Dear insansapinas,
Naah, Virginia, I am not talking about the red eyes flight which gives you a fatigue symptom characterized by red eyes. Hindi na naman masyadong mapula ang mata ko. Para na lang akong bampira na nakainom na ng isang galong blood. (eww). For someone with liver cancer, my doctor was expecting me to have yellowish eyes. So last Wednesday, she advised me to avoid eye make up. What eye make-up? I never wear make-up except for Estee Lauder Transluscent foundation (take note. hindi puwedeng pahiran ang Avon ang aking pisngi. Sushyal. Toinkkk) and papel de hapon for my blush on effect. hehehe. I am allergic to lipstick. I do not need to have collagen injection to have that Angelina Jolie's pouting lips. Maglagay lang ako ng lipstic, para na akong sapsap. mwehehe.
Sabi ko sa aking doctor, that my eyeliners are tattoos. Apat na reasons bakit ako nagpatattoo.
1. katamaran- tamad akong maguguhit sa mata at sa kilay.
Noong bata ako sinubok kong mag-ahit ng kilay. Hindi ko alam hindi pala inaahit yon kung hindi binubunot. Hiniram ko ang pang-ahit ng kuya ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng isang kilay ng biglang pumasok siya at sinita ako. Kalahati tuloy naahit. Kalahati natira. Ilang buwan din akong nagtiis ng mahaba ang bangs para matakpan. Kahit nagkakandarapa ako dahil di ko makita ang daan. Hirap talagang magpaganda.
2. cost saving- umiral ang aking pagka-accountant ng kinukumbinsi ako ng aking kaibigang magpatattoo ng kilay at ng mata. OO nga naman, ilang eye pencil pa ang aking nagagamit. Napupudpod pag tinasahan, minsan di ko makita at higit sa lahat minsan nahuli ko ang aking tsikiting gubat, ginagamit na drawing pencil. Salbahe.
3. madalas ang aking speaking engagement noon. kahit na yong water proof eye-make up ang gamitin ko, wala ring effect. Minsan nag break kami at pumunta ako sa powder room. Eeeeeek, mukha akong racoon dahil nag smear yong aking make-up.
4. may allergy nga ako sa make-up. Nagsimula akong maglagay ng press powder o foundation noong malapit na akong grumaduate. Advice ng professor ko pag ako nag-apply ng trabaho. Hindi niya alam nagtatrabaho na ako.
So pagkatapos ng ilang buwang persuasion, inabduct ako ng kaibigang kong si Alabang Girl, tinali sa kama at nilagyan ng tattoo. Buti na lang walang libreng tattoong may puso at palaso. hohohoho.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment