Sunday, December 13, 2009

Bad Habits Don't Die



Dear insansapinas,
Bilib na sana ako kay Eric Quizon dahil siya lang ang pinakamatinong anak ni Dolphy at ang kapatid niyang si Epi. Pero nang sabihin niyang ang HOBBY (REPEAT AFTER ME, HOBBY ng tatay niya ay magsimba sa Baclaran, bigla akong HA? Ano raw. (Orbital role. Paikot-ikot amg mata). BP; 160:90.



Ako hobby ko ang mamintas kahit dysfunctional ang family ko.



Pero lahat naman tayo may weird habits (HINDI HOBBY ha, makes bitchface. BP: 150/90).


Brother 1: He likes coffee, boiling hot. Napakainit na pag may nagkamaling langaw na lumipad sa malapit, nagiging, steamed. Tapos palalamigin niya. Ang alin, yong steamed na langaw. Hindi yong kape. Labo ng mata ko. Uhm.





Brother 2. When he was small ( malaki kasing tao) and his ambition was to become a priest (ako gaya rin, gusto ko maging madre, ubu ubu ubu), he made a sign of the cross to all churches that we got by.
He makes batok pag ako di ko ginawa. So I am also used to making the sign of the cross pag may nakita akong simbahan.


Dala ko ito sa US. Sa SF, may dinadaanan ako don na simbahan sa may kanto, at nagkukurus ako. Hanggang minsan sinamahan namin ng close friend ko ang aking  para pakasal sa huwes. May dinaanan kaming simbahan, nagkurus ako. Sabi ng kasama ko inasubtle way hindi raw simbahan yon. Istasyon daw ng Pulis. TOINK. Dati simbahan, tapos isinara. Pahiya ako.


Nang nadaan ulit ako sa simbahan sa kanto ng isang kalye sa SF, San Pidro na mahilig sa manok, hindi pala simbahan yon. Car sales store pala. Dati nga lang simbahan.TOINK.


Sister 1: Antuken kahit noong maliit pa. Laging nalalampas sa paroroonan. Sa UP Baguio noon palagi siyang nauubusan ng tubig pag gising sa`dorm kaya nagtatago na siya ng balde sa ilalim ng katre. Sa jeep noon, ginigising siya ng driver pagdating sa Commonwealth.



Sister 2: Masyadong relihiyoso. Isip tuloy noong asawa niya baka madre ang napangasawa niya. Panregalo niya sa birthday mo rosaryo, Pag pasko, Bibliya at kahit walang okasyon, prayer book.
Buti hindi ako natutunaw pag kasama ko siya. Makapag rayban nga. 


Brother 3: Hindi mo siya mapapahawak ng kandila. Kasi ang kandila raw ay galing sa whale at ang whale daw ay baka nakakin ng tao.


Me: Ako yata ang walang masyadong disorder except:


1. huwag mong hahawakan ang aking buhok. Maghahalo ang buhok sa anit. 
2. pag ikaw ay nakasama ko sa kuwarto, pagtulog, magdala ka ng ear muffs at panali. Pag nakita mo akong tumayo, hindi ibig sabihin niyan gising ako. Huwag mo akong susundan, sa ref lang naman ang punta ko.
3. minsan nagtataekwondo ako pag tulog.
4. mahilig akong magturo. minsan nagiging abo ang itinuturo ko. Bwahahaha
5. mahilig akong kumain ng saging. Huwag kang mag--iwan ng isang buwig. Wala kang aabutan pag balik mo BURP.
6. Tamad akong magluto. Pero hindi ibig sabihin hindi ako marunong.Pag ako nagluto ubos ng bisita ko. 
May balot kasi. Para sa aso nila. 


Kayo ano ang mga bad habits ninyo?

Pinaysaamerika

14 comments:

  1. nyahahahaha tawa ko ng tawa sa mga habits na yan lalo ng yung tungkol sa pagka relihyoso.

    wala naman akong masyadong maraming bad habits, mas marami nga lang kesa good habit hahaha.

    pag ako nasa church saka ako inaantok,wala akong maintindihan sa sermon.
    sabi ng lola ko, matanaw ko palang yung tuktuk ng church naghihikab nako, pag nagsimula ng tumugtog sa loob,para na raw akong pinaghehele at pag nasimula na ang preaching tuka tuka nako(laglag ang ulo,tulog).

    ReplyDelete
  2. pag ako nagbasa ng bible, asahan mo diko pa natapos basahin ang isang verse... tulog na ko(salbahe talaga)sabi ng lowla ko ang dali ko daw sapian ng demonyo, kaya tumanda nakong ganito, diko pa nabasa ng buo ang nilalaman ng bible.

    more bad habits:

    mahilig ako mag kagat ng kuko,pag naiistress,kinakabahan,natatakot,at worried, sabi ng lowla ko sign daw na my mental disorder ako,hmmm!so iniba ko na ang aking habit, dina ako nagkakagat ng kuko, butong pakwan nalang.

    kaparis mo din mam, tamad akong magluto pero masipag akong kumain.

    hindi ako mahilig sa saging kaya tighyawatin ako jejeje.

    my insomnia ako at di makatulog ng ayos pag nakahiga ako ng maayos sa kama, pero pag nasa car,taxi,bus sarap ng tulog ko.

    mahilig akong magbibili ng diko kelangan,at saka ko tatanungin ang sarili ko ng...bakit ko to binili?

    mahilig akong bumili dito ng vegetables sa supermarket, di naman ako kumakain ng vegetables,wala lang gusto kolang tinitingnan kasi ang gaganda...after 3 days nasa basurahan lahat.

    pag kasama ko sister ko, at nasaan man kami, wala kaming ginawa kundi mamintas.

    pag kasama ko si sister at si mader, kahit walang nakakatawa,pag nagkatinginan kaming 3, wala kaming tigil kakatawa.

    magkakasakit ako pag di ako... nakapang asar, nakapang galit, nakapang bad trip, at nakapamintas lol.

    at ang pinaka bad habit ko e, ako si maniana habit, puro mmaya na, bukas na, taka muna, hanggat my oras nakatunganga tapos lahat sasabay sabaying gawin last minit hanggang ma exhaust.

    ReplyDelete
  3. mahilog don ako sa butong pakwan habang nagbabasa ng novel.

    yong anak ng aking kaibigan, masama ang ugali, iyak ng iyak sa bahay, pag isinakay mo sa kotse, tulog. pag ibinaba mo gising na. ginawang kuna ang kotse.

    ReplyDelete
  4. mahilig din akong mamili noon nang di ko kailangan, minsan meron na pala ako. toink.

    ReplyDelete
  5. haynaku pag nagsermon na ang pari, antok na rin ako. minsan gusto kong sabihing iksian lang ang sermon.

    ReplyDelete
  6. hahaha kung pwede nga lang bang sabihing iksian lang e.
    kaya nga palagi sabi ni lowla, welcome na welcome daw kasi si taning, si taning daw yung naglalambitin sa talukap ng mata para tulugan mo yung sermon lol.

    yung mga bata sa bahay, puro masasamang bisyo, ayaw matulog sa kuna at duyan, gusto palagi karga.

    ReplyDelete
  7. paglaki ng batang yan mam di pwedeng mag drive, baka makatulog habang nagda drive hahaha.

    ReplyDelete
  8. pero teka, mabalik tayo dun sa pinakaunang linya nung topic.
    anu naman ang gustong palabasin ni eric dun sa sinabi nyang yun?
    kaya ako walang bilib
    sa mga nagbabanal banalang aso eh!
    sabi nga nung aking sisteret, takot sya sa mga taong nagsasabing "mabait ako" o "mabait kasi ako e" o kaya "mabait lang kasi ako",at nagsasabing "relihyosa ako",pag mga ganyang tao daw ang naka encounter mo e dumistansya ka ng kaunti at yan ang makamandag..
    mas mapanganib daw yung mga ganung tao kesa dun sa mga taong nagsasabing "walanghya ako" o "loko ako".

    ReplyDelete
  9. wala akong bad habits. i'm perfect the way i am. :D

    mahilig ako kumain ng saging at mangga pero only pag andun pa yung original form nila (pag mukhang magga at saging pa rin). pag hinalo na ang saging sa tinapay (babana bread) o kaya nilagay na ang mangga sa ice cream, ayaw ko na.

    tulad ni lee, pag nasa simbahan ako, inaantok ako. kaya gusto ko si bishop villegas kasi maiiksi lang mga sermon nya,

    ReplyDelete
  10. lee,
    may kwento nga diyan tungkol a pari at sa driver na pinoy.

    yong pari maliit lang ang bahay na ibinigay sa kaniya sda langit kasi imbrs makakuha ng recruits, maraming ayaw magsimba dahil sa haba ng kaniyang sermon.

    yong driver naman ang daming napapadasal dahil reckless driver.

    ReplyDelete
  11. biyay,
    kaso si bishop villegas naman noon, baby face. nakakadistract din pagdasal. :)

    ReplyDelete
  12. article yong nabasa ko tungkol sa mga octogenarian na sina Eddie garcia na 89 years old na pala; si Gloria Romero na 76 at si dolphy na 81.

    yong bang ageing gracefully kuno.

    syempre may pelikula kata may article. yong isa ngang article tungkol na naman sa kasal nila ni zsa zsa.

    hay naku pag sinabi ng taong mabait siya, sipain mo ang bangko, masyadong magaan.

    ReplyDelete
  13. hahaha dina ba naintay na iba ang bumuhat... siya na mismo ang nagbuhat.
    wala na bang ibang mga gimik itong mga artistang to?
    pag my pelikula e basta lang may mapagusapan kahit wala namang
    masabi.
    ok ako naman bubuhat ng sarili kong bangko, ako- at the age of 42 dina/dipa graceful parehong kaliwa ang paa, kahit naka flat shoes natatapilok, kahit di umiinom nasasamid, kahit walang kinakain nabibilaukan at kahit di kumakanta pumipiyok.

    ReplyDelete
  14. wala ako ma-say. hahaha

    tawa lang ako ng tawa. haha

    Ingat mam cathy!

    ReplyDelete