Dear insansapinas,
Wala ulit kuryente. Overloaded na naman.
Tatawagan na sana namin si Edong, yon ang
may-ari ng bahay na nakatira sa ikatlong
bahay mula sa amin, nang may nagdoorbell.
Si French. May dalang box. Pizza.
Pag sinuswerte ka nga naman ay talagang
sinusuwerte ka talaga. May taga ayos na
ng kuryente, may pizza pa.
May ipapabasa raw siya at ipaeexplain sa
akin. Naisip ko bakit hindi doon sa gerl
pren niya ?
Siniko ako ng kasama ko na ikalawang
piraso ng pizza ang pinapangal.
Sabi niya, "haglhibghi lhgan yhan pahra
mahgkitha kgha."
Sabi ni French," what is she saying ?"
Sabi ko, "She said she likes the pizza."
(May demerits na naman ako kay San Pedro).
Sabi ni French," I am happy she likes it.
I made it myself. I once had a pizza parlor."
Sabi ng kaibigan ko, "Wow, may pizza eheste,
may brwead."
Pinandilatan ko ang aking kaibigan at sinabi
ko, "Tumigil ka saiyong kabaliwan,"
(sandali, soap opera script ang dating.)
Ulit. Pinandilatan ko ang aking kaibigan at sinabi
ko, "Huminto ka. Akyat."
Sabi niya,"Oy gusto niyang magkasarilinan."
At humahalakhak siyang umakyat sa kuwarto
niya.
Review materials at instructions pag kuha
ng licensing exam ang pinakita niya sa
akin.
Hmmm gustong magpasikat ?
Ikalawang licensing exam na raw yong kukunin
niya para sa certification sa electrical
technician...something. OO Birhinya,
ganiyan kumita si Uncle Sam, lahat may
license na kailangan. Kahit mangkukulot
ka lang.
Mahigit labinlimang taon na siya sa
Estet. Natuto na siyang magsalita
ng English pero may may punto pa
rin siya.
Hindi pa siya magaling sa written
English.
Yong unang asawa niya, hindi siya
tinuruang magsalita ng English kahit
nagsama sila ng tatlong taon. Minahal na
rin niya pati bata. Pero may boypren
pala ito na hudas. Madalas daw doon sa
apartment nila at habang nanny siya
ng anak nito ay magkasamang naglalakwatsa
ang dalawa.
Lahat nang ibinibigay niya ay ibinibigay
din sa boypren.
Ang sama nito, pag lasing ang dalawa, binubugbog
siya. Kaya minsan daw matulog siya ay bukas
ang isang mata.Parang dolphin.
Pause.
Bakit ba magneto ako ng mga nakakaiyak
na kuwento.
PRsssssssssssssssssssss.pahiram nga ng
panyo.
Itutuloy.
Pinaysaamerika
asus ginoo! akala ko nung una ay personal journal talaga ito.. :)
ReplyDeletehahaha! looking forward to the continuation..
tenks sachiko.
ReplyDelete*printing*
ReplyDeleteplease don't forget the continuation tomorrow :P
will be watching for it...
teka muna..siguradong bang hindi ito another maricel soriano na pelikula. at si ffries..baka puedeng gumawa ng silya elektrika din. i need one. mayroon akong pauupuing manok--sa asin. napa martir ni ffries. puwede siyang iakyat sa Le Madeleine. magandang simbahan yon, near Place' Vendome'. hmmmmmmmmm!!!
ReplyDelete