Dear insansapinas,
Sa New York ay rampant ang mislabeling fraud sa mga supermarket para sa mga fish fillets para maipagbili ng mas mahal ang mga isdang nasa kategoriya lang ng middle income sa kanilang social status sa dagat o palaisdaan. Kaya ang yellow tail ay nagkukunwaring mahi-mahi; ang nile perch naman ay pinagbibili na pating (anak ng pating naman) o at ang tilapia ay ay ang multi-award na isdang katulad ni Meryl Streep, kahit anong role pwedeng ibigay.
Bangus
Sa San Fran, nakakarating ang tinapang bangus o kaya ang whiner na daing na binabad sa suka na galing sa Saranggani. Kababayan pa ni Pacquiao? Dito sa East Coast meron sa mga Asian store pero hindi sila box office hit kagaya ng mestisong catfish at ang tilapiya.
Kaya nang mabasa ko ang balita sa PHL tungkol sa maraming namatay na bangus dahil nakalimutang huminga (asphyxiation) naalala ko ang paborito kong bangus sa Pangasinan, Inihaw sa baga na nakatusok sa maliit na kawayan na may palamang kamatis at sibuyas na ginayat sa loob ng tiyan. Yum.
Ang aking boss noon ay may palaisdaan ng bangus. Pag bagyo, nag-ooverflow kaya umaga, tanghali at gabi ay purga kami ng bangus na maliliit pa at di pwedeng sex education.
Ang dahilan daw ng pagkamatay ng isda ay overpopulation ng mga fish pens (baka naman pati Reproductive Bill para sa isda, magpalabas pa ang Kongreso, toinkk). Sa sobrang ganid ng mga fish pen operators, dinadamihan nila ang capacity ng kanilang farm na siksikan ang mga isda. Magpalabas din kaya sila ng SLEEP OUT privilege. (ano ba naman ang kamay na ito at kung anu-ano ang tinatype).
Sa Bicol noon, hindi kami kumakain ng bangus. Wala kasi naman akong makita. Kahit hito at dalag, di kami kumakain noon. Sosyhal.
Ewan ko ngayon. Ay sus naman, sa lola ko ang kusina ng bahay nasa dagat; ang amin namang bahay, nakaharap sa Pacific Ocean.
Pag maagang-maaga, dumadaong ang basnig. Pwedeng manghingin ng maliliit na isda kagaya ng sapsap na may laway pa. O kaya ng espada (rich in Mercury). Interesado lang naman sila sa mga malalaking isda eh. Pag medyo tanghali na ay may naglilibot na nagtitinda ng isda. Mga huli ng mg asawa nila gamit ang maliliit nilang bangka.
Kung ayaw naman namin ng isda, mamumulot kami ng mga shells sa dalampasigan. Unahang maghukay. O kaya mangangalap kami ng oysters na nakadikit sa mga bato.
Sa Pampanga ako natututong kumain ng tilapia. Nililinis ng mother ko sa abo. Pag fresh kasi may laway-laway pa. Saka talagang maitim. Ngayon yata gumagamit na rin ng skin whitener ang mga anak ng pating.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment