Thursday, August 18, 2011

Hindi Mabubuhay ng Walang Lalaki




Dear insansapinas, 


Katatapos ko lang basahin ang Noli Me Tangere at ngayon ay binabasa ko ang El Filibusterismo. Nabasa ko na ito noong high school ako pero noon ang aking motivation ay pumasa sa mga quizzes na ibinibigay sa amin ng teacher. 
Bakit kailangang banggitin ko ito dito sa article na ito? Kasi si Crisostomo Ibarra ay hindi mabubuhay kung wala si Maria Clara. Iba yong dalawang statements na hindi mabubuhay kung walang babae o lalaki  at hindi mabubuhay kung hindi kapiling ang mahal sa buhay. Panyo nga. prrrrsssst. 


Ang statement sa title ay ang pag-amin ng kakilala ko noon na kung sino na lang ang pinapatulan. Full of love daw kasi siya. Pero hindi siya naliligo pag wala siyang boyfriend. Naah Virginia, hindi siya teenager. Golden Girl na siya noon. Lampas liyebo singko na walang sukli, 


Ang asawa niya ay namatay sa sakit pagkatapos magtrabaho ng matagal sa Saudi. Pagkamatay ng asawa niya, siya ay naging COUGAR. Bata pa ang kinasama niya at pinatira sa kanilang bahay. Addict pa. Unti-unting pinagbili ang mga napundar ng kaniyang asawa. Ang mga anak niya ay walang magawa. Tapos nalaman niyan na ginalaw pala nito ang kaniyang dalagita. WALA RIN. Kinampihan pa niya ang walanghiya. Nang naghiwalay sila, ay pati bahay niya naipagbili niya. Kaya lipat siya sa Cavite kung saan namimigay ang gobyerno ng mga lote sa mababang halaga. May kinasama na naman siya na isa raw engineer. Pero ang pensiyon naman ng namatay niyang asawa ang kaniyang palabigasan. Hawak niya ang ATM. Hanggapang maapprove ang petition ng nanay niya sa kaniya.Tumira siya pansamantala sa nanay niya pero pinaalis din dahil kung sino-sino ang isinasamang lalaki sa bahay. Meron pa rin yong engineer na panay ang utang sa kaniya kahit hawak pa nito ang ATM. Natuwa ako nang nagpadala siya ng pera sa mga anak niya para raw makabili ng TV. SUS. Ang boyfriend naman niya noon ay taxi driver na bombay. Kasakay siya magdamag sa taxi. Huwag ninyo akong tanungin kung anong ginagawa nila. Alangan namang nagpipingpong sila.


Huli ko siyang nakita meron siyang kasamang lalaking kaabresyete sa BART. Mukha siyang bumabata. 


Bakit nagtsismis na naman ako. Kasi may research na ginawa tungkol sa cohabitation.  
Cohabiting is an emerging threat to the health of children and society, two new research reports say.In the latter half of the 20th century, “divorce posed the biggest threat to marriage in the United States,” sociology professor W. Bradford Wilcoxand 17 other scholars said in a report released this week by the Institute for American Values’ Center for Marriage and Families and the National Marriage Project at the University of Virginia.
That is no longer the case, they said.
“Today, the rise of cohabiting households with children is the largest unrecognized threat to the quality and stability of children’s family lives,”




the scholars said in “Why Marriage Matters, Third Edition: Thirty Conclusions From the Social Sciences.”
Cohabiting relationships are prone to instability, with “multiple transitions” and breakups. Children are less likely to thrive in such homes and may even be exposed to abuse from unrelated persons in their homes, the report says.

Pinaysaamerika 

No comments:

Post a Comment