Wednesday, November 23, 2011

Naghuhulihan ng walang magawa

Dear insansapinas,

Siguro nagtataka kayo kung bakit mahilig ako sa naghuhulihan... Biruan ng aking kaibigan yan--yong namatay sa breast cancer. Minsan wala siyang magawa, gustong kumain sa Batangas ng bulalo, pupuntahan ako sa opisina. Pag tinanong ko kung anong ginagawa niya doon, sasagutin ako na naghuhulihan daw ng pangit, bobo o kaya walang magawa. Baka raw siya mahuli at least dalawa kami.


Meron na namang mga walang magawa pero hindi sila hinuhuhuli. Sila ay nasa Congress,  gumagawa sila ng batas...ang pagpalit ng pangalang  EDSA to Cory Ave.


Para bang yon ang makakasolve ng problema ng bansa ang palitan ang pangalan ni Don Panong (Epifanio delos Santos, isa ring dakilang Filipino). Kung hindi sa kaniya maraming sinulat tungkol sa Pilipinas na hindi na makikita pa kahit sa Library of Congress.


Oras na pinalitan ang pangalan, marami sa aming mga nasa ibang bansa ang hahanapin pa rin ang EDSA, ang makasaysayang kalye sa Pilipinas.


Talagang mahilig sa pangalan si Relampagos. Yong kaniyang project ay may pangalan niya samantalang ito ay funded ng gobyerno.
REAP, or the Relampagos Educational Assistance Program, will initially benefit four hundred students from the First District who are currently enrolled in any of the province’s colleges and universities.
Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment