Monday, February 07, 2005

Si Pinay at ang Kapitbahay

Dear insansapinas,

Pagkatapos ng aking unang Pasko ay may lumipat
na isa pang babae sa aking tinitirahan. Buti
nga may kasama ako sa itaas.

Pag wala kaming pasok ay nanood kami ng pelikulang
Tagalog. Sabay kaming lumuluha sa palabas ni
Maricel.Memorized niya ang dialogue ni Maricel
na ayaw ko ng masikip...ayaw ko ng maputik....
Sa paulit-ulit niyang sinasabi, pati ako memorized
ko na rin.

Minsan ay nawalan kami ng kuryente. Overload
pala. Taranta kami. Baba kami at tyempo nandoon
si kapitbahay na French. Tinawag pala ng may-ari
para ayusin yong wiring. May kasama siya. Pilipina.

Ahaaa. Gerl pren. Abresiyete kaagad kay French nang
makita kami. Naglaro ang aking diwa. Nagkatinginan
kami ng aking kasama. Nakilaro rin ang diwa niya
sa akin. Gustong maghigh five. Umigkas ang aking
kilay. Sa malamyos na tinig nakiusap ako kay French
kung puwedeng tingnan muna ang aming wires
sa itaas. @#$%^na kung hindi lang sa palabas ni Maricel,
hindi ko gagawin yon. Nakita ko ang sarili ko
sa salamin sa dingding. Pinandilatan ko. Sa isip
ko KIRI. Di pinandilatan din ako. MO.

Naayos din aming kuryente pero hindi humiwalay
si gerl pren.Kung saan si French, nandoon din
siya. Pagyuko ni French, yuko din siya. Parang mimic.
Wala pang sound. Panay ang kalabitan namin ng aking
kasama. Dumi isip.

Diborsyado pala si French sa isang puti. Ikalawa
niyang asawa. Ang unang asawa niya ay Puti rin.
Yon ay para magkapapel siya. Dumating kasi siyang
turista. OO Birhinya. hindi lang Pinoy ang nag
ttnt sa Estet.

Mahirap pa sa kaniya wala siyang alam na English
kung hindi allo (hello). Kinakain pa ang H.
Naghanap siya ng French restaurant kasi alam niya
at least may taong French na makakatulong sa kaniya.

Hindi siya nagkamali. May ari ay matandang babae
na ang naging asawa ay French pero marunong ng
lenguwahe. Kinupkop siya at kinuhang tagahugas
sa kusina.

Upang maging legal, hinanapan siya nang mapapanga
sawa. Mayroon naman na pumayag sa kundisyong babayaran
ang renta niya at tutulungang alagaan ang kaniyang
anak. Single parent kasi.

Kaya punta sila sa Vegas. Sabi nang pastor na
mukhang si Elvis, repeat after me. I, state your
name. Sabi naman ni French, I stet your nem...

Bungisngis siya pag naalala niya ang kaniyang
kasanuan. Mukha pa rin naman siyang sanong Bruce
Willis. OO Birhinya, kamukha niya si Bruce Willis
pati ilong at tagilid na ngiti. May gerl pren nga
lang .Tsee.

Itutuloy...

Pinaysaamerika

4 comments:

  1. hehehe.... would this be translated in English? :P
    I have a feeling I will enjoy this story...

    ReplyDelete
  2. teka,
    sigurado kang hindi ito galing sa pilikula ni maricel soriano. at ang mga French, talagang walang "H" parang mga kapangpangan sila. at ang babaeng parang anacondang lumingkis kay FFries..may kara ba o baka
    "QUE CARA DURA...PERO QUIDADO EH..PORQUE LA HERMANA FILIPINA..SON LA REI"
    translation...makapal ang mukha, pero careful..baka reyna sa Pilipinas yan...(yong may strobe lights at chicarong bulaklak at crispy pata at inihaw na pusit ang specialty!!) hmmmmmm!!!
    tenk u also...binbasa mo pala ang aking blog.
    hmmmmmmm ulit !!!!

    ReplyDelete
  3. cerrid,
    i'll try.

    frat,
    sobra ka naman. nakita mong palagi kong pinopromote
    ang blog mo.

    pangit siya. period. subaybayan mo lang.

    ReplyDelete
  4. cathy naman...ikaw ba ito. wa ka nga. ang dami mo namang alyases. para kang....ay sori...i cannot say any bad word. ASH WEDNESDAY.hmmmmmmmmmmmmm!!

    ReplyDelete