Thursday, October 01, 2009

Experience is not what happens to a man; it is what a man does with what happens to him.

 Dear insansapinas,



Nauunawaan ko kung ang mga biktima ay maiyak sa mga nawala nilang  ipinundar na kabuhayan. Sa ating pag-susumikap sa buhay, nagiging inspirasyon sa atin ang makitang mayroon tayong nabibili na makakapagpakita ng ating paghihirap, pagsasakripisyo at paghihigpit ng sinturon para mabili natin ang ating mithiing bilhin.

Sa isang iglap, biglang nawala, sa isang iglap, sila ay nasira. May mga taong tumangis nang makita ang kanilang mga mamahaling gamit na pinagkaingat-ingatan ay masisira lang ng tubig.

Pero kung iisipin, kung kayo ay nakaranas na ang iyong magarang damit ay papalitan ng hospital gown na bukas sa likod, walang shape at minsan ay maari ka pang magsama ng isa pang payat na tao sa likod…sa laki…at ang iyong ginto at diamond na bracelet ay hindi mo masusuot sa ospital




dahil meron kang ID bracelet kung saan ang nakalagay lamang ay ang pangalan, date of birth, edad (toink) at ang iyong account number, para lahat ng charges ay tiyak na pupunta doon pag iniscan nila ang ID bracelet. (feeling mo parang kang grocery item na paginiscan lumalabas ang presyo). Mwehehe…




Sa kabilang wrist naman siguro ay may  na  butterfly needle para idaan ang IV na magbibigay saiyo ng sustansiya habang hindi ka makakain…antibiotics para panlaban sa infection…at morpina or painkiller para sa sakit para di ka umatungal at magulo ang ospital…

Pag naranasan ninyo ito, marerealize ninyo na ang mga material things ay walang kuwenta dahil wala ng silbi.

Ngayon ninyo narerealize ang mga sayang na mga items na binibili  dahil nagagandahan ka lang…mga gamit na pangyabang lang…mga gamit dahil mayroon ang  mga kapitbahay...

Sa mga nabahaan, dagdag sama ng loob pag kasamang nawala…
sa mga nagmumuni-muni sa kanilang mortality, wala ng halaga kung hindi ang mabuhay pa ng matagal sa pamamagitan ng mga ekspensibong pangdugtong ng buhay na iyong pinaghirapan ding ipunin upang pagdating na panahon ay madukot at hindi umasa sa mga kamag-anak na may sarili na ring pamiya.



Moral lesson of the story...bago mgdesisyong bumili nang anumang bagay, tanungin muna ang sarili. kailangan ko ba ito ?
Pinaysaamerika 


No comments:

Post a Comment