Tuesday, October 20, 2009

Underwater meeting, Global Warming, Filipino Time

Dear insansapinas,
Habang sa Pilipinas ay nag-aagawan ng media exposure sa paghahanap ng masisi sa unusual flooding na naganap, ang ibang bansa na sa global warming o climat change nakakatutok ang kanilang mga effort para maminimize ang impact ng pag-iinit ng temperatura ng mundo. Publicity stunt o hindi, I thought it to be cool.
Nagbabasa ako ng novels ngayon na all about marine life, marine biology at mga nangyari centuries ago na naging dahilan nang paglubog ng mga nawawalang siyudad at isla na minsan ay nasa mapa ng mundo.



Isang article ang nabasa na nagcoconfirm sa isinulat sa nobela na ang sanhi ng pagbaha sa mga lupang dati ay di inaabot ng tubig ay ang mga lindol lalo na ang nanggaling sa ilalim ng dagat. Binabago nito ang bottom level ng dagat sa pamamagitan ng pagtaas ng ilang bahagi.


Isa pa ay ang mga tsunami na nagdadala ng maraming tubig sa katihan. (dry lands).


Isang scientist ang nagsulat na sa darating na summer, wala ng mga icebergs sa Antartica. Ibig sabihin, matutunaw ang yelo at ang natunaw na yelo ay magpapataas sa level ng tubig-dagat.


Kaya natawa ako nang mabasa ko ang article (inalis na) ng tungkol sa pagpulot ng mga wrappers ng candy sa daan ng isang presidential wannabe. Hoy, hindi yan ang nagpapabaha dahil yan winawalis ng mga hidn "ghost" street sweepers.


Kung basura nga ang nagcontribute sa baha, yon ang mga basurang tinatapon ng mga nasa squatters' area na walang plumbing system at lahat ng basura ay tinatapos sa estero. Yon ang pulutin niya. Ahohohoho.


Sa probinsiya naman na binaha din ay wala namang masyadong basura dahil either sinusunog nila, binabaon sa lupa o ginagawang fertilizer.


Habang may batas na isinusulong dito sa States about climate change, may isinusulong na batas sa Senado tungkol sa Filipino time.


Hindi ba nila alam na masmasahol ang time sa ibang bansa kung saan hindi lang isang oras ang hihintayin mo kung hindi mahigit pa.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment