Dear insansapinas,
First, the tornadoes.
Since late evening last night, there were warning alerts for DC, Maryland and Virginia for tornadoes, flashfloods and thunderstorms. In Virginia, eight people died while in Alabama, 149 people perished which increased the death tolls in the states of Georgia and Arkansas.
Pagtanaw ko sa lakas din ng hangin sa amin. Dito ang toilets, bathrooms and elevators for high rise residential apartments lang ang may solid foundation.
Weddings
Bata pa ang mother ko nang ikasal si Queen Elizabeth noong 1947. Kagaya nang karaniwang mortal na lumaki sa mga istorya ng mga prinsipe at prinsesa (Dala ng mga Merkano, bago tayo binigyan ng independence), fascinated siya sa pinakasikat na royal family sa mundo. Siyempre wala pa noong TV, internet
para makita ang coverage kaya nagkasya na lang siya sa panis ng balita at retrato ng kasal.
Kaya noong nagkaroon siya ng kaibigan na makakasama niya pagpunta ng Europe, unang pinuntahan ang United Kingdom. Sabi pa niya sa akin...TO VISIT THE QUEEN. hahaha. Tapos wala siyang makitang restroom nang siya inabot ng tawag ng nature. Takbo siya pauwi sa hotel nila. Hindi niya nakita ang Queen pero nakipagsipatan naman siya ng tingin sa mga guardiyang parang istatwa. Saka lang siya pumunta sa Lourdes, France.
Nang ikasal naman si Princess Diana, meron na ngang TV pero wala pang internet. Kaya ang coverage (ewan ko hindi ko matandaan) ay delayed telecast. Kahit naman marami akong nabasang Nancy Drew at Sherlock Holmes, meron ding akong mga binasang "and they lived happily ever after" na kwento. Ikalawang generation.
Nang mamatay si Princess Di, nawalan ako ng gana sa mga royal families. Ayon sa kapitbahay namin na napunta at nagtrabaho sa London bilang DH, kapag libre raw silang mga magkakababayan ay nagpapalitan sila ng mga istorya tungkol sa amo nila. Isang Filipina raw ang nagsisilbi sa kitchen ng palasyo ang nagkuwento na sila ay nagpapanic pag pumpupunta sa kitchen si Princess Di para kumuha ng juice. Hindi raw ugali nito ang tuimawag ng katulong kung magagawa niya. Ito raw ang madalas ireklamo ng royal family na kahit mabait naman sa kanilang ng household staff ay may sinusunod pa ring protocol.
Nang makita ko ang picture niya na hinahalikan si Prince Charles, pakiwari ko mamatay-matay sa selos si Camilla. Pero siya ang pumili kay Princess Di para maitago ang kanilang relasyon. KAINIS.
Ngayon ikakasal si Prince William. Ano kaya ang nararamdaman ni Camilla. Buti naman at di siya pumapapel kahit siya ang future queen. Ikalawa lang sa linya si Kate dahil si Prince William ang sunod kay Prince Charles sa trono. Hindi ko alam kong excited ang aking tsikiting gubat sa kasal na ito. Ikatlong generation.
Relationships
Masuwerte pa rin ang ating mga kababaihan sa Pilipinas Kay Ganda Koh. Sa Pakistan at India, ang babae ang naghahanap nang mapapangasawa at sila rin ang nagbibigay ng dowry. Ang pamilya ng babae ang namimili ng babaeng pakakasalan ng kanilang anak.
Sa US, ang father o ang bride mismo ang gumagastos sa kasal except yong suot ng groom. Matuk mo?
Kung napanood ninyo ang MULAN (Mulan ba kagabi), ang babae ay pinipresent ang sarili nila sa mga lalaking naghahanap ng mapapangasawa. Ang mail-order bride noon ay sa mga Hapones na nagmigrate sa US para magtrabaho sa sugar plantation at umuorder ng mapapangasawa sa Japan. Binibigyan nila ang pera ang mga magulang ng babae na ipadadala sa US para maging asawa at katu-katulong sa pataniman.
Dekada ang nakaraan, hindi pa rin nagbago ang kulturang yaon. Kung may match.com sa US kung saan parehong babae at lalaki ang nagpaparegister para makakuha ng karelasyon, sa Japan ay ang mga babae ang nagpapasimula ng paghanap. Kung inaakala nang marami na ang 9. magnitude na lindol ay nakapagpigil nang paghanap ng relasyon, nagkakamali sila. Ang mga kumpaniya na naghahanap ng mapapangasawa ng mga babae ay patuloy pa rin ang lakas ng pagtanggap ng miyembro kahit na ang unang bayad ay 1,200 dollars at monthly fee na 120. Talagang mamahalin mo nga ang iyong asawa. MAHAL Ang IBINAYAD MO EH.
Kaya naman daw mas tumindi ang paghanap ng magiging karelasyon dahil napag-isip-isip ng mga wala pang asawa na mas madaling harapin ang kalamidad pag may katuwang.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment