Saturday, September 03, 2011

Ukay-ukay -The Day when I got lost

Dear insansapinas,

Maraming thrift shop dito sa US kagaya ng Salvation Army, Goodwill at iba pa. Ang dalawang ito ay non-profit. Tinutulungan nila ang mga bagong imigrante sa paghanap ng trabaho pag bagong dating. Dati, basta na lang nakaimbak ang mga damit at maghalukay ka. Nang ang mga Filipino ang mga naging managers, ay huwag ka para na rin silang department stores ang ayos. Maraming pinagkukunan ang mga thrift shop na ito. Ang mga 'Merkano kasi mabilis magpalit ng damit according to season at dahil mahal dito ang storage, dinodonate na lang nila ang mga luma kung minsan bago pa nilang damit. Ang mga laruan naman ay mga regalo na sa paglipas ng panahon, taga kolekta na lang ng alikabok sa dagat. May nanggagaling din sa mga namatay na. Ngiiii. Pero siyempre luma na nilang damit yon.    Karamihan ang mga nakadispley na mga ukay-ukay dito ay mahal din kung i-coconvert sa pesos. Pero dahil binabalikbayan box ng mga may negosyong ukay-ukay, nakakalibre sila sa taxes.

Isang pinanggalingan ng ukay-ukay sa malaking warehouse ng Salvation Army at Goodwill. Merong isa sa Oakland noon. Naligaw ako minsan nang hinahanap ko ang isang opisina kung saan mayroon akong interview. Narealize ko na hindi rin mapagkakatiwalaang magtanong sa cab driver. Buti pa ang postman.

Nakita ko ang napakalawak na warehouse kung saan ang mga kinolekta nilang mga donated na damit na hindi pwedeng ipagbili sa US ay pinagsasama-sama nila, sira, maayos, mabaho, walang amoy at ito ang pinagbibili nila sa mga buyers noon sa halagang 5 dollars lang yata isang bulto. Bahala kang mamili pag nabili mo na. Yong iba may nasasalvage pa. Kapitbahay namin na madalas pumunta sa States ay nagpapagarage sale. Ang mga produkto niyang ukay-ukay ay mga kurtina, mga gamit sa bahay na kung ako papipipiliin, bibili na lang ako sa Divisoria.  Iba naman yong mga maayos na damit. Nililinis nila at siyang pinadadadala nila sa mga branches ng kanilang tindahan. Ang napupunta sa Pinas ay yong sama-samang damit na ipinagbibili rin ng as-is.


Bakit natin pinag-uusapan ang ukay-ukay? Hindi ko alam kung gaano kalawak ang operasyon ng ukay-ukay pero ito ang balitang ikinababahala ng mga garments industry.


FPI nagbabala sa patuloy na operasyon ng ‘ukay-ukay’

 

NAGBABALA ang Federation of Philippine Industries (FPI) laban sa mga local government officials na nangungunsinti sa patuloy na operasyon ng “ukay-ukay” sa mga nasasakupan nilang lugar.
Iginiit ni FPI Chairman Jesus Arranza, labag sa batas ang ukay-ukay dahil pinapatay nito ang local garments industry sa bansa.


Kinukuwestiyon din ng opisyal kung paano nakapapasok sa Bureau of Customs (BoC) ang mga segunda manong damit dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.
Base sa Republic Act 4653, ang mga opisyal ng gobyerno na nagpapahintulot ng ganitong uri ng negosyo ay papanagutin sa batas.
Partikular na tinukoy dito ni Arranza ang Baguio City, Quezon City at maging ang Pasay City, ang mga tinaguriang “ukay-ukay hot spots.”
Sinabi pa ni Arranza na kailangan na mayroong business permit ang mga ukay-ukay establishments dahil aniya kung wala ay mapipilitan silang kasuhan ang mga negosyante nito maging ang mga mayor ng siyudad kung saan ito nakatayo.

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. katarantaduhan kong mawawala ang ukay ukay.....sa ukay ukay ay makakabili na ng mura..kung mawala iyan at walang maibili sa mga mall na mahal..ano na lang ang suotin ng tao na damit..kung mawala ang ukay ukay dadami ang tao na walang damit..dadami ang manyak..kasi paano kung wala ng damit ang babae..baka binayaran ng malaking pera para gumawa ng hakbang na mawala ang ukay ukay para malaki ang kita ng mga tinda sa mall.....ang mga corrupt na tao ang atupagin..huwag ang ukay ukay.......mabuti sila may nabibili na mamahalin sa mall..paano na lang ang mahirap..

    ReplyDelete
  2. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang industriya ng ukay-ukay. Sapat ba itong timbugin ang garments industry. Ang alam ko sa garments natin ay pang-export talaga. Kaya karamihan di nabibili sa PHL dahil mga branded ito. Kagaya ng isang signature jeans, may nakitang pangalan ng seamstress na Pinay.

    Si Lee ang mas maraming alam sa garments.

    Pero totoo ang sinabi mo at isa yan sa mga dahilan kaya tumatakbo sa pulitika ang mga tao kahit na meron na silang pera. Para protektahan ang kanilang negosyo pag patay ng mga karibal sa negosyo.

    Pero ang mahirap nga sa ukay-ukay, di nagbabayad ng taxes ang mga nag-iimport nito at despite the fact na may batas dito ay lantaran ang pagbenta nila. Hmmmm may lagayan din?

    ReplyDelete