Thursday, March 22, 2012

Leadership Style

Dear insansapinas,




Natawa naman ako sa tanong ng prosecutor lawyer kay former mayor Lito Atienza kung paano pinadala yong sulat kay Mrs. Cristina Corona. Marami pa siyang tanong na kung kagaya kung nagturo ng Principles of Management, makakain ko ang isang chapter ng libro. BURP.


Kapag dati kong boss ang nag-utos na ipadala ang communication, ASAP, dudugtungan pa yon ng wala akong pakialam kung languyin mo ang Pacific Ocean o liparin pa ang himpapapawid ng walang eruplano basta makarating ang communication. Kung baga results-oriented sila. Pati ba naman ang mayor, poproblemahin kung paano magpadala ng sulat?At sa dami pa naman ng hinahawakan niyang mga documents, kailangan pa ba yong probemahin niya.


Kaya marami ring staff ang mga executives at may delegation of power para may tagahawak ng legal, social, political at iba pang issues. O siya lahat ang mag-aasikaso, kailangan na ang Superman na boss. Ang participation niya ay kumustahin ang mga inuutos niya, i-identify ang mga problema at ano ang  mga recommendations ng mga advisers. 


Ayaw naman din natin ang executive na walang ginagawa kung hindi magparetrato lang. Obsessive- compulsive na ang isang taong wala ni isa mang paper clip sa lamesa. At mas mataas ang position mo, mas mataas amg documentong nasa iyong lamesa. 
=========


Edu Manzano- nakuryente



Nagtweet siya na nakita raw ang pangulo at ang rumored girl friend nito na namamasyal sa Luneta AHEK, Greenhills pala.


Binawi  naman niya agad nang sagutin ng Malacanan ang issue. Baka sira ang circuit breaker.


=========


Bebe Gandanghari hindi na Ganda


Hindi ko naman alam kung bakit pinagpipiyestahan ang pagdating ni Bebe Gandanghari. Unang mga balita ay nagtrabahong waitress sa New York pero sa interview, siya raw ay androgenous model. Anoh yon? Matanda na siya para maging model. Tuyot na tuyot tingnan.(Pintasera ko)  Maganda pa siya noong una.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment