Monday, August 15, 2011

The wisest mind has something yet to learn.

 Dear insansapinas,

A headline in one of the broadsheets says:

A balikbayan from New Jersey 

warns versus muggers in the Philippines.

The Philippines has a lot of work to do before it becomes a staple in the tourist track," he added.

Verzosa, 25, was mugged in Makati City during his vacation in the Philippines, days before he was to take a flight back to the United States.

He had left a high-paying Manhattan job as senior auditor at one of the Big Four accounting firms to travel in Southeast Asia for six months “to see the world and enjoy life."
 Halatadong ngayon lang siya talaga nagtatravel o kaya ngayon lang niya nakikita ang mundo. Hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa man ay napakaraming risks para sa mga turista.


Egypt- 

 photocredit
Ang raket dito ay pasasakayin ang turista sa likod ng camel sa halagang 15 dollars. Nakasakay na ba kayo ng camel? Ako nakasakay na. Husme, una pinauupo yan para ka makasakay. Tapos tatayo yan ang unang tataas ay ang po-et kaya ikaw ay nakasubasob. Nang tumayo na ang camel, gusto kong magpadausdos sa leeg. Ang taas pa naman.


Balik tayo sa Egypt. So nakasakay na ang turista. Pag gusto mo nang bumaba, magbabayad ka ng another 15 dollars. O para kang naging hostage sa ibabaw ng camel. Di va.

Bali
Sa Bali naman, mag-ingat ka sa mga unggoy. Uunggoy-ungoy yan pero pag nakalingat ka tangay ang bag mo. Para mabawi, kailangan magbayad ka sa mga tao doong marunong makikutsaba sa unggoy. 
Pati unggoy di mo makakapagtiwalaan. Pinababayaan lang naman kasi silang maglagalag sa kanilang templo. Sa Bali ba naman, kadaming templo.

New York City

Dito sa US, kahit ang mga nagpapalimos (sa San Francisco at least kung gusto mo lang bumili) ay may mga CD sila. Yon yong mga kumakanta o tumutugtog sa mga subway, sidewalk at mga park.
Sa New York City, may mga wannabe recording artists ang mag-oofer ng kanilang CD. HUWAG MONG HAHAWAKAN. Minsan pipirmahan pa nila na para bang SIKAT ba sila?

Oras na hinawakan mo na yan, pipilitin kang pagbayarin. Parang sa Divisoria, yong mga nagtitinda sa sidewalk na iduldol saiyo ang binebenta nila, patitingnan, oras na hinawakan mo sasabihin nila na binili mo na kaya kailangan bayaran, Hindi ko alam kung sino ang nanggaya.



Las Vegas

Kalaban mo dito mga taxi driver na nagmamadaling umalis pagkatapos kang ibaba sa airport o sa hotel. Check mo ang luggage mo, kulang na. 

Bolivia


Ang modus operandi dito ay parang sa Pinas din. Sa makipot na kalsada na maraming mga stalls, may mga lalaking mag-iipit sa turista. Habang naiipit, kasalukuyan nilang nililimas ang bag. 



Pinaysaamerika

4 comments:

  1. Anonymous1:01 AM

    haaay tunay ka dyan mam,kung dito kahit pano safe ako maglakad kahit midnite (shanghai and hangzhou) sa pinas e takot ako talaga mag commute lalo pa sa mga matataong lugar at sa gabi bukod pa sa dina kelangan ng polbo hahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. dito sa states, nakakatakot din ang magcommute sa gabi. kaya lang dito sa amin alerto ang mga pulis. pero may mga lugar dito talaga na kahit araw huwag kang maliligaw.

    ReplyDelete
  3. Anonymous9:04 PM

    dito mam my mga lugar din na di gaano safe lalo na sa bandang north saka madumi gaya ng beijing, shenzhen, guangdong daming mandurukot gamit chopstick...pero dito sa south gaya ng hangzhou at kahit sa shanghai na crowded din naman e safe naman kahit na nakaalahas ka at my bitbit na mamahaling bagay no problemo at pag naligaw ka at wala kang makausap dahil di maka inglis e magmukha kalang syonga pero wala naman magsasamantala sayo.
    ~lee

    ReplyDelete
  4. sa Indinesia noon, pag sumakay ka ng taxi, kailangan, ilock mo ang pinto
    kasi baka may mga sumakay na holdzper.

    ReplyDelete