Dear insansapinas,
First, salute ako kay Charice for leaving commitments para lang maasikaso ang libing ng kaniyang ama kahit ang huli ay nagkulang sa pagtupad ng kaniyang responsibilidad bilang padre de familia.
Life
Sa buhay ko sa akademya, naiimbitahan akong umupo sa panel ng mga nagdedepensa ng kanilang Masteral. Dahil hindi naman kalayuan ang edad ko sa iba sa kanila, nagiging kaibigan ko sila pagkatapos ng depensa at habang ginagawa nila ang revision ng kanilang thesis para mapirmahan ko.
Kandidata number 1
Pagkatapos niyang magdepensa, hindi pa tapos ang kaniyang revision ay lumipad na siya sa bansa ng kaniyang boyfriend na iba ang relihiyon at kultura. Binalaan ko siya na malaking adjustment ang gagawin niya at nag-iisa lamang siya doon.
Totoo nga ang sinabi ko. Hindi nakatira sa siyudad ang boyfriend. Hindi sila ikinasal dahil ang magulang doon ang namimili ng mapapangasawa ng anak. Sa pinagdalhan sa kaniya, backward ang buhay. Wala ang mga modern amenities na ineenjoy niya sa Pilipinas. Hindi rin siya puwedeng lumabas kung wala siyang kasama. Nang makapanganak siya, unti-unti nang nalalayo ang boyfriend niya dahil nakakuha na ito ng magandang trabaho. Hanggang isang araw, dinala siya sa airport ng magulang nito, isinakay sa eruplano, one way. Pati anak niya ay hindi ipinakita sa kaniya.
2. Kandidata number 2
Hindi rin niya tinapos ang revision. Nagdepensa lang siya. Kahit nakadepensa ka, pag hindi mo isinubmit ang final copy na may pirma ng mga panel members at ng adviser para makakuha ng SO (pag private university), wala rin yon. Dumating ang boyfriend niya galing sa Japan. Nagpakasal sila dito sa Pilipinas at nagpakasal sila sa Japan. Mabait daw ang kaniyang mga in-laws. Huling kausap ko sa aking kaibigan, hinahanap ako kasi kailangan niya ang certification na natapos niya ang depensa. Wala na yong kopya ng thesis niya. Umuwi na sila sa Pilipinas kasi namatay na ang kaniyang in-laws. Kasama niya ang kaniyang asawa na walang trabaho. Dati siyang nagtuturo sa isang malaking unibersidad sa Claro M. Recto. Balak niyang magturo ulit pero wala siyang mailagay na masteral.
3. Kandidate number 3
Si Kandidata number 3 ang pinakapractical sa kanila. Tinapos niya muna ang lahat bago siya sumama sa boyfriend niya sa isang Asian country. Nakapagtayo pa siya ng negosyo sa bansang yaon. Pero magulo at nakakatakot kaya lumipad sila ng US. Nahirapan siyang maghanap ng trabaho kasi wala siyang papel. Panay ang emotional support ko sa kaniya. Ngayon ay may papel na siya at may magandang trabaho. Nagkaroon na siya ng amnesia.
Kung maraming nakakatapos ng masteral, marami rin ang hindi. Minsan naiinlove. Buti sana kung binata. Karaniwan, may asawa. Pag sila nadepressed, di na sila nagtutuloy.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment