagal din ang court trial niyan.
ReplyDeletetingnan mo yong paring naparusahn sa pagmalverse ng pera ng parish, may apat na taon din.
hinihintay ko yong kaso ng dating ambassador na nang-api ng Filipina.
talamak din ang shoplifting dito sa isang grocery. kahit may bantay na ang kada aisle, nananakawan pa rin. to the point na yung mga lata ng gatas, nilagyan ng net. mahal kasi e. kung bibili ka ng gatas, ipapaalis mo muna yung net.
ReplyDeletemeron akong classmate noon, nahuli daw nag-shoplift. yung ninakaw? goya chocolate. toink.
biyay,
ReplyDeletemadali kasing ibulsa ang lata ng gatas. pag hinabol koa pwede mo pang ibato. toink.
siguro chocolate monster siya.
buti hindi niya sinabing nakalimutan lang niyang bayaran kagaya ng anak ni aiai.
ReplyDeletemam, diko yata nabalitaan yung ambasador na ng api ng filipina.
ReplyDeletekaya nga yung maliliit na items dun na nakalagay katabi ng kahera diba kasi yun ang madaling ibulsa, yung mga gatas ng bata mamahal kaya naka eskaparate din at malapit sa kahera.
ReplyDeleteyong yong ambassador na ginawang nanny yong nars. Nagbayad ng kalahating milyon yong nurse. Ang ginamit yata ay yong privilege na pwedeng magdala ng katulong ang mga nasa embassy at consulate.
ReplyDeletepinagbibili nila ang visa na yan.
tapos pinagytabaho ng 16 hours yong babae, hinahayaang batukan ng apo ng ambassador at pinatutulog sa basement.maliit pa ang sweldo.
hindi na diyan nababalita dahil censored.
last balita ay wala siyang immunity.
may consil din sa sf na naparusahan sa ganiyang kasalanan.