Dear insansapinas,
Nang papiliin ang mga tao (hindi ko alam kung ilan sila, ang tawag ay multitude, ngayon sila ay people power) kung sino ang pakakawalan ng Passover, ang pangalang isinigaw nila ay Barabas.May kalakaran kasi noon na pag holiday, isang bilanggo ang pinatatatawad ng gobyerno. Ang hindi alam ng karamihan, ang tunay na pangalan ni Barabas ay Jesus Barabas. Sa bibliya, siya ay sinasabing bandit; sa iba naman siya ay rebelde sa pamahalaang gobyerno. Hindi rebeldeng kahalintulad ng mga sinasabi ngayong na mga political activists na nang humawak din ng puwesto sa gobyerno ay wala namang ginagawa AT tumatanggap din ng Pork barrel(?) Hindi rin siya katulad ng mga nagbibigay ng titulo sa kanilang sarili na digital political acitivist na ang advocacy nila ay para lang magkaroon sila ng maraming hits sa kanilang mga website para malaki ang tanggapin nila sa mga sponsored ads. Hohoyyyyy.
Si Jesus ay naging biktima ng trial by publicity. Biruin mo naman na ibandera ka sa daan, dalhin ka sa mga opsiyales na wala namang makitang violation sa rule of law ng bansa.
Despite sa maraming mga witnesses na tumanggap din ng pera mula sa mga pariseo. Tseh.
Hindi ko kinukumpara ang nangyari last week sa cenaculo ni Hesus. Walang kumparasyon ang dalawa. Ang gusto kong eemphasize dito ay ang wala akong trust o bilib sa people power na siyang isinasuggest ni Armida Siguion Reyna para siyang magdesisyon sa buhay ni GMA.
via Stuart santiago
Sabi niya.
Bakit hindi magtawag ng tao, sa Edsa kung sa Edsa. Sa Luneta, kung sa Luneta, sa kahit saan, para sagutin ang tanong: Gusto n’yo bang makulong si Gloria Arroyo?
And my goodness, if people come in droves, if, say, two million show up, how can the Supreme Court (SC) overrule so clear a manifestation of popular will? If in the past, fewer numbers installed presidents, surely much larger figures can jail another.
Paurong ba tayo? Meron na tayong mga batas na saliko man ay may mga tao pa ring maaring magpatupad. Hindi katulad ng panahon na ang pagpatay sa bilanggo o akusado ay pinauubaya sa kapritso ng mga tao na emotion ang pinaiiral. Isama mo pa ang mass hysteria na pumatay noong medieval era ng mga taong naakusahang heretics o kaya ang mga pinsan ko---ang mga witches.
Ang dalawang million ba ay rule of majority? Do you trust people who parrot the lies and partisan opinion of paid hacks?
Naniniwala ka ba sa isang sinabi ng isang poster sa isang website. Ngayon daw ikukulong na si Gloria ay sasagana na ang buhay sa Pilipinas? What is he smoking? Alam ba niya ang iba pang factors para umunlad ang economy. Does he really believe that only GMA is the corrupt official? Sus.
Journalists lang nagsasabi na justice is served daw. Eh wala pa ngang conviction. Ito ang mga taong susundin instead na ang Supreme Court?
Do you believe those "hakot" people of politicians to impress to many that they have the support of the people? Did you believe those unwashed people who created chaos to protect the former president of the Philippines in exchange of 100 pesos? Do you believe those government employees who are emotionally blackmailed by public officials to join demonstrations, if not, they would be terminated?
O eto ang limang piso, sakay na ng jeep bago maghulihan ng mga pangit.
Pinaysaamerika
sus! e kung ganun pala, let's do away with the courts. ang gawin na lang natin sa mga akusado, trial by publicity tapos ibigay sa mga tao ang desisyon by letting them vote via text votes. mabilis ang trial, tipid pa. "justice" nga!
ReplyDeletesobrang pasasalamant niya at ginawang
ReplyDeleteUP regent ang kaniyang manugang na si bibeth.