Sunday, September 04, 2011

Sick Leave

 Dear insansapinas,

Ito ang balita:

A new survey finds that a whopping 71 percent of Chinese workers admit to calling in sick when they weren’t.
On the other hand, only 16 percent of French workers say they have taken a fake sick day.
The survey, conducted by Harris Interactive for Kronos Incorporated, found that about half of all Americans have taken a fake sick day. That’s about on par with countries including Canada and Australia.
Ilan sa atin ang nagsasakit-sakitan para lang hindi pumasok?

Ako pag nagsasaki-sakitan, tuluyang nagkakasakit noon. Kaya lang pag di naman ako nagsakit-sakitan, hindi ko ma-eenjoy ang aking sick leave. Sa last employer ko, parang 10 months lang ang pasok namin sa isang taon. Mayroon kaming 12 approved holidays, may 15 to 30 months vacation leaves depende sa tagal mo sa trabaho na puwede mong convert sa cash pag di mo kinuha at 15 day sick leaves para sa appointments sa doctor at mga sakit na di maiwasan. Hindi naglalapse pag hindi mo ginamit. Mayroon pang isang personal leave once a month. Wala silang pakialam kong anong gawin mo doon. 

Hindi ako nagkakasakit noon at paminsan-minsan lang akong magpatingin sa doctor kaya halos walang bawas ang aking sick leave. Tinitipid ko ang VL ko para pag-uwi ng Pinas, matagal din ang bakasyunan. 
Kaso pag-uwi ko mula sa Pinas, doon ako nagkakasakit. Change of weather siguro. Yong mga kasama ko sa opisina, pag nakita mong yupi-yupi ang mukha sa simangot alam mo na magpapaalam yan at may sakit daw. 
Lalo pag umubo, naku kulang na lang itulak silang  palabas.


Minsan ay napansin ko wala na akong VL. Tamang-tama may susunduin ako sa airport. Gusto kong icharge sa personal leave ko kaso isang araw lang yon Alangan namang nagkasakit lang ako ng isang araw. So, charge ko ang sick leave. Anyway talagang panay na ang hatsing ko dahil sa allergy.


Hindi ako pinayagan noong isa sa nga director. PINAG-IINITAN kasi ako noon. KASI MAS MAGANDA AKO sa kaniya. hehehehehehe. Pinapapasok ako kinabukasan. Tinawagan ko kaibigan ko at pinasundo ko na lang ang dati kong boss sa airport. Kinagabihan, iniisip ko kung gagayahin ko yong aking pinsan na para lang magkalagnat ay gumagamit ng bawang. Pero maamoy naman yon. Saka paano kung hindi tumaas ang temperatura ko.


So Pasok ako, pero may dala akong White Flower. Yong mga kasamahan kong Instik, Vietnamese at Thai ay alam kung ano yong White Flower. Cure all yon. Tapos nagsuot ako ng makakapal ang damit. Tapos panay ang hatsing ko. 


Sabi noong manager sa director, bakit daw ako pinayagang pumasok eh kung makahawa ako? Isa pa ayaw nila ang amoy ng WF. Ako rin.


Napilitan ang director na pauwiin ako. If I know, alam kong hindi niya alam ang gagawin niya doon sa report na ako ang gumagawa. TSEH. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment