Sunday, April 29, 2012

Babuyan- My Last Lecture

Dear insansapinas 

Pabayaan ninyo kung paminsan-minsan buhatin ko ang aking bangko.Paminsan-minsan? madaas eh diba? Pagbigyan ninyo na ako.


Hindi ko ito talaga last lecture sa Pilipinas. . Gusto ko lang magbigay ng kaunting opinion sa balitang ito.

Two-day ‘holiday’ to protest meat smuggling, importation
THE supply of fresh meat was tight Friday after hog and chicken growers declared a pork and poultry holiday to protest the government’s inability to stop the rampant smuggling and over-importation of meat.
Ano naman ang relasyon ng balitang ito sa aking lecture. Pag sinabi kong lecture, hindi yong panay ang dada ako habang ang mga nakikinig ay nag-sasalitan ng pagbagsak ng ulo sa pagtulog. No sireee, hindi sila pwedeng matulog. Hindi pwedeng tulo laway. Tseh. Gigisingin ko sila. Isa pa, Tagalog ako maglecture. Hindi rin ako gumagamit ng business terms masyado  lalo na kung ang mga attendees ay wala namang mataas na edukasyon. Hindi naman ako show-off. Ginagamit ko lang yan pag ang mga attendees ay mga galing sa kumpaniyang gustong maintindihan kung ano bang klaseng baboy ang  financial analysis at project evaluation.

Kidding aside, ang nature ng lecture ko ay pagkakakitaan. Itinuturo ko kung paano ang pagpresyo at pag-alam kung may kapararakan nga ang project na iniisip ng grupo. Itinunturo ko rin kung ilang ang kailangang volume of sales para masustain ang target profit. Marami kasi na akala pag kumita na ng libo-libo ay proftable na. O kaya di ba ang mga artista, nagogoyo na pumasok sa partnership ng negosyo dahil madali silang makumbinsi na profitable ang project. Karamihan pa restaurant ang pinapasukan. Ang laki ng pilferage at theft pag hindi personal na supervised.

Balik sa lecture. Ang condition ng magpapautang ay kailangan yong may alam sila sa negosyong papasukan nila bago sila pautangin, AHEM, hawak ko sila. BWahahaha

Sa Misamis Oriental/Iligan at iba pang probinsiya ako noon pinadala ng consultancy namin. Mga miyembro ng isang kooperatiba ang bibigyan ng pautang para makapagtayo ng babuyan. So may kasama ako na ang diniscuss  ay ang technicality ng babuyan. Kung paano hindi masyadong patatabain ang mga baboy dahil baka manteka na lang ag makuha...kung anong mga gamot ang pwedeng ibigay. blahblahblah. 


Sa akin ay pagpresyo at marketing.  Kung ibebenta ang baboy na hubad na, iba-iba dapat ang presyo ng parte ng kanilang laman. Hindi rin dapat masyadong palakihin ang baboy. Bababuyin sila sa presyo. 


Pagkatapos ay pinaeestimate ko sa mga participants ng working seminar kung kailan nila mababawi ang kanilang investment at kailan nila mababayaran ag kanilang utang. Sila ang pinagcocompute ko para matandaan nila kahit wala na ako doon. 
Ginagawa kong simple lang para maintindihan nila. 


Unang computation nila ay muntik ng masira ang aking calculator. Thirty years. Aba, eh nakapag-asawa na ang kanilang anak, nagkaroon na sila ng apo at magkakaroon pa ng apo sa apo, hindi pa bawi ng investments.


Ito ang importansiya ng ROI- return on investments at at payback period sa evaluation ng feasibility.


Kako kung ang ROI nila ay 3 per cent lang, matulog na lang sila sa duyan at hintaying bumagsak ang niyog.
Dahil kung ang interest ng utang nila ay 5 per cent, kulang pa ang kinita nila. Tseh.


Kailangan ang payback period ay maiksi lang. Yong ang tinatawag na pagugulungin ang capital. Kagaya ng halimbawa pitong buwan lang pwede ng ibenta ang baboy; yong pinagbentahan, pwede namang gamitin sa mga panibagong biik.


Balik tayo sa balita. Kaya kung hindi mapapahinto ng pamahalaan ang pag smuggle ng karne, malulugi ang mga backyard raisers. Pag nalugi yan, maapektuhan din ang mga nagtitinda ng karne sa palengke. Maapektuhan din ang feeds industry.At maapektuhan din ang mga litsonero, restaurant at mga consumers.


Ang mga smuggled items a ay hindi nagbabayad ng taxes.Mayayaman ang mga smugglers habang ang mga backyard raisers ay maraming problemang kinahaharap. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment