Thursday, March 22, 2012

Sunog at mga Sikiting Gubats

Dear insansapinas,


Sunog


The other day, I was awaken  from my afternoon nap  (may morning nap pa kaseh) by the continuous ringing of the smoke alarm  outside my room. Para ba yong alarm pag nasusunog yong pinirito kong itlog. Nag-isip ako, weekday naman (Weekend lang kami nag-aalmusal ng fried eggs, hindi dahil wala kaming poultry kung hindi ayaw namin ang cholesterol) Bitbit ko yong tea cup ko at takbo ko sa labas. Hanap ako ng smoke or fire, (akala mo naman pwedeng pampatay yong tea na dala-dala ko). Wala. Nakita ko isang mamang itim. Wha sinosiya. Bakit siya nasa loob?
May dala siyang filter para sa air conditioning unit.


Utos pala ng Building Adminstrator ang mga routine na building maintenance. Check yong smoke alarm, linisin at palitan ang filter ng A/C at iba pa.  Kaya lang bago yata, nakalimutang magpadala ng notice. Buti na ang nasa laundry yong aking Darna costume. Haah.


Gynecologist
Appointment sa gynecoogist ko. Daming pasyente ng aking doctor. May nakapaskil pala na listahan ng mga listahan ng magagaling na OBGYN sa DC sa kaniyang office. Hindi ko naman chineck.


May isang pasyenteng nakatayo sa counter ng medical receptionist. Nakatalikod. Sa isip ko siguro may sinasamahan. Ang taas ng takong ng kaniyang sapatos. Siguro mga 5 inches. Nakaelastic leggings din siya.
Biglang harap. Sus buntis pala. Paano siya nakakapaglakad noon. Alam kong pag nasanay kang nakastilleto, hirap kang lumakad ng nakaflat o mas mababa ang takong. Pero susme naman, buntis naman siya. I dare her (sa isip ko lang), isang Linggo lang sa San Francisco ,hindi tatagal ng ganoong sapatos.





Ang Baby sa Basket


May tumabi sa aking young mother. Maliit pa yong baby niya. Wala pa yatang one month. (Lakas nga ng raket ng aking doctor dahi (OB pa siya). Dami niyang pinaanak siguro.  Kaliit naman noong baby boy  na malaki pa ang manika ng aking TG Girl. Pero ang lakas niyang makaatungal. Pero hindi uha. Ibang klase. Siguro nasanay lang ako sa Pinas na yong mga TG ko ang lalaking babies at UHA UHA ang iyak nila.


Ngayon ko inoobserbahan ang baby. Alam pala talaga nilang malayo ang mommy nila , talagang palahaw para mapansin dahil pag malayo naman, regular lang ang volume. Siguro sa amoy. Noon kasi yong aking ka housemate na bagong panganak, iniwan yong anak sa akin. Pinandilatan ko yong baby, huwag siyang maingay. Aba hindi nga umiyak pero pagdating na pagdating noong mommy niya, biglang bumunghalit ng iyak.


Ngayon 13 years old na ang bata. Narinig ko sa phone. Tanong ko sa kaibigan ko, sino yong nagsalita. Sabi niya yon daw kaniyang anak. Wha, boses mama na.


Naalala ko noong young mother ako at nag-aaral at the same time. Pag umiyak ang TG ko sa gabi, iyak din ako. hahaha


Pinaysaamerika
Alam, ko rin kung panoong gagawin mo ang lahat mabigyan mo lang sila ng magandang kinabukasan. Prssss.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment