Ayaw ko yong approach nang authorities doon sa pagkundena sa Balloon Boy and Family. Nasisira ng aking kaalaman sa mga napapapanood ko sa Law nd Order.
Sabihin na nating publicity stunt nga yong ginawa, eh yon namang trial bypublicity nila nakakahiya.
1. Sa pamamgitan ng isang ewan ko kung sino yon, shrink ba yon, nagconclude sila na nagsisinungaling yong bata dahil s deep sigh nito. Paano naman kung ugali mo na ang mag "sigh"?
2. Ang emotion daw ng mg-asawa ay arte lang kasi nagkilala sila sa drama school. Nak ng huwe, so lahat ng nagkilala sa drama school ay mga actor at actress? Wala bang mas convincing na reason?
3. Bakit biglang nagbago ang hangin ng investigation? Dahil ba may binayarang sumulat na atat na atat magkaroon ng reality show ang pamilya?
4. May nakita bang ebidensiya na pinatago nga ang bata sa attic ?
Hindi pa nga tapos ang imbestigasyon, sinasabi nang makukulong ang tatay. Di ba stressful sa mga bata ito.
Hindi ko ipinagtatanggol ang pamilya pero tama yong abugado ng mga Heene. Wala pa siyang crime na nacocommit hanggang di nila napapatunayan.
Lane, asked Monday by CNN about his client's state of mind, said it was "what you would expect someone's state of mind to be after law enforcement searched your house, seized your property, held a press conference announcing you're about to be charged with felony criminal charges. Your state of mind would be rather upset and you would feel somewhat under siege, which is exactly how the family feels at this pointBTW, yon palang asawa ay hindi Pinay kung hindi Japanese. Japanese name pala ang Mayumi. Mukha nga naman siyang Japon.
Naalala ko tuloy yong kaso ng pamilyang Filipino na dahil sa isang statement ng anak na babae dahil galit siya sa tatay niya, nagulo ang buhay nila. Nang tinanong ang bata kung inaabuso siya ng tatay niya. Sabi niya oo.Kinuha kaagad ang bata ng Social Welfare, kinasuhan ang tatay. Sa tinagal ng kaso at sa imbestigasyon, walang ebidensiyang may sexual abuse ang bata. Hindi ako sigurado pero narinig ko umuwi na ng Pinas ang pamilya.
Octomom
Balita:
The doctor who implanted six embryos in octuplets' mother Nadya Suleman last year has been expelled from a fertility medical society, a spokesman for the group said.
Dapat lang. Itong octomom din ay mafifeature sa quasi-reality show. Pero hindi yata rito sa States dahil galit ang mga tao sa kaniya.
Pinaysaamerika
ayan na ayan na gumagana ang ang pagiging law and order fan hahaha.
ReplyDeleteoo nga naman, masyadong na senseysyunalays ang baloon na yan, at bakit tinawag na baloon boy kung wala naman pala yung bata sa loob ng baloon?sigh oooops nag sigh ako baka sabihin mo sinungaling ako lolz.