Friday, December 11, 2009

SUBWAY STORIES - KALOKA MOMENTS

Dear insansapinas,
Sa San Francisco, ang aking mode of transportation ay BMW. Hindi yong kotse, Silly. Yong ang abbreviation namin sa BART (Bay Area Rapid Transport whatever, subway, highway at overway namin. Namin daw oh.
Ang M naman ay para sa MUNI na dapat marunong ka ng balancing act dahil hindi ka pa man nakakaupo, harurot na ang bus na nakakabit sa koryente. Ang W ay walk. Kailangan magaling ka sa lakaran sa SF downtown dahil ang BART ay hanggang Powell Street lang. Kahit saang direksiyon ang punta, paitaas ang lakad..(streets of San Francisco, remember?).


Enjoy namang sumakay sa BART lalo kung malayo ang pupuntahan mo, malilibang ka. Kung hanggang downtown lang ,wala masyado kasi punuan lalo pag rush hour.


Ang paborito ko ay mga babaeng nagmemake-up. Hindi ko alam sa Japan, uso rin pala ito.
All photos from here



It is impolite to stare pero kung wala kang magawa at gusto mo talagang makita ang metamorphosis ni Cinderella, papanoorin mo ang babaeng nagmemake-up.


Meron akong nakasabay noon na ang pagpasok sa tren ay titingnan mo ang sahig at baka nahulog niya ang kaniyang kilay. No kidding, wala siyang kilay. Siyempre inahit anoh. Siya yong, nagising siguro ng alarm clock,  parang nagulat na alas siyete na, nagmumog at naghilamos, takbo na sa trabaho.



Pag-upo niya sa harap ko, tiningnan ko siya mula buhok hanggang dibdib. Ang kaniyang kutis ay parang kamote na may bukbok. (Aray, walangbatukan, isa sa mga hobbies ko yan ang mamintas. biglang tinakpan ang salamin). Ang kaniyang eyebags ay mga dalawang kilo, walang tawaran.


Nagsimula siyang magmake-up. Foundation, pantago sa mga bukbok sa mukha, tapos pressed powder. Pag ngiwi niya, ngiwi din ako. Ayos ang kutis, parang dingding na may mold at pininturahan para itago. 


Tapos ay nagguhit ng kilay. Alellulia, meron pala siyang kilay. Medyo tabingi ang pagkakaguhit. Tiningnan ko ang katabi niya. Isang Asian. Tatoo ang kilay na minarder siguro noong nagtattoo. Para siyang palaging gulat. Kulang na lang lagyan mo ng caption ang mukha niya. WHAT ?


Yong sa babae, yong kanan, medyo nakataas para bang palagi siyang nagsasabi ng OH REALLY?


Sunod niya ay ang kaniyang mata. Bakit kaya hindi natutusok ang mata nila noong eye pencil. Dasal ko huwag sanang biglang magbreak ang tren.


Sumunod ay ang lash curler at lash enhancer. Humaba ang kaniyang pilik-mata.   Nagmumukha na siyang tao. (sampal ang sarili).



Ang huli ay ang lipstick. Pinangiti niya ang kaniyang labi habang pinipinturahan niya ng lip brush. Nangingiti rin ako.



Huminto ang tren sa Powell. Tapos din siya ng pagme-make-up. Ang galing ng timing niya. Lumabas ako, pinagpag ko ang aking coat at iniling ko ang aking ulo. Napagod sa kapapanood. Sa isip ko see you tomorrow.


Cell phones




Noong hindi pa uso ang cell phones, ang aking kinaiinisan sa BART ay ang dalawang singkit na nag-uusap. Magkatabi sila pero nagsisigawan. Para ngang may amplifier ang kanilang throats. Ang naiinis ako ay hindi ko maintindihan ang pinagtsisismisan nila. Alam kong tsismis yon  kasi ang mata nila ay bumibilog, ang labi nila ay ngumingiwi at siguro pag namimintas sila ay hagalpakan sila ng tawa. Ang isa katabi ko; ang isa sa harapan ko. Parang gusto kong buksan ang aking payong. Medyo may ambon.



Ngayon naman ay ang mga may cell phone. Ewan ko ba naman pero minsan kasi ang tenga ng tao lumalaki pag nakakarinig ng mga tsismisan ng nakikipag-usap sa phone. Ang iba naman kasi ang lakas makipag-usap sa cell phone. Meron ngang novel si Patterson na yong serial killer, pinatay yong babae na maingay na nakikipag-usap sa cell  phone niya. Wala lang, naingayan lang siya.



Nang mauso ang ear phone at  blue tooth, naging paranoid ako. May katabi akong nagsasalita, wala namang  kausap. Kaya ang tanong ko. ARE YOU TALKING TO ME?

Diver


Ito ang mga paborito ko. Yon bang sasara na lang ang pinto ng tren, dadive pa. Minsan may lalaking ganoon ang ginawa. Ipit siya. Kailangang tulungan siyang makaalis para sumara ang pinto. Noong maalis, nagbow pa. Gusto kong batukan. BP 150/90.


Pinaysaamerika

21 comments:

  1. hahahaha.
    dito sa shanghai, minsan lang ako nag subway, palagi ako naka taxi pag nasa shanghai, ayoko sa subway, maraming reason kung bakit ayaw ko, and besides bakit ako magtitipid? e company naman magbabayad?
    nakasakay lang ako sa subway dahil malakas ang ulan wala kaming makuhang taxi papunta kaming ikea that time, isinumpa kong dina ko sasakay ng subway.
    grabe,walang gustong mag give way, yung mga gustong pumasok walang pakelam sa mga lumalabas kaya magsasara na yung tren e yung lalabas maiiwan kaya
    ang sistema balyahan at sapakang umaatikabo para makadaan lang hahaha.
    ang baho sa loob, mabibingi ka sa sabay sabay naguusap magkaharap at sa celphone nagsisigawan parang mga isang kilometro ang layo sa isat isa,wala naman akong nakitang nagmemek-up hahaha at di nya magagawang magmek-up sa dami at siksikan ng tao.

    ReplyDelete
  2. hhahaha kung tayo pala magkasama at ganyan ang eksena, walang tigil na tawanan at alipustahan ang mangyayari hahaha.

    ReplyDelete
  3. lee,
    malinis ang subway sa SF. bawal din ang maraming tao. hindi sasara ang pinto. Sa japan merong taong ang trabaho ay ibalya sa loob ng tren ang mga tao para sumara ang pinto.

    malinis din ang mga stations except siguro sa one or two stations. kasi ang mga sumasakay mga working class naman na may sasakyan. park and ride sila. mahal kasi ang parking sa SF.

    ang mga puti tahimik sa loob ng tren. either nagbabasa ng diyaryo o ng libro. Yong mga Asyano ang maingay. Ang mga Pinoy naman hindi masyado. Mga demure sila. Ang mga itim hindi masyadong sumasakay doon. Mas preferred nila ang bus.

    sa labas ng SF, nakakotse ang mga tao kasi ang mga bus naman ay may oras.

    ReplyDelete
  4. lee,
    siguro tayo hindi man mag-usap, naglalaro at naghahigh five ang ating utak. hahaha

    ReplyDelete
  5. sa manila, ayaw ko na sumakay sa mrt. last akong sumakay dun, grabe siksikan ng tao kahit lagpas na ng oras ng pagpasok sa opisina. mukhang wala na rin yung rule na mga babae ang sa first two coaches. kung di man lang ako nagmamadali sa manila, mas preferred ko yung buses, lalo na pag feeling ng driver e solo nya yung kalsada. parang lumilipad eh.

    kami naman ng isang friend ko, ang hilig namin e gumawa ng tsismis in public places. once, nakasakay kami sa elevator. may pumasok na mga babae. habang paakyat kami, tinanong ko yung friend ko: "so, anong sinabi ng parents mo nung sinabi mong bakla ka?".

    ReplyDelete
  6. sinabi mo pa mam, siguro panay panay ikot ng mga mata natin hahaha.

    dito din naman mam malinis ang subway,nakakalito lang daming lipat lipat tapos hahaba at lalayo ng nilalakad sa transfer grabe, di gaya sa hongkong na derecho lang.

    pero isa lang ang bilib ako sa mga tao dito, di gaya satin na sobrang iinit ng ulo ng tao, sa pilahan pag sumingit ka patay ka,namura kana nahiyawan kapa, e dito pag my naningit wala lang dilang kikibo yung siningitan, minsan bubulung bulong lang,kakapal mga tao dito e pero di naman gaya satin na nakakatakot ang mga tao
    ang tatapang grabe.
    sa kalsada din, minsan my kumat samin, wala lang bubulong bulong lang yung driver,sisigaw magmumura pero nakasara bintana ikaw ang mabibingi.

    ReplyDelete
  7. nyahahaha Biyay ka talaga hahaha buti hindi nalaglag sa upuan yung kebigan mo hahaha kung binata pala yun di makakabingwit ng kasintahan.

    ReplyDelete
  8. kahit sa pinas ayokong sumakay sa mrt, ang hirap grabe dami ng tao at tulakan diko kakayanin at mawawalan akong pasensya
    mapapaaway ako tiyak at tiyak din namang sasabihan ako nung makakaaway ko na "kung ayaw mong magitgit magtaxi ka" hahaha

    ReplyDelete
  9. biyay,
    muntik na akong masamid sa iniinom kong buko juice.

    pag tayo sa elevator at may kasama tayo sa elevator, itatanong ko kung ilan na ang napatay mo. ngiiii.

    hahahha

    ReplyDelete
  10. lee,
    grad ng PMA yon. Alam mo naman sa PMA, mistah, mistah sila.

    hindi siya bati ng kuya ko kasi sabay silang lumaki pero kung gaano naman kainis ang kapatid ko sa corruption na magdidildil na lang siya ng pork chop,yong naman ang balitang corrupt siya. Nadiyaryo pa nga siya at naimbestigahan. Hindi si Garcia, tungkol sa Mindanao din.

    ReplyDelete
  11. hahahahaha mam, baka pag tinanong mo ng ganun si biyay e biglang mag panic mga tao sa loob ng elevator hahaha pero ako ang my tipong kriminal ang itchura pag nakita mo ko mam e hahahahahaha.

    ReplyDelete
  12. hindi ako nakasakay sa mrt noong nandiyan ako kasi ang aking route naman ay malayo sa daanan niyan except La salle na pinupuntahan ko naman, sakay ako ng jeep, iniiwanan ko ang kotse sa isang compound ng university. kasi pag sa mrt ka sumakay, lalampas ka.

    dito ang mga tao sanay sa pila.
    kasi pag di ka pumila at singit ka, sasabihan ka ng mga tao.

    meron nga sa balita noong babae, binaril dahil sumingit lang sa pila. mas nakakatakot anoh?

    ReplyDelete
  13. ngeee, naningit sa pila binaril, ganyan kaiinit ang ulo ng mga tao hahaha ako pag my naningit sakin sasabihan ko lang ng "dimo ko nakita?naliliitan ka sakin?" hahaha.

    ako naman madalas kasi ako nagiisa kahit dyan sa pinas pag lalakad e nagsosolo palagi,kaya madalas akong mag tripping lalo my mga tao.
    nung araw pag kinausap mo sarili mo e maglalayuan ang mga tao sayo,alam mo na kung bakit, ngayon balewala lang,di ka papansinin,
    kaso hahanapin asan yung wireless mo nakakabit hahaha.
    kahit sa mall, bigla bigla nalang magugulat yung naglalakad o katabi ko kasi kundi bigla akong magsasalita e bigla akong tatawa hahahaha,
    aba e ang hirap magisa ka lang tapos boring pa e sila my kausap ako wala,mag pretend nga rin ng my kausap sa wireless.

    ReplyDelete
  14. dito naman sa DC metro, malilito ka kung saan ka aakyat para makuha mo yong tren kung saan ka pupunta. Sala-salabid ang mga linya.

    meron ding mga sira ang ulo na ilalagay nila ang bag sa upuan para di ka makaupo. tapos ignore sila.

    minsan iniimagine ko na may bola akong apoy at ibinabato ko sa kanila.

    ReplyDelete
  15. eh alam mo naman dito, walang masydong drama ,bigla na lang ngwwala.

    kahit sa kotse pag ikaw ay nang -oovertake, yong iba nambabaril na lang ng walang abiso.

    kaya dito hindi kami nang sisita ng mga taon sa tren na kung umasta ay nabili nila ang isang upuan. baka bilang tumayo at bigla na lang mambugbog.

    ang only recourse noon ay isumbong sa BART police. kung mainit din ang ulo ng police kagaya noong sa balita na inumpog yong ulo ng pasaherong sa salamin (basag) bahala sila.

    ReplyDelete
  16. kita ko nga yung video nung bitbit nung pulis yung lalaki derecho sa salamin kala ko ihuhulog pa e hahaha

    ReplyDelete
  17. lee,
    may naglilibot kasi sa BART na dalawang police at a time.

    noong bago ako doon sa SF merong mga nagpapalimos na bingi raw pero ang amoy talaga nakakasulasok, Talagang sadya nila yon para magbigay ka para umalis na sila.

    Hinuhuli nila yon.

    kung minsan naman sa bus, biglang may sasakay na mga SF police, tahimik yong mga negoy sa likod.

    hanggang ngayon naman mahilig pa rin sila sa likod ng bus.

    merong bus ssytem sa San Mateo (nandoon ang San Francisco Airport, hindi mismo sa San Francisco) pag maingay at may dalang mga boombox noon ang mga itim, pinabababa.

    ReplyDelete
  18. bakit nga sila palaging sa likod naupo?pansin ko kahit sa mga movie.
    kaya takot si mader
    na mapunta ko dati sa NY dahil dun sa mga napapanood nyang mga wild na itim,sabi ko maitim o maputi pag loko,loko talaga kahit naman sa pinas daming loko.
    yan ang dahilan nun kaya wala kaming matagalang lugar,palaging
    palipat lipat kami at takot si mader na maimpluwensyahan kami ng
    mga loko, di ba
    nya naisip na mas malaking loko yung anak nya at yun ang nang iimpluwensya nyahahahahaha.

    ReplyDelete
  19. dito mam hinuhuli mga pulubi, nung una kong dating dito wala naman akong nakikitang pulubi, ngayon meron na pero hinuhuli sila,
    minsan sumisimple lang sila, kunyari lalakad lakad lang pero pag walang nakatingin mangungulit sayo.
    diba sa pinas yung mga bata,
    ang dudumi ng kamay at pormang ipapahid sayo pag dika nagbigay,mga anak anak din nung mga tindera sa sidewalk yung mga batang yun.

    ReplyDelete
  20. naku marami din ditong pulubi. sa SF noonm nakaupo sila sa sidewalk o kaya ay nasa mga islands.

    dito naman sa lugar ko, nakaistasyon sa bus stop.

    sa los angeles ako natakot. susundan ka rin at ka hihintuan hanggang di ka nagbigay.

    ReplyDelete
  21. pagkain ang ibinibigay ko sa mga batang nagpapalimos.

    di namin binubuksan ang bintana ng kotse pag may nagpapalimos. Minsan nahinto yong sasakyan namin. Kasama ko foreigner na kaibigan ko. hinablot yong salamin niya ng maliit lang ang ibinigay niya. kahiya.

    ReplyDelete