Tuesday, October 20, 2009

Coupons, Grocery List and The Nanny

Dear insansapinas,
Coupons 
Hindi ko pinapansin ang mga ibinibigay sa aking receipts pagnamimili ako. Yon pala ay mayroon na akong mahigit na 3.00 discount kapag namili ako ng more than 15 dollars on selected items.Hindi ako gumagamit ng coupon except yong so bookstore at art store pero itong nasa receipt, ginamit ko. Sarap ng pakiramdam. Kaya lang kulang pang ipambili ng Subway Long sandwich.  ahehehe



Grocery List

Magang-maga, gumawa ako ng listahan para bilhin with a resolve na hindi ko na iiwanan. Sa awa ng Diyos, nakalimutan ko pa rin sa couch. Conclusion: grocery list is a reminder of what you forgot to bring. Toink.



Nakabili na ako ng mouthwash. Maganda kasi kulay. Violet. parang grapes. Ang nakalimutan ko namang bilhin ay cough syrup. ubo, ubo, ubo,


Lalo akong naubo nang matanggap ko ang aking bill mula sa specialista. Yong wala pang 10 minutes niyang pakikiusap sa akin ay nagkakahalaga ng mahigit dalawandaang dolyar. Ahohoy.

The Nanny 


Nanonood ulit ako ng The Nanny. Hindi yong Super Nanny kung hindi yong rerun ng The Nanny ni Fran Drescher.


Kaya lang alas onse siya hanggang ala-una. Ngayon ko lang kaso naiintindihan yong humor. Pag bago ka kasi sa States, hindi mo pa alam ang mga practices. Sabi nga nila it is a cultural thing.



Ang pinagtatawanan ko lang doon noon ay ang mga furniture na nakabalot pa ng plastic. Parang Filipino din. ahahaha

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. lol, parang ako, napaka compulsive buyer ko, naka isang trolley nako ng napamili, pagdating sa bahay wala ni isa yung plano konh bilhin.

    naalala ko tuloy yung sister ko, tinatago nya lahat nung resibo nung pinamili nya sa megamart, kaya naman pala e my nakalagay sa ibaba na amout ng magiging discount mo the next time you shop...
    lahat ng resibo ng pinamimili ko tinatapon ko, diko alam na my ganun.

    ReplyDelete
  2. tz,
    gnaiyan din ako noon hanggang yong mismong manager ang nagsabi sa akin.

    pero yong mga discount na nakukuha sa dyaryo, di ko ginagamit kasi di naman ako bumibili ng mga produktong nandoon.

    kaya pala pag sunday noon, nawawala yong diyaryo ko, ninanakaw ng kapitbahay.

    ReplyDelete