Wednesday, August 17, 2011

The Impact of Divorce on the Taxpayers


Dear insansapinas,

I am divorced. That's the truth Virginia. But it did not cost the government a single cent. (Biglang tagilid, medyo ibaling ang leeg sa kaliwa, pagandahin ang mata, para bang si Horatio ng CSI-MIAMI) kasi wala naman akong anak na sinuportahan ng gobyerno. 
Tagadan, tagadan. Habang inaadvocate ang stricter divorce laws diyan sa USA, gusto naman  ipapasa ang divorce sa Pilipinas. Oo naman, kung ang almusal ba ninyo ay nagliliparang frying pan at ang hapunan ninyo ay ang mga pintong ibinabalibag na kung pwede lang gumanti siguro pareho kayong mag-asawang hinampas ng pinto, mabuti nga ang maghiwalay na. Kaya lang gusto talaga ng iba ay makapag-asawa rin kaya hindi sapat ang legal separation.
May kaibahan nga lang. Sa Pilipinas naman ay di hinahabol ang mga amang hindi nagbibigay ng suporta sa mga anak. Dito sa US, pag nagdivorce, kahit saang lupalop ka ay mahahabol ka ng korte, i-gagarnish ang iyong suweldo, una para sa child support at ikalawa para sa alimony. Kaya may mga tao dito na ayaw magdiborsiyo dahil mamumulubi sila. 


Paano nagkakaroon ng impact ang divorce sa mga taxpayers dito? Pag single parent ka, pwede kang mag-apply ng welfare para sa mga minor 
na mga anak kapag ang kita mo ay di lumalampas sa maximum na amount para sa qualification ng welfare; wala kang assets at maliliit pa ang mga bata. Nanggagaling ito sa federal at sa state.

Ang TANF ay temporary assistance to needy families. Ito ay pera pambayad ng mga kailangang services para sa pamilya. Kagaya ng bayad sa power and gas o kaya puputulang kuryente. 
Ang food stamps ay hindi ang mga stamps na nilalawayan at dinidikit sa sobre (yuck)  kung hindi allowance ito na ibinibigay ng gobyerno para sa pagkain ng mga bata. Kung tatlo ang bata sa pamilya, tatlong food stamps ang makukuha. Sa ibang States, ito ay parang voucher at sa iba naman ito ay debit card. May priority rin ang mga batang may isa lang magulang sa mga low cost housing. 
Sa school ay libre o may discount sila sa pagkain samantalang ang mga batang may parents na nagtatrabaho ay mas malaki ang ibinabayad.



Sa Pilipinas, ang diborsiyo ba nakasentro ba sa paghihiwalay lang o may provision ito ng suporta para sa mga batang menor? Alam ko hindi magagawa ng Pilipinas ang tulong sa mga pamilya ng nagkahiwalay na pamilya na kahit ako ay hindi rin sang-ayon na ang gobyerno ang magdadala ng burden sa pinagkamali ng dalawang nagsumpaang magsasama sa hirap at ginhawa.Palove you-love you pa kayo, pag tumagal, hate you-hate you na. Tseh. 


Pinaysaamerika


7 comments:

  1. di ko rin alam if merong provision for that. pero, may mga batas na rin naman (RA 9262, RA 7610, at PD 706) na magco-compell sa magulang na suportahan ang anak.

    ang mahirap nito, marami akong nakikitang sitwasyon na naghihiwalay na ang babae walang trabaho at ang lalaki e tricycle driver o farm worker. problema sa suporta ng mga bata.

    ReplyDelete
  2. kaya nga kung minsan kaya sila naghihiwalay dahil sa pera.

    tapos ang mga bata ginagawang tagahanapbuhay. Nakita mo ang mga bata sa showbiz, pati bisyo ng magulang suportado.

    dami nga nating batas, hindi naman naipatutupad.

    dito pag malaki na ang utang sa mga bata o kaya huminto sila ng pagsuporta, kalaboso sila.

    ang mga immigrants na hindi nagbibigay ng suporta, hindi binibigyan ng citizenship.

    kahaya noong manaher naming babae, nakipaghiwalay sa asawa dahil may nakilalang lalaki (pangit naman, sus pintasera ako. Dahil mas malaki ang sweldo niya at siya ang nag-iwan ng mga bata, dapat pala siya ang nagbigay ng child support. nang mag-apply siya ng US cit. DENIED. Hangganh green card na lang siya. pero pinabayaran yata yong mga back child support paymemts.

    yon namang isang lalaking pinoy, anak dito, anak doon, apat ang naging panganay. Nang nirequire na siya ng ciurt nagbigay ng child support, 30 dollas na lang maiiwan sa sweldo niya. Umuwi na lang nga Pinas at nagtago.

    ReplyDelete
  3. angie7:57 PM

    So, mam, it all boils down to the strict implementation of the laws talaga at sa mga gawa ng gawa ng bata - makonsencia naman sila.

    ReplyDelete
  4. Anonymous8:52 PM

    karamihan naman satin mam babae ang my maayos na trabaho at ang lalaki swerte na kung my pasaltik saltik sa trabaho.
    pag hiwalayan na kadalasan mother ang my bitbit sa bata (dapat lang ehe) aty ang lalaki e walang hanapbuhay pero hahanap pa ulit yan ng bagong asawa na magpakain sa kanya (ka swerteng mga nilalang).
    lahat ng mga pinay dito sa company namin,kundi hiwalay sa asawa e nagpapakain ng batugang asawa, kaya nga ang karamihan sa mga foreigners ang sama ng kanilang pagkakilala sa mga lalaking pinoy (mga batugan) di naman kako lahat,ay oo nga raw di naman lahat pero yun daw mga lalaking my maayos na trabaho at nakakasuporta sa family e feeling naman nila e my prebilehyo silang mambabae naman ehek(kala mo naman sila e matitino).
    yung aking mga kasamang foreigners na mga diborsyado,laki ng nawawala sa kanila sa child support at syempre pa support sa kanilang mga ex misis,kaya ayun damputan nalang sila ng mga asyanang kandarapa sa foreigners kahit na nga potkorips at wala ng maibigay sa kanila.
    dito sa china maraming babaeng mayayaman na napatol din naman basta lang foreigners,baliktad mga forigners naghahanap ng babaeng asiana na mayayaman,yun namang mga babaeng mayayaman habol lang e green card at maidisplay na meron syang jowang puti.
    ~lee

    ReplyDelete
  5. Anonymous8:53 PM

    kadalasan naman yan mam hiwalayang magasawa dahil sa pera,kami naman naghiwalay dahil walang pera teheee (ganun na nga din yun asus)
    ~lee

    ReplyDelete
  6. andie,
    marami na tayong laws. panay lang silang approved /mga senador at congredmen. papogi points. enforcement, wala.

    ReplyDelete
  7. lee,

    kaya palagay ko hindi papasa ang divorce law. apektado ang mga lawmakers natin. total kahit walang divorce, dami naman nilang kabit.

    ang mga mahihirasp naman halos karamihan hindi kasal.magsama, maghiwalay, hindi nila kailangan ang diborsiyo.

    ReplyDelete