Tuesday, November 01, 2011

Bata Batuta, WMD at Parang Pelikula

Dear insansapinas,

Dalaw ko sa oncologist ko ngayon. Balot na naman ako. Malamig eh. May dala pa akong payong na maliit lang doon sa payong ng police. Payong ng kapatid ko sa sasakyan pag malakas ang ulan at kailangang maglakad. Sa bigat ay parang WMD. Pag tinamaan ka, ER ang dala saiyo. Iiwan ko sana pero baka umulan na naman katulad ng Sabado. Ulan at yelo. Basa ang yelo. Pag bagsak sa ground, tubig kaagad.


Naalala ko ang kuwento tungkol sa lalaking umiyak dahil walang sapatos pagkatapos nakita niya yong isang lalaki na walang paa. Hindi naman ganoon katindi ang aking feeling pero sa bigat ng dala ko at sasakay lang ako ng bus, para akong nahihirapan. Pagkatapos may dumating na bata pang babae. Sa kaliwang balikat niya ay nay tote bag ng mga lampin, etc. Sa kanan naman niya ay tote bag ng gatas etc, etc, Sa kamay niya ay hawak niya ang cell phone at sa harap niya ay may baby tote na kung saan may baby (may hawak na mukhang cell phone. akala ko nagtetext) Sa isip ko, hindi ko magagawa iyon--ang lumakad na may dalang bata na walang alalay. Pero dito, either nasa likod ang bata o nasa harapan. Para ba yong mga nasa probinsiya natin na may mga batang nakatali ng tapis sa likod. Kaya pag laki bowlegged.


Appointment ko sa oncologist para idiscuss thoroughly ang result ng MRI noong October 5. He said that there is a small nodule in the liver. I asked him why the medical team in the hospital did not inform me. Sabi niya benign daw pero binabantayan nila. Baka nga naman makatakas. Mwehehe. Sabi nga ni Steve Jobs, we are going to a better place. Kaya...para akong sirang plaka. kwik kwik kwik.



Sabagay may mga balita tungkol sa mga celebrities na parang pelikula rin ang pagkamatay. Kagaya nang tatay ni Charice na pinatay sa saksak dahil daw sa personal grudge. Kahit na " inapi sina Charice ay sila parin ang -asikaso sa ama.


Ang anak naman ni Ex-Senator Ramon Revilla ay pinatay o pinapatay ng mismong kapatid nito dahil sa allowance na isang million ng pamilya, buwan-buwan. Ano ba naman ang isang milyon. Hoy, maglakad ka man ng paluhod hanggan Quiapo wala kang makukuhang isang milyon. Kaya lang sandali lang gastusin yon. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment