Noong bagong dating ako sa San Francisco, akala ko walang baha dito dahil wala namang nagnanakaw ng takip ng imburnal, wala namang estero na nawawala at wala namang nagkalat ng basura.
Ang bagyo sa California ay simula ng Octobre. Habang sa East Coast naman ang lugar ay naghuhulugan na ang mga dahon dahil by December, yelo or snow naman ang dadalaw.
Unang experensiya ko ng baha sa SF ay may dala pa akong payong na Made In China na isang hangin lang naglalantikan na ang mga suporta nito na ang tangi mong paraan para di ka mabasa ay itupi mo ang payong at takpan mo ang iyong ulo. Basa ka pa rin. Oy.
Ikatlong trabaho ko yon at ang uwi ko ay alas nuwebe. Pumatak na ang ulan at naghihintay ako ng bus sa bus stop. Saan pa,Silly. Basa na ang aking sapatos. Mabilis ang agos ng tubig.
Kalahating oras na ang nagdaan, wala na akong nakitang bus na dumarating. Hanggang tuhod na ang tubig. Hindi kagaya sa Pinas na maraming taong naglalakad pauwi. Karamihan may sasakyan at ganitong oras ay walang tao sa kalsada. Kahit ng mga homeless ay sumisilong sa mga shelter.
Naglakad ako sa baha, papuntang istasyon ng tren. Tatlong bloke, “dong". (insert boses in Annabelle). Ang aking pantalon ay mabigat na sa tubig at ng aking sapatos ay medias ay kailangang itosta sa apoy para matuyo. May pasok pa ako ng ala- siyete kinbukasan.
Dahil akala ko hindi bumabaha sa Amerika, (first year ko pa lang) inisip ko na sinundan ako ng bagyo galing sa Pinas. Namiss siguro ako. Oy.
Ang tren ay nasa ilalim pero hindi ito baha kagaya ng underpass natin. Ang huling istasyon na pwede kong babaan ay malayo pa sa bahay. Buti na lang at may bus doon na papunta sa tinitirhan ko.
Pero kagaya din sa Pinas, nagcutting trip ang bruhong driver. Pinababa kami sa kanto na malayo pa sa bahay. Pinanalangin kong sana madapa siya pagbaba sa bus,
Basang-basa ako. Alas dose na. Wala pa naman akong bihisan dahil nakikitira lng ako pag weekdays sa kaibigan ko. Pag weekend, saka ako umuuwi sa talagang tirahan ko hanggang makakuha ako ng aking sariling apartment.
Tulog na ang mag-asawa. Nilabhan ko ang damit ko at medias. Basa pa rin ng damit na nilabhan ko ng nagdaang araw. Ayaw kong gamitin ang washing machine ng may-ari ng bahay. Sungit niya.
Kinabukasan, tinuyo ko ang aking damit sa plantsa. Pero ang medias ay mamasa-masa pa rin. Ang sapatos ko ay basa pa rin.
Sinuot ko pa rin kaya habang nakikipaghabulan ako sa bus papunta sa isang trabaho ko, kumakatas ang tubig. Squeak, squeak.
Pag-alis ko ng sapatos sa opisina, ang supladitang receptionist ay nagtakip ng ilong at sabi, What’s that smell?
TSEH niya.
Ito ang balitang bagyo sa California at warning sa flashflood.
Rain poured across parts of California early Wednesday, prompting a flash flood warning for southern acreage already torched by wildfires.Ito naman ang balita tungkol sa landslide sa Washington State.
A resident fills sandbags Tuesday at the base of the San Gabriel Mountains in case of flooding and mudslides.
The National Weather Service issued the warning for areas in and around coastal Santa Barbara County.
The rain could cause flooding and mudslides where the Gap Fire torched about 10,000 acres during summer 2008, forecasters warned. They expected close to 1 inch of rain per hour in the area.
A massive landslide in central Washington state has blocked a highway, diverted a river and heavily damaged a home.
No injuries have been reported, but authorities tell the Yakima Herald-Republic that residents near the sparsely populated community of Nile were being evacuated because of flooding fears.
ha ha ha me cutting trip pala dyan sa amerika. Naku banas na banas ako sa mga jeepney driver d2 sa manila na mahilig sa cutting trip, ang gugulang, grabe, gusto ko nga sapukin, kaya timpi lang ako, baka mabugbog lang ako ng mga kapwa niya tsuper.
ReplyDeleteNapadaan lang..
Baka nais mong maglibang, at matawa para maalis ang iyong problema.
daan ka lang sa site ko.
tenk yu beri big.