Sunday, August 08, 2004

Golden Gate na hindi naman golden

Dear insansapinas,

Tulak-tulak ko ang cart na may lamang tatlong suitcases, large,medium and small.
Isa lang susundo sa akin, amo ko mismo. Ang mader, sisters and brader ay nasa East Coast lahat. Sabi nila mag-eerpleyn na naman ako.

Tinawagan ko rin ang aking kaibigan na sa may parteng Los Angeles, pero malayo pala
yon. Akala ko kasi kagaya sa Pilipinas na isa lang ang malaking airport at lahat nag darating ay sa erport na yon babagsak.

Nandoon na ang aking bossing na babae. Sexy siya, nakamataas na takong at nakasuot ng
magandang outer coat. Sa isip ko paano kaya namin makakayahang buhatin ang mga bagahe.

Beso-beso. How’s the trip? tanong niya sabay karga ng pinakamalaking maleta at inilagay niya sa car trunk ng American car na dala niya. Ang American car ay yong ang mga car trunk ay puwedeng maglagay ng isang balikbayan box, isang maleta, isang carryall at isang pasahero, nakahiga nga lang.

Hanep ang lakas ng babaeng boss ko. Sa loob lang ng limang minuto, ayos lahat.
Madalas kasing magbiyahe, sa Pilipinas at sa ibang cities and States at sa Bisaya ay sanay siyang magbubuhat ng sako sakong mais.
Pinapasok na niya ako sa kotse dahil nakita niyang nakatiklop na ang aking tuhod at ang labi ko ay asul na sa ginaw. Wala pa kami sa San Francisco mismo dahil ang SF Erpot ay
ay nasa South San Francisco na hindi parte ng San Francisco pero ang SF Erport ay nasa
hurisdiksiyon ng San Francisco. Magulo ? Eh kung ako naguguluhan din kayo pa.

Pumunta muna kami sa Hotel para kumain ng breakfast. Ganyan bossing ko, mahilig sa class. Ang inorder lang naman niya ay parang fried egg and shrimp over rice at sa akin naman ay parang tosilog. Pagkatapos naming kumain, namudmod siya ng calling cards sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa hotel.

Sabi niya sa akin, dadalhin muna niya ako sa Golden Gate para humalik ako sa lupa. Ganoon daw yon. Tapos saka siya humalakhak. May dinaanan lang kaming isang kaibigan niya na gay para taga kuha ng aming piktyurs.






Hindi siya golden kung hindi pinkish ang pintura. niya. Iba ang retratong nakikita ko noon sa kalendaryo o kaya sa magazine. Pero nagpakuha rin ako ng mga piktyurs. Ipadadala ko sa Pinas. Iingitin ko sila . May dalang polaroid camera sa boss ko. Girl scout yata siya dati, Laging handa. Click, click. Ilang minuto lang developed na ang retrato namin. Acccckkkkkacccckkkk.

Tip # 1
Pag magpaparetrato kayo sa Golden Gate, magsuot ng sumbrero or cap. Windy sa taas kaya ang buhok niya ay ililipad ng hangin.

Ang buhok ko sa piktyur ay parang yong kay Vhong Navarro sa Wazzupp Wazuppp o kaya kay Gary Valenciano sa kaniyang Thanksgiving Concert. Nakatayo.

Tumuloy na kami sa opit sa downtown. Bumaba kami ng kasama naming gay sa kanto
para maiparada ni bossing ang kotse sa garage parking.

Nagpretrato ako sa kantong yon. Balak kong ipadala sa Pinas at sabihing nasa San Francisco ako.

Nang madevelop ang retrato, hindi nakita ang street sign. Ngayon, minsan pag nakikita ko ang retratong yon, iniisip ko kung saan kinunan.

Tssssssk tsssk.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment